HAPON na ng makarating kami sa destinasyon namin hindi ko masyadong naramdaman ang pagod dahil sa kaba at pagkasabik sa maaari kong malaman.
Napaurong kami mula sa paglalakad papuntang bahay na nakita namin ng makarinig kami ng malakas na angol.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Isang white Leopard ilan pa lang ang nakita kong ganito dahil karaniwan ay lumalaban din ito sa ibang nilalang para sa pagkain at karaniwan ay napapatay ang mga ito. Kaya nakakapagtaka na may isang leopard sa lugar na ganito kung saan madali itong makikita at aakalaing magiging banta sa kanila.
"Lea wag mo silang pigilan mga panauhing pandangal ko sila!!" nakarinig ako ng sigaw mula sa bahay at may nakita akong babae na naka side view sa amin.
"Sigurado ka ba na sila ang hinihintay mo?" nabigla ako ng biglang nagsalita ang leopard. Ngayon lang ako nakakita ng leopard na nakakapagsalita.
"Oo tyaka sasabihin ko naman kung hindi sila pagkatapos ikaw na ang bahala hihihi" witch nga. Witch kung tumawa eh "Pumarito na kayo mahirap gabihin alam mo Raine diba hihihi"
Tumingin ako kay ate at tumango lang sya sakin saka kami naglakad. Napapatingin ako sa leopard baka mamaya eh bigla na lang kaming sugudin at gawin hapunan ayaw ko pa naman maging pagkain.
Tumigil kami ng nasa tapat ng bahay nito at nakita namin ang witch na sa tingin ko ang sumigaw at kumausap sa leopard kanina.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Para syang may hawak na salamin pero parang gumagalaw ang loob noon na parang tubig.
Tumingin sya samin lalo na sa akin at ngumiti ng pagkatamis tamis.
"Buti naman nakarating na kayo naiinip na rin kasi ako eh, matagal tagal na rin ng may bumisita sa akin rito hihihi" parang laging masiyahin ang isang to. Pero hindi sya katulad ng mga nakikita kong witch kapag may nagpupunta sa Nightstorm. Karaniwan kasi ay matatanda na ang alam kong mga witch pero ito ay iba. Nagtataglay 'to ng inosenteng mukha pero nakakatakot dahil sa inilalagay nito sa mukha nito na nakakatakot kung titingnan mo. Halatang mahilig ito sa itim dahil sa nakikita ko ngayon. Mukha syang kaedad ni ate Raine Kahit na may mga nakalagay na kolorete sa mukha nito.