CHAPTER 34:

40 0 0
                                    

#UL3LBMattack‼️
———

MAGANDA ang gising ni Salvador at nakita niya ang asawang si Excel na mahimbing pang natutulog sa kama katabi niya.

Haist! Iba talaga ang epekto nitong babaeng to sakin. Paanu ko ba pipigilan ang mahulog pa sa babaeng to eh parang hindi gusto lang ang gusto ng puso ko eh. Parang, parang mahal na? Aniya sa kanyang isipan habang nakatingin sa babaeng napapatibok ng mabilis sa kanyang puso saka umalis sa kama at pumunta sa banyo at naligo.

Matapos maligo ay nakita niya pa ring mahimbing na natutulog ang kanyang asawa saka naisipang magluto ng pancake para sa asawa niya saka bumalik sa Kwarto bitbit ang pancake na niluto niya kasama ang pineapple syrup na favorite na flavor ng kanyang asawa.

"Good Morning, My loves. Kamusta ang gising mo? Maganda ba? Aniya sabay taas baba ng kanyang kilay at ngumiti ng malapad sa kanyang asawa.

"Okay naman. Kanina ka pa ba gising? Para sa akin na naman ba yan?" Sunod sunod na tanung ng kanyang asawang si Excel saka ngumiti.

"Hindi naman. And yeah, para sayo itong pancake with Pineapple syrup. Hinanap ko pa talaga yang syrup na yan at pinagawa pa sa kaibigan ko para sayo." Nakangiting sabi niya sa asawa saka ngumiti naman ito sa sinabi niya. "Alam kong pagod ka sa ginawa natin kagabi kaya, Pancake? For my love!" Aniya niya pa saka ngumisi sa kanyang asawang si Excel.

Ngumiwi ito sa huling sinabi niya. "Chi! Syempre napagod! Iba iba ba namang posisyon ang pinagawa mo sakin. Syempre napagod ako sa ginawa natin." Anito sa kanya na namumula ang pisngi na nakita niya naman ito at nagpangiti sa kanya.

Napangiti siya sa inasal nito at naupo sa kama katabi nito.

"Nga nga! At susubuan kita." Aniya saka ngumiti sa asawa at namumulang binuka ang bibig nito.

Pilyang binuka nito ang bibig saka sinubo ang pagkain. "Ahhh..." Ungol nito saka tumitig sa kanya.

"Inaakit mo ba ako, My loves. Kasi nadadala ako sa ginagawa mong pag ungol." Natatawang sabi niya saka tumitig sa mga mata niya.

"Hindi kaya, Ikaw itong naaakit eh." Ngumiwing sabi nang asawa niya sa kanya saka natigilan ito dahil nag isip. "Dahil nitong nagdaang araw ay ikaw ang naghahanda ng agahan para sa akin, ngayun naman ako naman ang maghahanda para sayo." Dagdag pang sabi nito sa kanya saka ngumiti nang malapad at siya ay napangiti na rin sa mga sinabi nito.

Malapad ang ngiti niya sa mga sinabi nito. "Totoo? Totoo talaga ikaw ang maghahanda ng agahan para sa akin?"

Tumango ito sa kanya. "Oo nga! Ako ang maghahanda ng agahan para sayo. Eh dapat ako ang maghahanda kasi ako ang asawa mo." Anito sa kanya saka ngumiti at bakas naman ang saya niya sa mga sinabi nito.

Tumitig ito sa mga mata niya at hinalikan siya sa mga labi at damang dama niya naman ang halik nito. "Dito ka lang, My loves. Ipaghahanda kita nang masarap na agahan." Anito sa kanya saka kumindat sa kanya na ikinangiti niya pa lalo.

"Salamat, My loves." Aniya sa asawa na may ngiti sa mga labi saka lumabas ito ng pinto.

Habang hinihintay niyang matapos magluto ang asawa ay inayos niya muna ang kamang tinulugan nila ng asawa saka nanuod ng TV para aliwin ang sarili habang naghihintay sa asawa.

"Hmmm... Parang may kakaiba ngayun sa asawa ko ahh. Dati hindi niya naman pinapansin na ako ang naghahanda ng agahan, ngayun nagpresenta na magluto ng agahan? Hmmm." Aniya sa sarili habang nanunuod ng palabas sa TV nang bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto.

"I'm back!" Nakangiting sabi ng asawa niya saka lumapit ito sa kanya.

Kaagad namang tumuon ang presensya niya sa asawa niya at tinanggap ang pagkaing hinanda ng asawa niya.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon