UnKnown XXIV

134 4 1
                                    

Casper POV.

NAGTATAKBUHAN papuntang border ng pack dahil may mga rogue daw na nandoon.

"Anong nangyari?" tanong ko sa mga guards na nagbabantay sa front border

"Bigla na lang pong may pumasok sa border ng pack alpha tapos nung nahuli na namin ay hindi po sila nagtangkang tumakas o man laban man lang." sabi ng isa sa gwardya kaya agad kaming sumunod sa kanila.

Naiwan ang ibang Alpha sa pack house at kami lang ni dad ang pumunta sa mga pangahas na mga rogue.

Nang makarating kami sa border kung nasaan ang mga rogue ay nakita kong lima ang mga ito at kahit halatang nahihirapan na sila dahil sa pangbubogbog ng mga pack guards ay hindi silang nangahas na tumakas at iligtas ang buhay nila.

Agad akong lumapit saka nagsalita.

"Bakit kayo naririto?" kalmadong tanong ko sa mga ito pero walang sumagot. Sa inis ko ay agad kong hinwakan ang baba ng isang rogue saka itinaas ang ulo nito para makita ko ang mukha nitto.

"Tinatanong ko kung ano ang pakay nyo rito?" gigil kong tanong sa rogue na nagpahigpit sa pagkakakapit ko sa baba nito at kita ko ang pag-ngiwi nito.

Kahit na halos ay madurog na ang baba ng rogue ay walang nagtangkang magsalita para masagot ang tanong ko.

"Wala ba kayong planong sagutin ang tanong ko, mga rogue!?" gigil na tanong ko habang nanglilisik ang mga matang nakatingin sa mga ito .

Kahit mukhang takot na takot na ang mga ito ay walang sumagot sa aking tanong kaya sa inis ko ay hinawakan ko sa likod ng ulo ang kaninang hawak ko sa baba sa malakas na hinampas sa lupa.

Rinig ko ang pag crack ng buto nito pero naririnig ko pa rin ang paghinga nito pero mahina na at siguradong mamamatay na din iyon.

Lumakad ako palapit sa isa na sobrang nangangatog na ang buong katawan.

Nang hahawakan ko na ang buhok nito ay biglang may mga sigaw kaming narinig sa loob ng pack at maya maya ay may tumatakbo na ulit na isang guard papunta sa pwesto namin.

Hingal na hingal ito ng makarating sa amin pero sinabi kaagad nito kung ano ang nangyayari sa loob.

"Alpha bumalik po ulit yung babaeng sumugod dito at kumuha sa luna!"

"Si Myra? anong ginagawa ng babaeng yun rito?" naguguluhang tanong ni ama na mabilis nagshift at tumakbo papasok sa pack habang ako naman ay binalingan ang mga gwardyang kasama ko.

"Kayo bantayan nyo ang mga rogue na iyan at ang iba bantayan ang paligid mas magandang handa tayo." utos ko sa mga ito.

"OPO ALPHA!!!" sabay sabay na sabi ng mga ito kaya agad akong sumunod kay dad para malaman ko kung ano bang kailangan pa ng Myra na iyon at nandito na naman sa Nightstorm at patuloy na nanggugulo...










River POV.

"LUNA kamusta na nga po pala ang pack? Maayos naman po ba kayo?" tanong ko kay luna habang buhat buhat ko ito sa aking likudan.

"Okay naman naging maayos naman at patuloy na nagiging maayos pero minsan napapansin ko ang pagiging matamlay ni Casper pero alam ko na ikaw ang dahilan nun River..." 

Natahimik ako dahil sa sinabi ni luna. Hindi ko alam pero kumabog ang aking dibdib at hindi ko alam kung para saan iyon kung sa takot o... saya.

"Simula kasi ng umalis ka sa pack ay naging matamlay na sya masyadong nyang ibinabaling sa trabaho nya ang pagiging malungkot nya sa pag-alis mo at alam ko rin na kapag bumalik ka ay babalik na rin ang dating Casper..." sabi nito.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni luna.

"Luna baka naman dahil masyadong maraming trabaho lang talaga si Casper lalo na at hindi pa gaanong katagal na namumuno sya kaya baka ganun lang talaga sya." pangungumbinse ko kay luna pero parang pati sarili ko ay kinukumbinse ko na din dahil kahit na hindi ko man sabihin ay umaasa ako na totoo ang sinabi ni luna.

"River sa lahat na pwedeng makakilala kay Casper ay ako ang mas nakakakilala sa kanya dahil ako ang ina nya at alam ko na tama ang mga sinabi ko, naniniwala ako sa instinct ko bilang isang ina. Hindi man nya sabihin kung ano ang nararamdaman nya eh alam ko na nami-miss ka na nya at alam kong ikaw rin..." mahabang litanya ni luna.

"Luna mahirap para sakin na maniwala sa sinasabi nyo at maaaring hindi talaga ako ang totoong mate ni Casper..." parang kumirot ang aking puso dahil sa sinabi ko. "... maaaring yun po ang nangyari samin, katulad po ng kwento nina ina at ama tungkol sa wrong mate diba may pagkakataon po na yung ang mangyari..." napatingin ako kay ate na parang nagpipigil ng tawa.

Pinanlakihan ko naman ito ng mata "Ano?!" tanong nito na pagalaw lang ang bibig saka bumungisngis.

"Pwedeng mangyari yun pero rare kung mangyari iyon parang one in Million ganun."

Napabuntong hininga ulit ako.

"Ah oo nga pala kamusta sina nanay tatay tyaka si kuya Miguel?" tanong ko para na rin mabaling sa iba ang topic.

"Ah sila okay naman kahit na medyo tahimik sila at hindi masyadong pumupunta sa pack gaya ng dati dahil siguro may galit pa rin sila pero di ko naman sila masisisi dahil kahit ako man na mapunta sa posisyon nila ay magagalit din ako sa taong may dahilan kung bat kinailangan mong umalis noon." sabi ni luna.

Napatahimik ako saka nagsisisi dahil sa mga nangyari.

Kung siguro hindi ako umalis hindi lalayo ang loob ng mga kumupkop sa akin kina Casper.

"Alam ko ang iniisip mo River, Wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo naman ginusto ang mga nangyari tyaka tingnan mo may naging magandang pangyayari pa naman na nangyari nung umalis ka sa pack at isa na doon ay ng makilala mo ang iyong totoong kapatid."

Napatingin ako sa kapatid ko na nauuna ng maglakad pero alam ko na narinig nya ang sinabi ni luna.

Tama si luna hindi lang ang mga nangyari sa loob ng nightstorm ako naging masaya, sa katunayan ay naging masaya ako dahil nagawa kong matuto sa mga bagay bagay na hindi ginagabayan ng sobra, naranasan ko pa rin ang mahirapan at syempre dahil nakilala ko ang totoo kong kapatid kahit na masakit ang nangyari sa aming mga magulang ay masaya pa rin ako dahil nalaman ko ang totoong pagkatao ko.

"Hoy bilisan mong maglakad River malapit na tayo sa Nightstorm!"

Hindi ko napansin na nakalayo na pala si ate masyado kasing malalim ang iniisip ko eh hehe.

"Oo ate andyan na bibilisan na!!" sigaw ko rin pa balik.

"Kung siguro di mo ko pasan ay mabilis kang makakakilos" biglang sabi ni luna. Napatingin ako dito.

"Ano ka ba luna ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo kasalanan kung hindi ka pa rin naniniwala edi manuod ka na lang." sabi ko kay luna sabay talon sa isang puno.

Narinig ko ang pagtili ng luna sabay higpit ng hawak nito sa akin. Napatawa naman ako sa reaksyon ni luna.

"Hoy madaya ka River hindi ka nagsasabi!" sigaw ni ate dahil mataas ang tinalon kong puno tapos ay nakita kong tumalon ito papunta sa kabilang puno habang ako ay agad na tumalon sa nasa unang puno at doon na nagsimula ang pabilisan namin ni ate habang si luna ay mahigpit na naka kapit sa aking leeg at ramdam ko ang kaba nya sa ginagawa naming magkapatid.....


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


June 28, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now