"WAAAA! Casper tama na nakikiliti ako" tumatawang sabi ni River na patuloy pa ring kinikiliti ni Casper.
Si Casper ay nag iisang anak ng alpha ng Nightstorm kung nasaan sila ngayon. Naging matalik na magkaibigan sila dahil halos mag ka edad lamang sila. Kinukop si River ng kanyang ama na si Carter na isa sa mga nagbabantay sa pack meron itong sariling pamilya pero kahit na hindi sila magkadugo ay itinuring pa rin siya nitong parang sariling kadugo.
"Itigil nyo na yan dalawa at mag sisimula na tayong kumain" Sabi ng luna na naabutan ang ginagawang kulitan ng dalawa.
"Opo Luna!!" sabay na sabi ng dalawa na nagtakbuhan pa punta sa dining room
"Wag kayong tumakbo baka madapa kayo!" agad na sabi ng luna ng makita ang dalawa na nagpapaunahan
Ang mga bata nga naman...
Sabi na lang nya sa sarili at agad na sumunod sa mga dalawa.
Pagkarating naman nila sa dining room agad na naupo ang Luna sa kanang upuan ng Alpha habang si Casper ay sa tabi ng ina na syang Luna habang si River naman ay katabi ang kanyang kuya na anak ng umampon sa kanya.
Masayang masaya si River dahil pakiramdam niya na kabilang talaga siya ng pack kahit hindi naging parte ng pack ang mga tunay nyang magulang at kahit hindi nya alam kung saan talaga sya nagmula.
Nung araw na kinukop ito ng ama na si Carter, ay nung araw din na nakita ito ng mga nagbabantay sa border na malapit sa ilog na umiiyak habang madaming dugo ang lampen na nakabalot sa katawan nito na agad kinuha ng mga ito at dinala sa Alpha. Inakala pa nga ng Alpha na bagong panganak ang mate ng amahin na si Carter pero ng malaman nila na hindi nito anak si River ay napag desisyunan nilang ibigay ito sa Wolf Organization dahil meron talagang nakalaan na tirahan para sa mga batang wala ng magulang o kaya inabanduna sa teritoryo ng mga wolf katulad ng Nightstorm. Sa kalagitnaan ng paguusap nila ay biglang umiyak si River na parang naintindihan nito ang pinag uusapan nila at mahigpit ang kapit sa daliri ni Carter na nagtatanggal ng dumi sa mukha ng bata. Nung oras na iyon ay natigilan si Carter sa ginawa ng sanggol kaya napag desisyunan nitong ampunin na lang ang bata kahit na nag dadalawang isip ang Alpha kung tama ba ang magiging desisyon sa pag ampon sa bata ay hinayaan na lang nitong ampunin ang sanggol.
Agad itong dinala ni Carter sa bahay nito na agad na ipinaalam sa mate nito na ikinagalak ng babae na nagngangalang Lina, masayang masaya ang mga ito dahil may bago na silang anak isa na rin sa dahilan ay dahil hindi na maaaring manganak si Lina dahil delikado na ang susunod nitong pagbubuntis kayang sobra ang sayang nadarama nila ganun din ang pakiramdam ng panganay na anak ng mag asawa dahil para rito ay may mababantayan na sya katulad ng ng mga kaklase nito na may kapatid na laging kasama hindi man nito sabihin ay naiingit sya na mga ito pero hindi na ng araw na makita nila ang sanggol at ipinangalan dito ang River dahil doon nila ito natagpuan.
At ngayon ay 5 years old na si River, ginawang kaarawan na lang nila ang araw kung kailan nila ito nakita sa ilog.
"Kuya paabot po nung karne" pakiusap ni River sa kapatid.
Tiningnan naman sya nito saka inasar "Ayoko nga"
"Kuya naman sige na paabot na!!" sabi pa rin nito
"Ayoko nga magpahaba ka muna ng braso" natatawang asar nito sa kapatid
Inis na napakamot sa ulo si River tapos ay suminghot singhot na parang iiyak na agad namang nataranta si Miguel ng makitang paiyak na ang kapatid pero bago pa nya ito maalo ay lumapit na si Casper at saka nito niyakap si River, tiningnan naman nito ni Casper ng masama si Miguel.
"Bat mo pinapaiyak si River" galit nitong sabi sa binata.
Napakamot na lang si Miguel sa kanyang ulo dahil sa sinabi ni Casper, tumatawa lang ang mga nakakatanda sa nasasaksihan nila.

YOU ARE READING
Unknown
Hombres LoboDecisions are the hardest thing to make, especially when it is a choice between where you should be and where you want to be... -Anonymous