#UL3WeddingPreparation💐
———NAPAG-DESISYUNAN nila ni Salvador na umuwi na ng Manila para asikasuhin ang planung pagpapakasal matapos umu-oo ang dalagang si Excel sa kanya. Nakapagpaalam na rin siya sa ama ng dalaga tungkol sa pagpapakasal niya rito. Ngayun nga ay nasa bahay nila sila at hindi niya makita kita ang dalaga nang tatlong araw dahil sa lintik na Tradisyon na sinasabi ng ina niya sa kanila. Saka ang ina niya ang nag organize ng lahat tungkol sa kasal nila kaya parang weird para sa kanya.
God! Tatlong libong guest? Akala ko close family lang bakit ganun ka rami? Paanu namin haharapin ang mga to? Haist! Bakit pa kasi si Mama ang naisipan kong magpatulong. Naku naman oh! Aniya sa kanyang isipan saka bumuntong hininga. Ngayun naman ay nawala ang babaeng yun at tinago pa talaga ni Mama sa akin, Shit! Miss na miss ko ang babaeng yun. Dagdag pang sabi niya sa sarili habang nasa balkonahe ng bahay nila. Excel! Kung pwede lang kitang hanapin at wag na magpakasal dahil in the first place kasal na naman na tayo! Bwesit itong kasal na to!
Natigil ang pag iisip niya ng marinig ang tili ng kanyang ina sa sala. Kaya naman ay bumaba siya para tingnan ang ina kung bakit ito na titili.
"Ma, Anu po ang nangyari sa inyo? Bakit po kayo sumisigaw? Aniya sa kanyang ina saka bumuntong hininga.
Haist! Nang dahil sa bulaklak, tumili itong si Mama, Naku naman! Parang sasabog ang puso ko sa pinagagawa ni Mama nito. Aniya sa kanyang isipan saka tiningnan ang ina. Ang weird talaga minsan ni Mama, para bulaklak lang eh. Nagtititili na agad! Haist! Dagdag pang pag iisip ni Kevin habang nasa sala.
"Oh, anak!" Anito ng kanyang ina sa kanya. "Tingnan mo itong mga bulaklak. Ang gaganda ba ng mga ito? Magugustuhan kaya ng Asawa mo ito?" Sunod sunod na tanong nito sa kanya.
Ewan ko ma, hindi. Ko. Po. Alam. Tinago tago niyo sa akin. Tapos ngayun ako pa ang tatanungin niyo kung magagandahan siya s amga bulaklak na yan! Haist. Ewan ko sa inyu ma. Aniya sa kanyang isipan patungkol sa sinabi ng kanyang ina. Ewan ko talaga, ako pa talaga ang tinanong mo, Ma. Hindi ko po alam.
"Oo naman, ma. Magugustuhan yan ni Excel." Aniya sa kanyang isipan saka ngumiwi. "Kung bakit niyo pa kasi tinago si Excel sa akin eh. Yan tuloy hindi niyo alam kung magugustuhan niya o hindi." Dagdag pang sabi niya sa kanyang ina.
"Dahil nasa tradisyon yon anak. Anu ka ba naman, syempre susunod tayo dahil bawal ang dalawang ikakasal na sa iisang bubong lang hanggat hindi pa kinakasal." Aniya ng kanyang ina sa kanya saka ngumiti at hinawakan ang mukha niya. "Keep calm, anak. Makikita mo rin sa susunod na araw ang mahal mo. Chill ka lang okay. Malapit na." Dagdag pang sabi ng ina niya sa kanya saka ngumiti.
Habang nag uusap sila ng kanyang ina biglang sumingit naman ang babaeng nagdeliver ng bulaklak.
"Excuse me po." Anito ng babaeng nagdeliver ng mga bulaklak sa kanila. "Ilalabas ko na po ba ang mga bulaklak at saan ko po ito ilalagay?" Dagdag pang sabi nito sa kanila na parang kinakabahan na nagsasalita habang nakatingin sa kanya.
Napatingin silang dalawa sa gawi ng babaeng nagsalita at matamang tinitigan ang babae.
Hmmm... Parang pamilyar ang mukha ng babaeng ito? Saan ko nga ito nakita? Aniya sa kanyang isipan saka napa iling iling. Haist! Bakit pati ang babaeng yan eh pinuproblema ko pa eh ang rami ko nang problema ngayun. Haist! Dagdag pang pag iisip niya habang nakatitig sa dalaga.
Napatili naman ang kanyang ina. "Gosh! Ang gaganda ng mga bulaklak niyo. Salamat naman at may nagdeliver ng kasing ganda ng mga bulaklak. Ang ganda mo iha. Same as the flowers." Aniya ng kanyang ina sa babae saka ngumiti. "Kasi alam mo, Dito sa bahay puro bangayan lang ang naririnig ko sa mag amang yan. Puro matitigas ang ulo eh walang magpapatalo sa kanila. Haist! Wait lang iha, ha. May kukunin lang ako." Dagdag pang sabi ng Ina niya sa babaeng nagdeliver.
Pinakatitigan niya muli ang babae na pamilyar talaga sa kanya ang mukha nito.
"So." Aniya sa babae saka nilagay ang kamay sa bulsa niya. "Anung pangalan mo?" Tanung niya sa dalaga na nakalukot ang mukha.
"MARIA ILA ABONG." Sagot nito sa kanya habang nakatungo ito.
"Saan ka nagtatrabaho?" Tanung niya pa sa dalaga habang matamang tinitigan niya ang mukha nito.
"Sa Mystic Flower Shop." Sagot ng dalagang nagdeliver ng bulaklak.
"Bakit ka nagtatrabaho sa isang flower shop. Wala ka bang natapos na kurso." Kunot noong tanung niya pa sa dalaga.
"Nakapagtapos ako ng Nursing. Kaso hindi ko nadala ang papeles ko dahil tumakas ako sa bahay. Ito lang ang trabahong hindi nanghihingi ng papers kaya sa flower shop ako nagtrabaho. Saka gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko mag isa." Anito sa kanya ng babae.
"Hindi ka ba nahihirapan mag isa? Bakit ka naman tumakas?" Tanung niya sa dalaga.
"Noong una oo pero nang magtagal ako rito sa Manila ay naging maganda naman ang buhay ko. Bakit ako tumakas? Dahil napakahigpit ng mga parents ko." Sagot nito sa tanung niya.
Nag angat ng tingin ang dalaga at nakita siyang nakatingin dito. "What?" Tanung nito saka sinalubong ang mga tingin niya.
Umiling siya. "Nothing. Para kasing nakita na kita basta di ko lang alam kung saan." Aniya saka maraang tiningnan ang dalaga.
Parang nakita ko na siya eh! Saan nga yun? Sandali lang! Ahmm... Pag iisip niya saka bumuntong hininga.
"Ahm... S-saan mo naman ako nakita sir?" Tanung nito sa kanya na hindi maipinta ang mukha sa gulat.
Magtatanung siya sana kung bakit hindi maipinta ang mukha ng dalaga nang bumalik ang kanyang inang OA.
"I'm back." Tili ng kanyang ina na may dalang invitation card sa delivery girl. "Para sayo yan. Its a wedding invitation of my Son Salvador and his fiance Excel." Dagdag pang sabi ng ina niya sa delivery girl.
"Ma. Eh hindi natin siya kilala, iimbitahan mo pa?" Nakakunot noong sabi niya sa ina saka huminga ng marahan.
"Its okay." Tanggi ng dalagang nagdeliver ng mga bulaklak. "I don't want to atten—" Dagdag pang sabi nito saka naman pinutol ng kanyang ina ang iba pang sasabihin nito.
"Shhh... Sige na tanggapin mo na. Magtatampo ako kapag hindi ka umattend sa kasal ng anak ko." Anito ng ina niya sa dalaga saka tumingin sa gawi niya.
"Ahmmm... kasi po—" Tanggi ulit ng dalaga saka naman nagsalit ang ina niya.
"Makakatulong yan sa flower shop niyo." Anito ng ina ni Salvador saka ngumiti sa dalaga. "Kapag nagustuhan nila ang flower niyo baka sa inyu rin umorder ng flower ang mga kakilala ko. Sige na tanggapin mo na itong invitation ko at wag kang mahiya sa anak kong yan." Nakangiting sabi pa ng ina niya sa dalaga.
Mapilit talaga itong si Mama kahit hindi na nga. Haist! Ewan ko sayo ma. Aniya sa isip saka bumuntong hininga.
"Ahmmm... sige po aattend ako." Ngiting pilit ang sabi ng dalaga sa ina ni Salvador saka naman ang hinila nito ang dalaga at pinapasok sa isang silid.
Haist! Si Mama talaga. Ang rami na ngang guest dagdagan niya pa. Paanu nami haharapin ni Danica ang lampas isang libong guest? Haist! Aniya sa kanyang isipan saka bumuntong hininga. Nasaan naman kaya ang bride to be ko? At saan miya itinago ni Mama? Kung bakit pa kasi uso ang tradisyon tradisyon na yan eh. Grrr... Gusto ko nang mayakap, mahalikan at maangkin ang babaeng pakakasalan ko. Bwesit! Dagdag pang pag iisip niya saka muling bumalik sa second floor kung nasaan ang mga kaibigan niyang dadalo rin sa kasal.
———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3
Romance(COMPLETED) The story will tell you about SALVADOR LLYOD GACITA- a straight forward man, he do everything to get what he want. And one woman who get his attention is EXCEL AMETHYST BALICAS, a simple dedicated young lady. She also do everything what...