#UL3GoodNews💯
———NASA office si Excel matapos ang away nilang dalawa ng binatang si Salvador. Saka inisip ang mga nangyari sa kanila sa resto ng babaeng si Edna.
Bwesit na babaeng yung kahit kailan talaga ang haliparot at ang tabas ng dila. Grrr... Bwesit siya talaga sa buhay ko! Heto naman ang kumag na lalaking yun okay lang sa kanya na halikan siya ng bruhang yun? Bwesit sila pareho! Anito ni Excel saka pinakalma ang sarili. Kalma lang, Excel. Okay? Wait lang bakit ganun nalang ang galit ko sa lalaking yun? Wala naman kaming relasyon di ba? Bakit nga ba? Nagseselos ba ako o hindi? Pero bakit naman ako magseselos? Hindi naman kami. Oy puso bakit ka nagkakaganito, ha? Bakit sa twing nakikita mo ang mokong na yun iba ang dating sayo at ang bilis ng tibok mo ha? Haist! Huhuhu. Dagdag pang sabi ni Excel sa sarili. Wala lang siya sayo, Excel. Isa lang siyang sagabal sa planu mong magpakasal sa kaibigan ng Papa mo para makaahon ang resto okay. Kaya chill! Naman kasi eh! Bakit naman kasi parati Salvador ikaw ang laman ng isip ko! Huhuhu...
Sumandal si Excel sa swevil chair saka tinuon ang sarili sa mga gawain sa office para hindi maalala ang lalaking si Salvador. Habang nagsusulat siya saka naman tumawag sa kanya ang Ama niya.
"Hello, Pa? Napatawag po kayo?" Anito ni Excel sa ama nito.
"Oo anak napatawag ako sayo dahil gusto kong sabihin sayo na nandito na sa Manila ang Parents ng lalaking kakasalan mo? Saka pupunta daw sila sa bahay para mamanhikan. Anu anak, Sigurado ka bang magpapakasal ka sa anak ng kaibigan ko?" Anito ng Ama ni Excel sa kabilang linya.
"Sige po, Pa. Salamat sa Information. Uuwi nalang ako ng maaga para makausap sila." Anito ni Excel sa ama. "Eh kung okay naman ang ugali ng anak ng kaibigan niyo, okay lang po yun. Wag na po kayong mag alala para naman po ito sa Resto natin eh." Dagdag pang sabi ni Excel sa ama.
"Ikaw bahala, anak. Okay lang naman kasi sa akin na hindi ka na magpakasal sa anak ng kaibigan ko kung labag sa puso mo anak." Anito ng Ama ni Excel sa kanya.
"Hindi, Pa. Okay lang ako promise. Kakausapin pa naman natin ang parents nila di ba?" Anito ni Excel sa ama.
Pero paanu to? Hindi pa natapos ang cenomar na to? Paanu kung malaman ng mga parents ng anak ng kaibigan ni Dad, na kasal na ako? Anito ni Excel sa isipan saka bumuntong hininga. Haist! Ang rami namang problema.
"Sige anak. Yun lang ang tinawag ko. Mag ingat ka nalang pa uwi ahh. Hintayin kita rito sa bahay." Anito ng Ama ni Excel sa kanya. "Umuwi ka nang maaga." Dagdag pang sabi ng ama niya.
"Okay po, Pa." Sagot ni Excel sa ama niya saka pinatay ang tawag.
HINDI maipinta ang mukha ni Salvador na umupo sa swevil chair niya sa kanyang office.
Haist! Bakit ba ganun ang ugali ng babaeng yun? Bwesit! Bwesit, bakit ba nagkakaganito ako sa kanya? Bakit para gusto ko siya parating nakikita na masaya at hindi malungkot. Bakit ha? Nakakainis naman oh. Anito ni Salvador sa sarili saka bumuntong hininga. Isa pa tung si Edna. Haist. Tama ba ang hinala ko na nagseselos si Excel kay Edna o Feeling lang ako na may pagtingin siya sakin? Ahhh Ewan bahala na si Batman. Dagdag pang pag iisip ni Salvador saka naman bumukas ang pintuan ng kanyang office at iniluwa ang kanyang secretary na si Ali.
"Good Afternoon, Sir." Bati ni Ali na siyang secretary niya sa kanya. "Nandito na po pala kayo sa Manila." Dagdag pang sabi ni Ali saka umupo sa visitors chair na may hawak na papel.
"Dumating ako kaninang umaga lang." Sagot ni Salvador saka tiningnan ang hawak na papel ng kanyang secretary. "Anung hawak mong papel, Ali? Tungkol saan yan? Pwede bang bukas na yan? Wala kasi akong ganang magtrabaho dahil sa nangyari ngayun eh." Dagdag pang sabi ni Salvador saka tumingin sa labas ng bintana at lumanghap ng hangin.
"No, Sir. It is not about reports of the company. Ito po yung pinapaimbistigahan niyo sa aking babae na si Excel ba yun, Sir?" Anito ni Ali kay Salvador saka inilapag sa mesa ang reports. "Andiyan po ang mga details tungkol kay Miss Excel Balicas." Dagdag pang sabi ni Ali saka ngumiti ng malapad.
"Anung ngiti naman yan, Ali?" Kunot noong sabi ni Salvador kay Ali.
"Wala po, Sir. She is 26 years old. Ang ama niya nalang ang kasama niya sa buhay dahil namatay ang ina niya sa pagbuntis sa kanya." Anito ni Ali kay Salvador. "Saka Sila ang may Ari ng Balicas Restaurant sa buong bansa. Ngunit nanghihina na po ito at hindi na gaanung malakas ang kita." Dagdag pang sabi ni Ali kay Salvador.
Wait lang? Parang narinig ko na ang restaurant na yan ahh? Saan nga yun? Hmm.. Pag iisip ni Salvador sa sinabi ni Ali. Balicas Restaurant? Balicas? Tama! Kay Dad nga. Dagdag pang sabi ni Salvador sa isipan. So ang restaurant na sinasabi ni Dad na gustong tulungan niya ay ang kina Excel? Dahil lulubog na ito? Kaibigan ni Dad ang Ama ni Excel kaya gustong ipakasal ni Dad ang anak ng kaibigan niya para masalba ang restaurant nila? Na si Excel Balicas pala? Wow! Tadhana nga naman oh! Dan, hindi ka ngayun makakawala sa akin? Kasal na nga tayo ipapakasal ka pa sa akin? Hahaha. What a destiny, My loves.
"Salamat sa information, Ali. Good Job." Nakangiting sabi ni Salvador kay Ali. "Salamat sa reports mo."
"Basta kayo, Sir. Gagawin ko po ang lahat." Nakangiting sabi ni Ali. "Bakit niyo po pala pinaimbistigahan si Miss Excel, Sir?" Tanung ni Ali kay Salvador na may ngumiti sa labi.
"Malapit siya kasi sa puso ko, Ali. Kaya gusto kong malaman ang tungkol sa kanya." Sagot ni Salvador kay Ali saka naman tumunog ang cellphone niya. "Salamat sa info, Ali. Pwede ka nang makaalis, ipapatawag ka nalang nakin kong may kailangan ako. Sasagutin ko lang itong tawag." Dagdag pang sabi ni Salvador kay Ali.
"Sige po, Sir. Thank you sa compliment. Alis na po ako." Anito ni Ali saka umalis na sa office ni Salvador saka naman sinagot ni Salvador ang tawag.
"Hello, Dad?" Sagot ni Salvador sa tawag.
"Mamanhikan tayo sa bahay ng kaibigan ko mamayang gabi." Anito ng Ama niya sa kanya. "Wag kang magtankang sawayin ako Salvador, mawawalan ka ng pwesto sa companya at hindi mo makukuha ang kompanya hanggat wala akong perma." Dagdag pang sabi ng Ama ni Salvador sa kanya.
"Anu pa nga ba ang magagawa ko kundi sundin nalang kayo." Anito ni Salvador sa ama.
Wala na akong magagawa, Excel. Talagang maging legal na tayo kahit ayaw mo pa. Gagawin ko lahat para mapa oo ka at hindi mo naman ako matatanggihan dahil ako ang kailangan mo para mapalakas ang resto niyo. Nakangiting pag iisip ni Salvador sa mga mangyayari.
"Siguraduhin mo lang na pupunta ka. Wag mo akong ipahiya, Salvador. Kundi makikita mo ang hinahanap mong destiny." Anito ng Ama niya sa kanya.
"Oo nga po di ba? Wala naman akong magagawa pa, Hindi maipapasa sakin ang Kompanya kung wala po ang perma niyo." Anito ni Salvador sa sa loob loob ay nakangiti.
My loves, Kasal na nga tayo pero gusto kung makasal sayo ulit yuong nakikita kitang nakagown. Sigurado ako don na sasaya ako. Anito ni Salvador sa isipan tungkol kay Excel.
"Magkita nalang tayo room sa bahay ng kaibigan ko. Eh send ko nalang sayo ang address ng bahay nila. Hintayin ka naman ng Mama mo doon." Anito ng Ama niya.
"Sige po, Kita nalang tayo roon. Bye Dad." Anito ni Salvador sa ama na may ngiti sa labi.
"Goodbye, son." Anito ng ama niya saka pinatay nito ang tawag.
God! Excel. Tinadhana talaga tayo sa isa't isa, my loves. I like it! Soon to be Misis. Excel Balicas Gacita. Ngiting pag iisip ni Salvadod saka pinalibot libot ang swevil chair at napasigaw sa tuwa. You are mine now, Excel. Mind, Body and soul! You all mine, My loves.
———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3
Romance(COMPLETED) The story will tell you about SALVADOR LLYOD GACITA- a straight forward man, he do everything to get what he want. And one woman who get his attention is EXCEL AMETHYST BALICAS, a simple dedicated young lady. She also do everything what...