Lander POV.
Nakita ko ang mabilis na pag alis ni Jacob at siguradong dahil iyon sa leopard na kasama ng witch kanina.
Speaking of witch, napangiti na lang ako sa tuwing na aalala ko sya. Di man kapani paniwala pero sya ang mate ko.
Hindi naman ako mapili sa anong lahi ang magiging mate ko pero di ko lang inakala na isang witch, isang magandang witch.
"Masyadong madami atang pumapasok na kakaibang imahenasyon sa utak mo, wolf"
Napalingon ako bigla sa leopard na kasama ng witch dahil bigla itong nagsalita. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na may leopard na maaaring magsalita, wala pa kasing mga sulat patungkol sa mga leopard na may mga kakayahan, karaniwang kwento lamang ang merong nakalatha sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin, at pano mo na sabi na meron akong iniisip na kakaiba?" tanong ko dito. Siguradong pag may makakakita sa akin na hindi alam na kayang magsalita ng leopard na kasama ko ay aakalain nilang isa akong baliw na kumakausap ng hayop.
"Wala akong panahon na ipaliwanag sayo kung pano ko iyon nalaman pero ito lang ang gusto kong ipaalam sayo..." umaayos ito mula sa pagkakahiga para mapaharap sa akin ang kanyang mukha "Wag kang mag isip ng kung ano ano kakaiba sa aking amo dahil masyado kang natutuwa sa kanyang pisikal na anyo at uri ng lahi" Dugtong nito.
Naguluhan ako sa kanyang sinabi dahil siguradong di ko naman isinalita ang aking iniisip kaya paano, paano nya nalaman?
"Di ko alam kung anong tawag sa nangyayari sa inyo dalawa ng aking amo pero dahil dun ay nalalaman ko ang iniisip mo, kaya wag kang mag isip ng kung ano ano na hindi maganda sa witch kundi magsisisi ka"Sagot nto.
"Ibig mong sabihin ay nababasa mo ang iniisip ko pero bakit di ko mabasa ang saiyo?" takang tanong ko rito.
"Hindi mo kayang mabasa ang isip ko, ang amo ko lamang ang maaaring makabasa nito kaya kung anong mabasa ko sayo ay syang mababasa nya rin" Nakangising sagot nito.
"Ang ibig sabihin ay mababasa ko rin ang iniisip ng amo mo dahil mag mate kami" parang batang tanong ko rito.
"Sa tingin mo ba pareho kayo ng antas" mapang asar nitong sagot habang mahinang tumatawa.
"Tsk" ang naging tugon ko lamang dahil sa tingin ko ay hindi ako nito sasagutin ng maayos.
Lumipas ang isang minuto, limang minuto, kalhating oras hanggang sa umabot na ng isang oras ang paghihintay ko rito sa labas habang binabantayan ang natutulog na hayop este ng leopard na alaga ng aking mate.
"Kailan ba sila matatapos roon?" Tanong ko sa hangin dahil siguradong di ako sasagutin ng leopard.
"Tapos na panggamot ng aking amo sa mga kaibigan nya?" Napatingin ako rito bigla dahil bigla itong nagsalita.
Magtatanong pa sana ako sa kanya ng biglang may tumawag rito na nagpatibok ng aking puso na noon ko lang naramadaman kasabay ang napaka bangong amoy.
"Lea!!"
"Aradia!!"
Nakita ko ang mabilis na pagtakbo nito papunta sa witch na nag ngangalang Aradia.
Aradia...
"Nainip ka ba habang nag aantay sa akin rito ahihihihi?" Tanong nito sa leopard kasabay ng paghaplos ng ulo nito. Nainis ako sa nakita.
"Hindi naman ako nainip dahil halos natulog lamang ako habang inaantay kong ika'y matapos sa iyong pang gagamot" Sagot naman nito.
"Mabuti kung ganoon hindi pa tayo makakauwi dahil kailangan kong bantayan ang kalagayan ng magkapatid hayyyyyy isang magandang panuodin na naman ito ahihihihi"
![](https://img.wattpad.com/cover/221847098-288-k516518.jpg)
YOU ARE READING
Unknown
WerewolfDecisions are the hardest thing to make, especially when it is a choice between where you should be and where you want to be... -Anonymous