#UL3Revelations
———PASADO ala sais na ng gabi nang makarating si Excel sa bahay niya. Papasok na siya sana nang mga sasakyang pumarada sa harap ng kanilang gate.
Sinu naman kaya ito? At bakit sa harap pa mismo ng aming gate pumarada ang kanyang lintik na sasakyan. Anito ni Excel habang hinihintay ang kung sinung lalabas mula sa driver seat. May kailangan ba ito sa akin or kay Dad? Hmmm. Dagdag pang sabi ni Excel sa isipan habang hinihintay lumabas ang tao sa sasakyan nito.
Iniluwa ang binatang si Salvador sa sasakyan saka may kinulikot sa pants nito. "Pwede ba magtanung kung ito ang bahay ni Mr. Exon." Tanung ni Salvdor kay Excel na panay pa rin kulikot sa pants niya at may dinukot na papel. "Ito kasi yung address na binigay ni—" Dagdag pang sabi ni Salvador saka tiningnan ang kausap at hindi na natapos ang iba pang sasabihin niya sana dahil sa gulat sa nakita niya.
Pareho silang napatanga ng dalaga na parang gulat na gulat sa nakita.
"Salvador??? Anung ginagawa mo rito?" Nakakunot noong tanung ni Excel kay Salvador.
"Excel!" Gulat na sabi ni Salvador kay Excel saka ngumiti ng malapad.
I don't like that smile of yours, Salvador. Parang may masamang mangyayari ahh. Anito ni Excel sa isipan saka pinakatitigan ang labi ng binata.
"Oh! Anung ginagawa mo naman ditong mokong ka? Ha? Kanina ka pang umaga ha! Nabwebwesit na ako sa pagmumukha mong lalaki ka!" Anito ni Excel kay Salvador habang nakangiti pa rin ng malapad ang binata. "Wag mo akong ngitian diyan! Bwesit ka, sinira mo ang araw ko. Hanggang gabi ba bwebwesitin mo ako ha?" Dagdag pang sabi ni Excel kay Salvador.
"Wait, Excel. Pinapunta kasi ako rito ni Dad." Sagot ni Salvador kay Excel na nakangiti pa rin sa dalaga.
"Oh eh bakit sa bahay pa namin? Ang gabi na oh dito kayo mag uusap? Walang sariling bahay ha?" Sunod sunod na tanung ni Excel kay Salvador.
"Ewan ko nga eh, kung dito pa sa bahay niyo. May sasabihin lang ata sa akin?" Nakangiting sabi ni Salvador kay Excel na tinatago ang kilig na nararamdaman.
"Wow ha! Napili niyo pa talaga ang bahay namin para lang may sabihin sayo ang ama mo." Mataray na sabi ni Excel kay Salvador. "Kung ako sayo umalis ka na dahil wala akong oras para sa kalukuhan mong bwesit ka." Dagdag pang sabi ni Excel kay Salvador. "Kakausapin ko pa ang mapapangasawa ko. So chupi kahit na mag asawa tayo sa papel hindi kita magiging asawa. Kaya umalis ka na." Anito ni Excel kay Salvador at nakita niyang nakangiti lang ang binata habang nagsasalita siya.
"Yun na nga. Dahil diyan andito ako." Nakangiting sabi ni Kevin kay Danica. "My loves, soon to be Mrs. Gacita." Dagdag pang sabi ni Salvador kay Excel sabay wink sa dalaga. "Pumasok na tayo para pag usapan ang kasal? My loves?" Saka pumasok sa loob habang nasa gate pa rin si Excel.
"Anung sabi mo? Hindi ko ma gets. Anung pag usapan ang kasal?" Anito ni Excel kay Salvador. "Hoy! Salvador." Sigaw ni Excel saka tinaasan lang siya ng kamay ng binata.
"Dito na tayo mag usap sa loob nandito na sila Mom and Dad. Halika na." Anito ni Salvador saka nilingon siya at nginitian. "Saka hinihintay ka rin ng Papa mo."
Wait. Wait. Anung nangyayari? Bakit? Hindi ko maintindihan. Anito ni Excel sa sarili. Ipaintindi niyo sa akin please... Nagmamakaawa ako. Dagdag pang sabi ni Excel saka nagmadaling pumasok sa loob ng bahay at nagulat siya sa nakita.
"Oh, iha. Andito ka na pala." Nakangiting sabi ng Ama ni Excel sa kanya habang nakatanga lang siya rito. "Anak, okay ka lang ba? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanung ng kanyang Ama sa kanya.
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3
Romance(COMPLETED) The story will tell you about SALVADOR LLYOD GACITA- a straight forward man, he do everything to get what he want. And one woman who get his attention is EXCEL AMETHYST BALICAS, a simple dedicated young lady. She also do everything what...