#UL3SweetnessOverload!
———KINAUMAGAHAN naunang nagising si Excel at dahan dahan siyang tumagilid paharap sa katabi niyang natutulog at malayang pagmasdan ang taglay nitong kagwapuhan.
Dios ko! Lord hindi ko alam kung bakit pinagagawa ko itong pagpayag na maging asawa nitong mokong na to. Lord! Ang gwapo niya pala sa malapitan sarap halikan ng mga labi niyang pulang pula. Aniya sa kanyang sarili. Dios ko, Excel! Tigilan mo yang kamanyakan mo sa lalaking yan. Magiging soon to be husband mo na yan kaya maghintay ka. Pagkausap niya sa sarili niya habang nakatingin sa mukha ng binata na natutulog pa. Anu kaya ang magiging kinabukasan ko sa lalaking to oras na maging mag asawa na kami? Paanu kaya mag alaga ang isang to? God! Na eexcite ako na kinakabahan sa maaaring future namin ng mokong na to.
Napag usapan nila ng binata na sa susunod na linggo na sila ikakasal kaya naman ay pagkatapos nilang mamalagi sa resorts na pagmamay ari ng kaibigan niyang si BF/Aron ay aalis na ito at sasabihan ang ama niya tungkol sa pagpayag niyang magpakasal rito saka daritso na sila sa bahay ng mga GACITA kung saan gaganapin ang reception.
Dios ko po! Tulungan niyo ako sa magiging buhay may asawa ko! Dalawang po't anim palang po ako at hindi ko alam kung paanu mamuhay ng may asawa. Sana lang eh maging maayos ang pagsasama namin ng mokong na to at wag na wag lang siyang mambabae dahil puputulin ko talaga ang kaligayan niya. Aniya sa kanyang sarili habang matamang pinagmamasdan ang binata.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa muka ng binata at inilapat ang labi niya sa labi nito nang gumalaw ang binata. Agad naman siyang bumalik sa posisyon niya at umaktong walang nangyari.
Ilang saglit lang ay nagising ang binata at humarap ito sa kanya. "Good Morning, My Loves. Bakit hindi mo man lang ako ginising? Kanina ka pa ba gising?" Anito sa kanyang ng binata at ngumiti. "Nakatulog ka ba ng mahimbing. Ako ba yung napanaginipan mo?" Nakangising sabi pa nito sa kanya.
"Ang rami mong tanung. Anu?" At anu naman kung nakatulog ako nang mahimbing o hindi?" Aniya sa binata saka bumangon.
"Hindi ba ako pwedeng magtanung sa asawa ko?" Anito sa kanya saka ngumiti. "Ang aga aga ang sungit mo. Gusto mo lang magpalambing eh." Dagdag pang sabi nito saka ngumisi.
"Magpalambing ka riyan. Hindi no." Aniya sa binata habang nakatayo malapit sa kama nang hawakan siya ng binata sa palapulsuhan at hinila siya pahiga sa kama kaya bigla siya natumba at nakakubabaw sa binata.
Napatanga si Excel habang nakatingin sa binata at hindi mawari kakatibok ng mabilis ang puso niya dahil sa subrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. "Nagpapalambing ka eh. Wag ka nang maumay dahil magiging asawa na kita. Kaya lahat gagawin ko para lamang sayo, My loves." Anito ng binata sa kanya saka ngumiti sa kanya. "Anu? gusto mo nang magpalambing at magpaalaga sa akin, Ha?" Dagdag pang sabi nito saka panay taas baba ng kilay nito sa kanya. "Aalagaan ko kung anung sakin at lalong lalo pagdating sayo." Saka Dumukwang ng halik ang binata sa kanya.
Hindi siya makagalaw sa ginawa ng binata sa kanya. "Ganyan ka ba talaga ha? Kusang nang hahalik ha? Ewan ko sayong mokong ka. At para sabihin ko sayo lahat ng malapit sakin ay inaalagaan at iniingatan ko." Aniya sa binata saka umalis sa pagkakubabaw sa binata at naupo sa kama. "Bakit gusto mo rin bang alagaan kita kagaya ng sabi mo sakin?" Dagdag pang sabi niya na galing talaga sa kaibuturan ng puso niya.
Hindi ko alam, Salvador. Pero unti unti mo nang napasok at nagiba ang pader na ginawa ko. Aniya sa isipan habang nakatingin sa binata.
Napangiti si Salvador sa sinabi niya at nakita niya ang kislap sa mga mata nito. "Ikaw bahala basta sakin, ikaw ang aalagaan ko. Hindi ko kayang nakikita kang nahihirapan. Sakin lang eh basta nasa paningin lang kita okay na sakin." Anito sa kanya saka malapad na ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3
Romance(COMPLETED) The story will tell you about SALVADOR LLYOD GACITA- a straight forward man, he do everything to get what he want. And one woman who get his attention is EXCEL AMETHYST BALICAS, a simple dedicated young lady. She also do everything what...