Unknown XXX

183 6 4
                                    

Third Person POV.

Mabilis tumakbo si River papunta sa kinaroroonan ng kapatid at ng kalaban nitong male Lycan. Pero mabilis man ang pagkilos ni River ay naramdaman pa rin ito ng Lycan kaya imbes na ito ang masipa nito ay ang puno ang nasipa na agad din kinatumba ng puno dahil sa lakas ng pwersang ibinigay ni River sa kanyang sipa.

Pero kahit nakailag ito sa atake ni River ay hindi sya natinag at agad na tumabi sa kanyang kapatid na ngayon ay marami ng sugat at mukhang pagod na.

"Akala mo ba ay ganung kahinang atake ang makakatama sakin" sabi nito saka tumawa ng malakas na akala mo ay nawawala na sa sarili. "Hindi ako matatalo ng kahit sino man kahit mag tulong tulong pa kayong lahat dahil ako ang pinaka malakas at dapat na mamuno sa lahat ng nilalang" sabi nito saka ulit nagsalita habang naka toon ang atensyon sa dalwang Lycan na sina River at Raine. "At gagamitin ko kayong dalawa para magparami" saka ulit ito tumawa ng pagkalakas lakas.

"ewww... Naririning mo ba ang sarili mo sa tingin mo ba ay hahayaan namin na gawin mo yun samin lalo na at ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang namin" Puno ng poot na sabi ni Raine habang si River naman ay masama ang tingin sa pangahas na Lycan.

Tumigil ang Lycan sa pagtawa nito saka ulit bumaling sa dalawa.

"Oo nga pala nakalimutan ko na ang inyong mga magulang, lalo na ang inyong ina. Kung hinayaan lang ako ng inyong ama na angkinin ang inyong ina ay hindi sila mamamatay..."

"Hayop KAAA!!" susugod na sana si River kung hindi lang ito napigilan ng kapatid.

"Ako naman talaga ang para sa inyong ina pero ng dahil lang sa inyong ama ay nawala sakin si Celine inagaw ng hayop na Fernando na iyon ang inyong ina sa akin. Kung hindi sana ako nakinig sa hiling ng inyong ina na wag patayin ang lalaking iyon ay edi sana mag kasama kami ng inyong ina ngayon pero hindi mas pinili nya ang mahinang nilalang na iyon kaya ang nangyari pareho silang nawala." Natatawa nitong sabi.

"Nakakalungkot pero dahil buhay pa kayo, lalo ka na" sabi nito habang nakatuon ang atensyon nito sa akin. "Siguro'y hindi naman sobrang nakakalungkot lalo na at para kayong pinagbiyak na bunga ng inyong ina" sabi nito habang kita ang pagnanasa sa mga mata nito.

Tama ang sinabi nito at ganun din ang sinabi ng kanyang kapatid na magkamukhang magkamuha sila ng kanyang Ina na si Celine at masaya si River doon dahil sa tuwing titingin sya sa salamin ay pakiramdam nya ay nakakasama nya ang ina.

Pero hanggat nabubuhay ito ang lalaking dahilan kung bakit namatay ang mga magulang nila ay hindi sya totoong magiging masaya sa sinabi nito. Kaya isa lang ang dapat mangyari rito. 

At iyon ay ang mamatay ito....

"Baliw ka na talaga..." galit na sabi ni River dito habang ang Male Lycan naman ay tumawa lamang.

"Oo nga pala siguro ay hindi nyo pa ako kilala ako nga pala si Rico o mas kilala bilang kill.... Ang kapatid ng inyomg ina..." at pagkasabi nito ng katagang iyon ay agad na sumugod ito sa dalawa at dahil sa rebelasyon nito ay hindi kaagad napaghandaan ng dalawa ang ginawa nitong kilos kaya ang kinalabasan ay pareho silang tumilapon.

Kahit ang ibang nakarinig sa sinabi ni Rico ay nagulat din sa sinabi nito. Sino ba namang nasa tamang pag iisip na pagnasahan ang sariling kadugo. At isa rin iyong kasalanan sa moon goddess.

"Baliw ka nga talaga..." sabi Raine bumabagon mula sa pagkakatalsik nito. "Pano mo nagawa iyon sa aming ina lalo na ang iyong kapatid..." puno ng galit na sabi ni Raine dito.

"Mahal ko ang inyong ina at ang moon goddess na ang gumawa ng paraan para magkasama kami kaya kami ang nararapat sa isa't isa pero hindi naniwala ang inyong ina at sumama pa rin sya sa lalaking iyon. Kami ang dapat magkasama ngayon, kami ang dapat magkaroon ng pamilya..." sabi nito habang naka yuko.

UnknownWhere stories live. Discover now