Unknown XXII

100 4 0
                                        

River POV.

"LUNA bat po kayo lumabas sa kwarto ni ate?" tanong ko sabay baba ng baboy ramo na hinuli ko at saka ito nilapitan.

Dahil pagkarating ko pa lang galing sa pangagaso ay nakita ko si luna na nasa kusina at parang nagpupunas ng kamay.

"Ah kasi River natapon yung tubig na nasa kwarto ng ate mo sakin kaya lumabas ako para magpunas." paliwanag nito.

"Dapat tumawag kayo kay ate na kailangan nyo ng pamunas." sabi ko dito dahil nag-aalala pa rin ako sa kalagayan nya baka mahina pa ito para gumalaw.

"Hindi na kailangan River tyaka malakas na naman ako para gawin ang mga simpleng bagay." mahinahong sabi nito.

"Pero dapat humingi pa rin po kayo ng tulong." sabi ko.

Sasagot pa sana si luna ng biglang nagsalita si ate.

"Wag ka ng mag-alala River halos fully recover na ang luna kaya okay lang yan."

kahit na sinabi iyon ni ate ay nag-aalala pa rin ako. Hindi naman iyon mawawala dahil masyadong malapit sakin si luna lalo na at dahil sya ang mama ni Casper.

"Oh dapat dinala mo na 'to sa kusina para maiimbak na kaagad." sabi ni ate sabay kuha sa baboy ramo na napatay ko.

"Ikaw ang humili noon, River?" tanong sakin ng luna.

"Ah opo luna halili kasi kami ni ate sa mga gawain dito katulad po ng pangangaso." nakangiti kong sabi na ikinangiti din ng luna.

"Ang laki talaga ng pinagbago mo simula ng umalis ka sa pack." sabi nito saka biglang natahimik nag-alala naman ako sa kinilos nya.

"Okay lang po ba kayo luna? May masakit po ba sa inyo?" nag-aalala kong tanong rito.

"Ah oo naman okay lang ako, naisip ko lang ang nangyari sayo nung araw na umalis ka sa pack at saka ko lang napagtanto kung bakit sinabi mong mate mo si Casper..." tumibok ng mabilis ang aking puso ng marinig ko ang pangalan ni Casper pero isinawalang bahala ko iyon.

"Ano pong ibig nyong sabihin luna?" tanong ko.

"May mga alam kasi ako sa lahi ninyong mga lycans at isa doon ang mga mate nyo. Isa kasi sa alam ko na ang mga lycans ay nalalaman ang mate nila pag nag 18 na sila habang ang mga mate nila na hindi katulad ng mga lycan ay hindi malalaman na mag mate sila..." mahabang litanya ni luna.

Kumabog ang aking dibdib dahil sa sinabi ng luna. Tama nga ang sinabi ni ate sa akin na hindi kami talaga katulad ng iba kaya nakakalungkot na hindi namin kaagad nakakasama ang aming mga mate.

"Masaya ako na ikaw ang mate ni Casper at masaya ako dahil karapat dapat na maging luna ng pack." Masayang sabi ni luna.

"Luna mahirap na ang iyong sinasabi lalo na at maraming nangyari noong ako ay umalis sa pack. Maraming hindi magandang mga pangyayari." malungkot kong sabi.

"Alam ko ang mga nangyari at pinagsisisihan na iyon ng lahat ng mga taga nightstorm na nagpaalis sa iyo sa pack pero naging maaayos din naman ang lahat nalaman na rin na tinutulungan mo lang ang bata noon kaya nangyari iyon..."

Kahit na sinabi iyon ni luna ay masyado pa rin akong apektado sa nangyari noon. Kaya nga mas minabuti kong mamuhay na lang kasama ang ate ko, malayo sa nightstrom at hindi na tinangka pang bumalik.

"Dapat siguro ay bumalik ka na sa Nightstorm lalo na at nami miss ka na ng lahat lalo na sina Miguel at ang mga magulang mo sa nightstorm at siguradong matutuwa si Casper kapag bumalik ka at pag nangyari iyon ay mapapatunayan mo na tama ang sinabi mong ikaw ang mate ni Casper." Sabi nito.

"Luna hindi ko alam pero hindi ko naiisip ang bumalik ulit. Meron parte ng aking sarili ang nagsasabing bumalik pero mas malaki pa rin ang ayaw. Ayokong ipagtabuyan at umasa ulit luna... Ayoko na pong masaktan, ayoko na po ulit maramdaman at maranasan yung nangyari noon." Ayoko ng masaktan dahil kay Casper.

At hindi ko napansin ang pagtulo ng aking mga luha na agad ko ring pinunasan.

Dalawang taon na pero apektado pa rin ako...

Nasasaktan pa rin...

"Maraming nagbago River simula ng umalis ka at maganda iyon pero kailangan pa rin ikaw doon sa pack lalo ikaw ang dapat na maging susunod na luna. Alam mo River hindi habang buhay ay kakayanin ko ang pagiging luna at tumatanda na rin ako. Kailangan ka ng pack lalong lalo na si Casper..." 

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

Dapat ba na bumalik ako at sumugal o hindi...




NAKAUPO ako sa labas ng malapit lang sa bahay ng maramdaman ko na umupo sa tabi ko si ate.

"Bakit ka narito sa labas?" tanong sakin ni ate.

"Gusto ko lang magpahangin ate..." sagot ko dito kahit na ang totoo ay hindi ko na alam kung ano ang dapat kung gawin.

"Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin ang pinag-usapan nyo ng luna Lily mo?"

Di na ko sumagot dahil yun naman talaga ang nasa isip ko.

"Alam mo River may mga bagay kasi na kailangan mong subukan kahit na walang kasiguraduhan kung magiging maganda ba ang resulta o hindi. Hindi naman masama na matakot at mangamba sa magiging kahihinatnan ng mga nangyayari pero yun ba ang gusto mo na walang gawin..."

Hindi pa rin ako sumagot pero nakikinig ako sa sinasabi ni ate.

"Alam ko na nahihirapan ka pero hindi habang buhay ay nandito ka lang at hahayaang ang mga dumadating na pagkakataon at isa ito sa mga kailangan mong pagdesisyunan. River maswerte ka dahil maaaring may balikan ka pa, may mga kumupkop sa iyo nung nahiwalay ka kay mama may mga kasama ka na hindi man lahat pero merong magtatanggol sa iyo. River hindi habang buhay eh nasa tabi mo ko para gabayan at samahan ka. Wag ka ring gumaya sa nangyari sakin dahil ako na ang ang magsasabi sa iyo na hindi masayang mamuhay ng mag-isa at malayo sa iba. Hindi man natin gusto pero mamamatay at mamamatay pa rin ako at maaaring maiwan kang mag-isa kaya hanggat may pagkakataon kang ganito ay i-grab mo lang baka maging maganda pa ang mangyayari..." sabi nito.

Napatingin ako sa kanya saka yumakap sabay bagsak ng mga luhang pinipigilan ko kanina pa. Masyado na gulong gulo ang utak ko, halo halo na. Takot, kaba, lungkot, pagsisisi na hindi ko na maintindihan kung anong mas matimbang.

"Basta tandaan mo River kung ano mang maging desisyon mo ay nandito lang ako para suportahan ka sa kung anuman ang maging desisyon mo." Nakayakap pa rin nitong sabi sa akin.

Humigpit ang yakap ko kay ate saka ulit nagsalita.

"Salamat ate hindi ko siguro alam kung anong dapat kung gawin kung wala ka sa tabi ko."

"Ha ako pa ba, magaling ako eh hahaha."

Natawa na din ako at dahil sa mga sinabi ni ate ay napagaan ang loob ko. Naramdaman kong bumibitaw na si ate sa pagkakayakap kaya bumitaw na din ako.

Pagkabitaw ay pinunasan ko kaagad ang luha ko. Nakita tumayo si ate at pinagpagpag ang pants nito sabay lahad ng kamay sa akin na agad ko ring kinuha.

Pagkatayo ko ay pinagpag ko rin ang aking pants.

"Matulog ka na dahil maaga tayong maghahanda para sa pag alis bukas. Sinabi kasi sa akin ni luna lily na gusto na nyang umuwi dahil siguradong nag-aalala na sa kanya ang mate at ang Anak nya." sabi nito habang kinuha ang nahulog na panyo sa lupa.

"Eh okay na ba sya para sa paglalakbay bukas?" nag-aalala kong tanong kay ate.

"Oo okay na sya tyaka mag-iisang buwan na rin naman sya rito kaya siguradong ayos na rin sya bubuhatin ko na lang sya dahil hindi nito kayang magshift." sabi nito kaya napatango na lang ako.

Nakita kong humikab si ate saka nagsimulang pumasok sa loob.

"Matulog ka na inaantok na rin ako eh." nahihikab pa rin nitong sabi habang ako naman ay nakangiting sumunod kay ate....




-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------



June 8, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now