(Camila Queiroz as Raine)
River POV
PAKKK
Napabangon ako sa aking higaan ng may humapas sa aking puwetan. Nakahiga kasi ako ng padapa kaya madali talaga akong mahampas sa likod. Papikit pikit na nagpalingon lingon na parang may hinahanap hanggang sa napatingin ako sa sala.
Nakita kong nagpipigil ng tawa si ate dahil sa ginawa nya.
Bat ba trip na trip nya hampasin pwet ko.
"Wag mo ng pigilan baka sa iba lumabas pag nagpigil ka pa."
At parang on cue na tumawa si ate. Halos gumulong na sya sa sahig ng kwarto sa kakatawa nya.
"Sana nakita mo mukha mo, sobrang nakakatawa ang epic haha."
"Ang saya mo ate ano" bored kong sinabi sa kanya. "Bat ka nga pala pumasok sa kwarto ko at hinampas na naman ang pwetan ko?" tanong ko dito kasi parang wala na tong balak tumigil sa kakatawa.
Pinunasan pa ni ate ang mata nito dahil parang naiyak na to kakatawa saka huminga ng malalim saka nagsalita.
"Tarang maligo sa may falls malapit dito ilang buwan na rin kasi tayong hindi nakakapunta doon eh" sabi nito at parang hindi pa nakaka move on sa nangyari.
Nang marinig ko ang sinabi ni ate ay humiga ulit ako saka nagtalukbong dahil ayaw kong sumama. Hello ang aga aga pa eh tyaka nakakaantok lalo na at malamig.
"Kapatid tara na sumama ka na sakin. Ang boring kaya kung mag-isa lang akong maliligo dun" pamimilit nito habang niyuyogyog ako.
"Ayoko nga tyaka inaantok pa ko. Ikaw na lang ang pumunta sa falls tinatamad talaga ako" Sabi ko dito.
Pinakiramdaman ko kung nasa loob pa ba ito ng kwarto ko at ng wala na kong marinig ay pumikit na ko at saka matatalog na ulit ng bigla akong hinawakan sa paa ni ate saka hinila kaya ang nangyari ay nalaglag ako sa sahig.
"Ate naman ihhh tinatamad talaga ako tyaka gusto ko pang matulog" pangungumbinsi ko dito habang may papikit pikit effect para mukhang inaantok talaga ako.
"Ihhh hindi kita titigilan bunso sige ka gugulihin lang kita ng guguluhin hanggat hindi ka sumasama sakin." Pangungumbinsi nito sakin.
"Hayyy sige na sige sasama na lumabas ka na at aayusin ko pa sarili ko pati tong nagulong higaan ko" medyo may inis kong sabi rito.
"Yehey!! Sige lalabas na ko para makapaghanda ka na. Ready na rin ang mga pagkain natin kaya wala ka ng aalahanin" Sabi nito at excited na lumabas.
Napailing iling lang ako dahil sa inasal ni ate. Kumuha ako ng twalya saka dumeretso sa banyo sa loob ng kwarto ko. More than a year ng inayos namin ni ate itong kwarto ko. Inayos yung mga gamit na nakatambak may nakita pa nga akong mga picture frames na picture ng magulang namin ang nakalagay tapos itong cr din. Nahirapan pa kami noong una pero naayos pa rin naman namin. Masaya ako dahil akala ko wala na talaga akong totoong pamilya, masaya naman ako sa mga kumupkop sa akin na sina tatay Carter, si nanay Lina at si kuya Miguel nami miss ko na din sila pero iba rin pala ang pakiramdam kapag sa kadugo mo na parang mag bestfriends na kami kung kumilos at magturingan na parang hindi mas matanda ng 5 years si ate Raine sakin.
Napa isip ako bigla parang bagay sina ate Raine tyaka si kuya Miguel. Napahagikhik ako sa aking mga iniisip nababaliw na siguro ako puro kalokohan ang naiisip ko eh.
Dumeretso na ko sa banyo saka sinimulan ang aking morning ritual.
"SOBRANG excited na ko para maligo sa falls."
Ngayon ay naglalakad kami papunta sa falls na sinabi kanina ni ate. Kanina habang naliligo ako ay bigla na lang akong kinatok at sinabing bilisan ko daw para mas maaga kaming makarating sa pupuntahan namin. Naiisip ko na lang na baka mas matanda ako dapat dito kasi isip bata ito na sobrang layo sa una kong pagkakakilala sa kanya.

YOU ARE READING
Unknown
WerewolfDecisions are the hardest thing to make, especially when it is a choice between where you should be and where you want to be... -Anonymous