CHAPTER 31:

31 0 0
                                    

#UL3SelosAlert‼️
———

GULAT na gulat si Excel nang magtama ang mga mata nila ng asawang si Salvador. Para makuha ang awkward sa kanilang dalawa ay pinalibot niya ang kanyang paningin sa buong bahay.

Huhuhu... Bakit kasi hindi ko natanung si Fernando kung saan kami papunta! Huhuhu. Yan tuloy nagkita na naman kami ng mokong na salvador na to! Aniya sa kanyang isipan saka bumuntong hininga. Eh di sana hindi na lang ako sumama sa isang to! Pero infairness Personalize pala ang bahay na to ahh. May mga recreational area, Tambayan saka ang lapad nang kusina. Ang ganda! Two storey sa bahay. Pinagawa to talaga nilang magbabarkada? Dagdag pang pag iiba niya sa iniisip dahil sa asawa niyang si Salvador at nakita niya naman ang asawang si Salvador na papalapit sa kanya na madilim ang mukha.

"Anung ginagawa mo rito, Excel!" Tagis sa bagang na sabi ng asawa niyang si Salvador. "Excel! Anung ginagawa mo rito?"

Bago niya sinagot ang tanung ng asawa ay tumingin muna siya sa gawi ng kaibigang si Aron. "May kukunin lang ako kay Aron. Yun lang, Salvador. Wag kang gumawa ng ikagagalit ko na naman." Aniya sa asawa saka tumingin sa kaibigang si Aron na lihim na ngumingiti sa kanilang dalawa.

"Anu naman ang kukunin mo sa kanya na hindi mo makuha sa akin ha?" Makahulugang sabi ng asawa niyang si Salvador na madilim ang mukha na nakatingin sa kanya.

Nakakunot ang noo niya sa mga sinabi ng asawa. "Anung?! Anung pinagsasabi mo riyan, Salvador? Nahihibang ka na ba?" Aniya sa asawa saka malakas na bumuntong hininga at tumitig ng masama sa asawa. "Wag dito, Salvador. Kung anu man yang pinuputok ng botchi mo, sa bahay na yan!" Dagdag pang sabi niya saka nahihiya g tumingin sa mga kaibigan ng asawa niyang si Salvador na walang imik na nakatinginang sa pag uusap nilang dalawa.

Nagtagis ang bagang nito sa mga sinabi niya. "Kunin mo na ang kukunin mo sa ungas na yan." Anito sa kanya saka masakit na tumingin ito sa kaibigan niyang si Aron na nakangising lang. "At umuwi na tayong dalawa." Dagdag pang sabi nito saka nakakunot noo siya sa mga walang kwentang pinagsasabi nito.

Anung ikinagagalit ng mokong na to? Eh sa katunayan siya ang may atraso sakin noong isang linggo. Bwesit talaga ang mokong na to. Bipolar ba to oh anu? Pag iba iba ang ugali ng mokong! Grrr... Aniya sa kanyan isipan saka bumuntong siya saka nilapitan ang kaibigang si Aron. Ang isang naman to nakangisi lang? Anu naman kaya ang ikinangisi nito habang ang mokong naman ay galit na galit. Haist!

"Okay, Okay. Sandali lang." Aniya sa asawa saka tumingin sa kaibigang si Aron. "Ibigay mo na nga ang hiningi ko at para makaalis na ako rito. May masamang hangin kasing pumasok sa asawa ko at di ko alam kung bakit nag kaganyan yan." Aniya niya pa sa kaibigab niyang si Aron na pilyong ngumiti at ibinigay sa kanya ang isang paper bag na may laman nang kailangan niya.

"Hayaan mo na yan, Gf. Lilipas din yan. Alam mo namang protective lang yang asawa mo." Nakangising sabi nang kaibigan niyang si Aron. "Gamitin mo yang mabuti ahh para tatanda na na yang asawa mo." May bahid na tawang sabi pa nito sa kanya.

Inirapan niya ito saka tumingin sa asawang madilim ang mukha.

"Tara na?" Makahulugang sabi niya sa asawa na hindi gumagalaw at tagis ang bagang na nakatingin sa kanya habang palapit siya rito.

"Tara!" Anito sa kanya saka binigyan niya ng masamang tingin ang kaibigan nitong si Aron at napatingin lang naman ang iba pang kaibigan nito sa kanila.

Nang makalabas sila pareho sa bahay na inaakupaahan nang asawa niya pati ang mga kaibigan nito. Nasa labas na sila ng gate saka naman ay may pumaradang sasakyan sa harap nila. Napaawang ang labi niya nang lumabas sa sasakyan ang babaeng si Edna saka nilapitan nito ang asawang si Salvador at hinalikan sa mga labi.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon