Unknown III

133 5 0
                                    

"YOU'RE my Mate... " kinakabahang sabi ni River kay Casper na napatulala na lang sa rito.

Bigla nalang itong tumawa kaya napakunot ang noo ng dalaga dahil wala naman syang ginawa o sinabi na nakakatawa kaya bakit ito matatawa.

"Anong nakakatawa?" takang tanong nya dito.

"You, di ko alam na joker ka pala haha" patuloy pa rin itong tumatawa na parang wala ng bukas.

Naguguluhan pa rin si River dahil tawa ng tawa ang binata sa hindi nya alam na dahilan.

"Alam mo hindi ko alam kung anong pinaggagawa mo nung mga panahon na wala ako at ganyan ang sinasabi mo na ako ang mate mo pinapatawa mo talaga ako River haha" patuloy pa rin ito sa pag tawa kahit na pulang pula na ang mukha nito.

"Totoo naman ang sinasabi ko eh mate tayong dalawa dahil naamoy kong ikaw talaga ang mate ko" naiinis ng sabi ni River

Unti unting tumigil ito sa pagtawa at naging sumeryoso ang binata saka sya tinuluyang hinarap. Kinabahan sya dahil ngayon ay kitang kita nya ang gwapo at seryoso nitong mukha.

"River alam mo ba yang sinasabi mo, pano kita magiging Mate kung hindi ko maamoy ang sign na ikaw ang mate ko sayo na rin na nanggaling na sa amoy mo nalaman pero wala akong naaamoy sayo kundi ang dati mong pa ring amoy kaya imposible na maging mate kita" mahabang litanya ng binata sa dalaga.

Biglang tumulo ang luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga. Ganto ba kaayaw sa kanya ng binata para sabihing hindi sila mate. Ganto ba kasakit ang mga nababasa kong mga libro tungkol sa mga wolf na pakiramdam kapag nireject sila ng mate nila, sobrang sakit pala kung ganun.

"Bat ayaw mo kong paniwalaan hindi ako nag sisinungaling" sabi nya rito habang patuloy na tumutulo ang luha nya.

"At di rin ako nag sisinungaling, imposible talaga ang sinasabi mo River baka kung ano ano ang mga binabasa mo kaya ka nagkakaganyan" sabi ng binate.

"Bat ba ayaw mo kong paniwalaan totoo ang sinasabi ko sayo" pagpupumilit pa rin ng dalaga.

Humingang malalim si Casper dahil ayaw tumigil ni River sa pag pupumilit na Mate sila kahit alam nya sa sarili nya na unang una wala syang naaamoy na kahit ano dito at best friend nya ito ng halos buong buhay nya na parang magkapatid na sila kaya hindi nya maintindihan kung bakit ipinipilit ng dalaga ang mga sinasabi nito.

"Siguro umuwi ka na lang muna sa inyo River para makapag pahinga ka baka dala lang ng pagod sa paghahanda sa celebration ngayon kaya ka nag kakaganyan. Saka na lang tayo mag usap ulit kapag okay ka na... " saka tumayo ang binata, pinagpag ang pantalong suot saka nag lakad papunta sa pack house.

Habang ang dalaga naman ay nakayukong umiiyak na pakiramdam nya ay nireject sya hindi man direct rejection ang nangyari ay sobrang sakit pa rin sa kanya ang nangyari. Bat di sya mapaniwalaan nito o baka naman itinatanggi lamang nito ang sinasabi nya dahil ayaw nya sa katulad nya na pangit. 

Oo nga naman sino ba ang mag kakagusto sa katulad nyang panget, lalo na at isa syang mahina.

Katulad na lang nung 14 years old sya sa edad nyang yung ay malabo na ang mata nya saka meron na ring tumutubong pimple sa mukha nya. Nung mga panahong yung sobra ang pangliliit nya sa sarili dahil sobrang layo ng pisikal na kaanyuan ng ibang kaedaran nya lalo na't mahilig sya sa maluluwag na damit dahil madali syang pag pawisan dahil na rin sa tumataba sya nun. Inakala nya noon na wala ng magkakagusto sa kanya kaya gayun na lang ang gulat nya ng lumapit sa kanya ang isa sa mga heartthrob na senior nya. Sinabi nito na matagal na sya nitong gusto, nung una pa nga ay sinasabi ng dalaga na baka binibiro lang sya ng binata pero sabi naman nito ay totoo ang sinasabi nito at sabi pa ay liligawan sya ng binata. Unti unting naniniwala sya sa lalaki dahil napaka sweet nito at maalalahanin. Naisip na nyang sagutin ang lalaki noon kaya hinanap nya agad ito hanggang sa ituro sya sa isang bakanteng silid. Masayang papasok na sana ang dalaga ng may marinig syang noong usapan. Kahit na mali ang makinig sa usapan ng iba ay may parang nagsasabi sa utak nya na dapat ay makinig sya at doon nalaman na ang totoo.

Na ang lahat ng ginawa sa kanya ay isa lang laro, pustahan kung baga sobrang sakit ng naramdaman ni River kaya ng mga nakaraang araw ay iniwasan na nya ang lalaki noong una ay lagi pa rin sya nitong kinukulit pero pag tagal din ay tumigil na ito at hindi na muling pinansin si River. Simula ng maranasan nya iyong masakit na karanasan na iyon ay naniwala na lang sya na ang mate nya lang ang dapat na mahalin at pagkatiwalan ng puso nya.

Pero bat ngayon, bat pati ang mate nya sinaktan sya. Di ba pag mate hindi ka sasaktan at papaniwalaan pero bakit?!. Siguro dahil ang panget nya, dahil siguro sa hindi sila bagay, dahil siguro hindi nya inaasahan na ganun ang magiging itsura ng mate nya lalo na at napaka laki ng pinagbago nito na masasasabing nababagay lang sa isang babae na walang kapintasan hindi katulad nya na mahina na nga panget pa.

Umupo lang si River sa pwesto nya habang patuloy na umiiyak. Sobrang sakit ang nararamdaman nya na parang sinasaksak sya ng paulit ulit.

Hinayaan nyang tumulo ang luha nya hanggang sa mapagod sya at dahil sa pagod kaya nakatulog sya.

Nagising si River ng makitang gabi na kaya agad na pinunasan ang mukha saka nag lakad pauwi. Kahit na hanggang ngayon ay ramdam nya pa rin ang sakit ay itinago nya at hindi ipinakita sa magulang at kuya nya. Ayaw nyang mag alala ang mga ito at kaawaan dahil sa nangyari dahil halos buong buhay nya ay kinakaawaan sya ng mga ito.

"River san ka ba nagpunta hindi ka sumabay sa hapunan ng pack?" tanong sa kanya ng ama

"Ah dad kasi nakatulog ako dun sa may tree house napasarap po yung tulog ko dun kaya di ko rin po napansin na gabi na pala kaya hindi ako nakasabay" paliwanag nya sa mga ito

"Ah ganun ba napagod ka siguro, ikaw kasi sinabi ko ng wag ka ng tumulong pero tumulong ka pa rin" sabi ng ina tapos ay may kinuhang garapon na nasa lamesa saka inabot kay River. Siguradong kararating lamang ng mga ito galing sa kasiyahan. "Oh ito buti na lang at nakapag sabi ako kay Luna na pag dadalhan kita ng pagkain" nakangiting sabi ng ina nya. Agad namang inabot ni River ang pagkain saka naka ngiting tumingin sa ina.

"Thank you ma, sorry po talaga at hindi ako nakasabay"

"Naku okay lang yun may pagkakataon talaga na ganun ang nangyayari" sabi ng ama sabay gulo ng buhok nya

"Asan nga po pala si kuya?" tanong nya ng mapansing wala ang kuya nya

"Naku andun pa sa kasiyahan alam mo naman ang kuya mo mahilig sa mga ganung pag diriwang" nakangiting sabi ng ina. "Oh sya sige kumain ka na at kami'y papasok na sa kwarto at magpapahinga napagod kami sa pagdiriwang" sabi ng ina

"Sige po magpahinga na po kayo" sabi nya rito sa mga ito. Sya naman ay dumeretyo ng kusina para makain na nya ang dalang pagkain.

Nakakalungkot man ang nangyari ay pinatatag nya pa rin ang sarili nya dahil hindi tama na isipin nya iyon ng isipin...



















-----------------------------------------------------------

medyo nainis ako ha hahahaha

May 10, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now