UnKnown XXIII

106 5 0
                                    

Casper POV.

"BAT HANGGANG NGAYON DI NYO PA RIN MAHANAP ANG LUNA NYO, ANG MATE KO?!" galit na sigaw ni dad.

Halos mag-iisang buwan na pero wala pa rin kaming balita kay mama. Kung anong nangyari na sa kanya sobra na ang pag-aalala namin pero kahit gustuhin ko man na sumigaw at magalit din sa mga naghahanap ay wala ako karapatan na magalit dahil kahit ako ay hindi alam kung nasaan ang luna.

"Patawad po pero wala po kasi kaming nakitang mga palatandaan na kung nasaan ang luna." nakayukong sabi ng isang gwardya na naghahanap kung nasaan si luna.

"MGA WALA KAYONG KWENTA'T WALANG SILBI, KAYO PA NAMAN ANG PINAKAMALALAKAS RITO SA PACK PERO WALA KAYONG NAHANAP!!!!" galit na galit si dad na halos ay lumabas na ang litid nito sa leeg sa kakasigaw.

"Dad kumalma ka walang mangyayari kung masyado kang magagalit." mahinahon kong sinabi at dahil nagsalita ako ay sakin sya bumaling.

"PANO AKO KAKALMA KUNG HANGGANG NGAYON AY HINDI PA RIN NAHAHANAP ANG IYONG INA." sumisigaw pa rin nitong sabi.

Pero bago pa ako makasagot kay dad ay nakita ko na lang ito na bumagsak sa sahig habang nakahawak sa pisngi nakita ko rin na dumudugo ang labi nito.

Napatingin naman ako kay tito Marco ang Alpha ng Crimson pack na kapatid ni dad dahil ito ang sumuntok kay dad ang mate naman nito ay nakahawak sa braso ni tito para pigilan ito dahil parang susugod pa ito ulit kay dad.

Nasa loob din ang ibang mga Alpha ng iba't ibang pack na sina Alpha Sam, Alpha Gray at Alpha Taner ay nagpipigil ng tawa habang ang mga mate ng mga ito ay pinalalakihan ng mata ang mga mate nila dahil siguro seryoso ang nagyayari ay ganun ang mga ito.

Kung ibang pagkakataon lang ay siguro natatawa na ako ngayon dahil kahit kailan ay hindi ko pa nakikita na masuntok si dad lalo na at masyado itong malakas at mabilis pero nawawala si mama kaya wala akong oras para matawa sa nangyayari tyaka kailangan din siguro yun ni dad para kumalma.

"Kumalma ka Hendrick walang mangyayari kung magagalit ka at hahayaan mo ang emosyon mo na matalo ang isipan mo. Matalino ka kaya dapat hindi maging ganito, di ba nung nawala din ang mate ko sinabi mong dapat mag-isip ako dahil lalo ko lang pinalalala ang sitwasyon kaya gaya ng ginawa mo noon gawin mo rin yun ngayon." Seryoso pero may inis na sabi ni tito Marco.

Napayuko mula sa pagkaupo si dad.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nito sabay punas sa may dugong labi nito.

"Patawad kong masyado akong naging emosyonal..." Nakayuko nitong sabi.

Lumakad naman ako papunta kay dad saka ko inilahad ang kamay para tulungan itong tumayo na agad naman nito tinanggap. Nang makatayo na si dad ay nagsalita naman ako.

"Magpahinga muna ang ibang nanghahanap saka ko na lang kayo ipapatawag kapag may nabuo na kaming plano." Mahinahong sabi ni ko agad namang yumuko ang mga ito saka nagsi-alisan.

"Mahinahon ka na siguro Hendrick." sabi ni tito Sam na hanggang ngayon ay natatawa pa rin na agad namang hinampas ng mate na si tita mellisa.

"Nakaganti rin ako." Nakangising sabi ni tito Marco.

"Tumahimik nga kayo para makapag simula na tayo." nakangibit na sabi ni dad na tinatawan naman ng dalawa pang alpha napapailing na lang ang mga mate.

Uupo na sana kami ng makarinig kami ng kalabugan na parang may naninira at kasabay nun ay ang pagpasok ng isang gwardya.

"Alpha may mga sumugod na mga rogue."

Ito na naman...







River POV.

"MAGPAHINGA na muna tayo rito." sabi ni ate sabay upo sa isang malaking puno dahil malilom, ako naman ay ibinaba si luna dahil hindi pa pwedeng mapagod ito hanggang ngayon kasi ay mahina pa rin ito.

Alam kong imposible na mahina pa rin hanggang ngayon ang isang werewolf pero may kakaiba kasi kay luna na nagpapatagal sa paggaling nito kaya para masigurado ay hindi dapat ito mapagod.

Nakita kong naglabas ng pagkain si ate sa bag na dala nito. Napagkasunduan kasi namin ni ate na ako ang magbubuhat kay luna at sya ang magdadala ng mga pagkain at ilang gamit gaya ng damit at sandata.

Nung sinabi nga namin kay luna na bubuhatin ko ito ay bigla itong umapila na baka daw mapagod ako kapag nabuhat ko sya pero napaliwanagan naman namin at ngayon nga nagpapahinga kami sa malayo layong paglalakbay namin. Sa tingin ko ay wala pa sa kalahati ang nalalakad namin.

"Tara na munang kumain at nakakapagod din namang maglakad ng maglakad ikaw din luna kumain ka na rin kailangan mo rin iyan." sabi ni ate sabay abot ng isang karne at kanin sa isang disposable na lalagyan. Kinuha naman kaagad yun ni luna.

"Salamat kasi kahit hindi na kailangan na buhatin ako ay binuhat nyo pa rin ako at binigyan pa ng pagkain." nakangiting sabi ni luna. Napapatulala na lang talaga ako kay luna kapag ngumingiti ito sobrang gandang ganda kasi ako eh.

"Naku wala iyon okay lang naman samin eh tyaka malaki din ang utang na loob ko dahil inalagaan nyo si River at kinukop." nakangiting sabi ni ate.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni ate saka nagsimulang kumain.

Ganadong ganado kaming kumakain ng magsalita si luna.

"Amm okay lang ba na makisalo ako sa inyo kasi parang magkukulang ang pagkain nyo eh." Sabi ni luna.

Napatigil naman ako sa pagkain este paglamon pala saka tumingin kay luna na nakatingin sa amin habang hawak ang pagkain nito.

"Ano ka ba luna madami akong dalang pagkain." sabi ni ate saka pinakita ang bag na dala nito at halos kalhate ng bag ang dami ng pagkain ni ate.

Ganun kasi silang dalawa talaga pag maglalakbay sila sa malayong lugar ay magdadala kami ng pagkain dahil ang bilis naming magutom. Nagtataka nga yung iba dahil bat hindi daw kami tumataba kagaya ng iba. Kung alam lang nila hehe.

"B-bat ang dami nyo namang pagkaing dala baka naman maubos ang inimbak nyong pagkain?" tanong ni luna.

Uminom naman ako ng tubig saka sinagot ang tanong nito dahil siguradong di na ito sasagot sa tanong ni luna lumalantak na naman kasi ay.

"Luna ganto talaga kami kapag may gagawing paglalakbay lalo na at aabutin kami ng ilang araw mas minabuting naming magdala ng maraming pagkain tyaka lagi rin naman kaming nangangaso at nagkakaroon ng pera dahil sa mga ginagawa naming trabaho para sa mga mortal kaya wag nyo pong isipin na makikihati ka pa luna sa pagkain na dala namin kaya mag simula ka dahil baka maubusan ka pa ni ate haha." sabi sabay tingin kay ate na tiningnan din ni luna.

Parang wala ng bukas kung kumain si ate eh.

Napatigil si ate sa paglamon ng mapansing tumigil kami sa pagkain at nakatingin rito.

"Ano?" takang tanong nito samin habang kami naman ay natawa kay ate...


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Cute hahaha

June 19, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now