(Tuba Büyüküstün as Luna Lily)
River POV.
MABILIS kaming nakarating sa bahay habang buhat buhat ko ang niligtas naming babae. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita kung sino tong niligtas namin ni ate pero ang mahalaga ay nailayo namin ito sa mga rogue.
Nakita ko si ate na pumasok sa kwarto nito saka inayos ang higaan.
"Ihiga mo sya dito" Sabi nito.
Agad ko naman ginawa ang sinabi nya at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Luna, Luna ng Nightstorm.
"Okay ka lang ba, bunso?" Sabi ni ate ng marinig ang singhap ko. Napatingin naman ako kay ate nung sinabi nya iyon.
"Ah okay lang ako." Tumingin ulit ako kay luna. "Kilala ko sya, sya ang luna ng dati kong pack ang nightstorm pero bakit sya bibihagin ng mga rogue eh sa pagkakaalam ko ay napaka bait ni luna?" takang tanong ko.
"Ay buti na lang pala at nailigtas natin pero saka na natin alalahanin kung ano man ang nagyari sa luna ng dati mong pack, sa ngayon ang alalahanin natin ay ang wolfbane na nasa katawan nya" Sabi nito.
Tama nga ang hinala ko, na may wolfbane ang katawan ni luna. Pero nakakapagtaka pa rin talaga kung anong nagyari dito.
Nakita kong inayos ni ate ang higa ng luna saka kinuha ang gamit sa ilalim ng kama nito.
"River kumuha ka ng malinis na bimpo, maligamgam na tubig saka isa pang maliit na planggana" utos nito.
Agad naman akong tumalikod para gawin ang sinasabi nito at ng makuha ko na ang pinapakuha ni ate ay saka ako bumalik sa kwarto tapos ay inilapag ko ang dala ko sa lamesa malapit sa hinihigaan ng luna.
"Basain mo yung bimpo, River."
Agad ko namang binasa yung bimpo saka inabot sa kanya. Madaming sugat ang luna kaya siguradong nanlaban ito.
"Kamusta sya ate?" Tanong ko rito.
"Okay na sya natanggal ko na yung halos kalahati ng wolfbane na nasa dugo nito hindi ko kakayanin na tanggalin ang lahat ng wolfbane sa dugo dahil delikado pero kakayanin na nitong labanan ang lason na natira sa katawan nya, sa ngayon kailangan na lang nyang magpahinga at mga ilang araw lang siguro ay magigising na sya."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni ate akala ko ay may mas malala pang mangyayari.
"Buti naman at okay na si luna sana bumilis ang paggaling nya." sabi ko habang nakatingin kay luna.
"Sana nga kaya magpahinga ka na tapos bukas ikaw na lang ang kumuha ng gamit natin sa may falls tapos babantayan ko na lang ang Luna ng Nightstorm." sabi nito sakin.
"Pero san ka pala matutulog ate?" tanong ko dito dahil nakahiga si luna sa higaan nito.
"Wag kang mag-alala may extra kutson naman ako dito kaya may gagamitin pa naman ako." sabi nito. Dito kasi naming agad deneretso ang luna sa kwarto ni ate pero buti na lang ay may kutson ito na mahihigaan.
"Oh sige na magpahinga ka na alam kong napagod ka sa mga nangyari ngayong araw."
"Sige ate ikaw din magpahinga ka na din." Sabi ko dito tapos ay lumabas na ko saka dumeretso sa aking kwarto. Hindi na kami nakakakain dahil sa pagod na naramdaman naming dahil sa nangyari.
ISANG linggo na ang nakakalipas ng iligtas namin si luna pero hindi pa rin ito gumigising. Sabi naman ni ate maaaring umabot ng ilang araw na walang malay dahil sobrang dami talaga na pumasok na wolfsbane sa katawan nito. At habang wala itong malay ay inaalagaan namin ito ni ate halinhinan dahil kailangan din naman naming gawin ang karaniwanag ginagawa namin. Kaya habang nasa bayan si ate para kunin ang reward sa ginawa nito at ako naman ay nandito ako para alagaan si luna.
Matapos kong punasan at palitan ang damit nito ay tumayo na ko at inayos ang mga ginamit ko.
"S-sino ka..." kahit mahina ay narinig ko iyon kaya mabilis akong lumingon at ganun na lang ang tuwa ko ng makita kong gising na si luna kaya agad kong ibinaba ang mga ginamit ko saka mabilis na nilapitan si luna pero agad itong lumayo sa akin kahit nanghihina pa ito.
"S-sino ka?" tanong nito ulit sakin at halata ang takot sa mukha nito dahil na rin sa nangyari siguro dito.
"Luna ako at ang kapatid ko ang nagligtas sa inyo sa mga roque na kumuha sa inyo" paliwanag ko dito.
Nang marinig nya iyon ay dahan dahan syang sumandal sa headboard ng kama.
"E-eh pano mo n-nalaman na isa akong l-luna?" tanong nito. Hindi nito siguro ako namumukhaan.
Nung sasagutin ko na sya ay biglang pagdating at pagtawag sakin ni ate.
"River!?"
"Nandito ako ate sa kwarto mo at gising na rin ang luna"
Narinig ko ang yabag nito papunta sa kwarto nito hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto at pagdungaw nito doon.
Napatingin ito kay luna at katulad ng ekspresyon ko kanina ay mukhang natuwa ito.
"Mabuti naman at gising na sya." Masayang sabi nito. Humarap ako dito at nakita ko nakakunot ang noo nito.
"River?" tanong nito.
"Oo luna ako to si River." Masayang sabi ko dito.
Pero parang ayaw pa rin nitong maniwala kaya agad akong tumalikod ng upo dito saka itinaas ang buhok ko para makita nito ang batok ko.
Nasa batok ko kasi ay may tattoo ng pagkakakilanlan ng pagiging pack member ko sa nightstorm. Ang witch ng pack ang naglagay nito at mawawala lang ito kung hindi ka parte ng pack. Pero nagtataka lang ako kung bakit hindi pa nawawala ang tattoo dahil ilang taon na rin akong umalis sa pack.
Nang sa tingin ko ay nakita na ni luna ang aking tattoo ay agad kong ibinaba ang buhok ko saka humarap sa kanya.
Nakita ko ang panglalaki ng mga mata nito na halatang nagulat sa nalaman.
"Naniniwala ka na ba luna na ako si River?" Nakangiti kong tanong rito.
Agad na ngumiti si luna at kahit halatang nanghihina ito ay nayakap pa rin ako nito. Agad din itong bumitaw saka hinawakan ang aking magkabilang pisngi.
"Ang laki ng pinagbago mo, River." Nakangiti nitong sabi na may halong pagkagulat.
"Gumanda ako lalo ano haha." Natatawa kong sabi at tumango naman ito.
Nakarinig ako ng umubo kaya agad akong bumaling kay ate saka humarap kay luna.
"Luna ito ang kapatid ko si ate Raine" pakilala ko rito kay ate na agad naman nitong tiningnan si ate saka muling tumingin sa akin.
"Ate mo?" Tanong nito na may pagtataka.
"Opo ate ko po sya kadugo ko, mahabang kwento kung pano ko nalaman pero totoong kapatid ko po sya." Nakangiti kong paliwanag rito.
Tumingin ulit ito kay ate saka nagsalita.
"Salamat sa inyong dalawa dahil niligtas nyo ako at salamat binibining Raine at inalagaan mo si River nung umalis ito sa pack." Masayang sabi nito.
"Ayos lang po iyon siguro blessing in disguise din po ang nangyari dahil nalaman kong buhay pa ang kapatid ko." masaya din sabi ni ate kay luna.
Siguro nga na blessing in diguise talaga ang pag-alis ko sa pack dahil nakilala nakasama ko si ate ngayon....
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------June 9, 2020
YOU ARE READING
Unknown
VlkodlaciDecisions are the hardest thing to make, especially when it is a choice between where you should be and where you want to be... -Anonymous