#UL3MayVacationDate‼️
———NANG makarating ang sasakyang sinakyan ni Excel sa resorts na pagmamay ari ng binatang si Aron, agad siyang lumabas kasunod naman sa kanya ang binata. Pinalibot niya ang kanyang mata sa magandang tanawin ng resorts.
Napatingin siya sa gawi ng binata at malapad na ngumiti. "Thank you, thank you for inviting me here." Aniya saka niyakap ang binata.
Napangiti si Aron sa kanyang inaasal. "Walang anu man, GF. Alam kong gusto mo rin magliwaliw, at para makahanap ng peace of mind." Anito sa kanya ni Aron.
Napangiti siya sa sinabi nito at saka pinalawalan ang binata. "Yeah, kailangan ko nga ng peace of mind. Dahil sa tambak na reports ng restaurants." Aniya kay Aron saka tumingin sa matangos nitong ilong.
"Kaya nga tamang tama ang pagdating ko rito sa Manila eh sa rami ba naman appointment ko sa company, kaya hindi kita na kamusta. Sorry about tha, GF. At swerte ako sayo dahil naging matalik kitang kaibigan." Anito sa kanya ng binata saka inakbayan siya at iginiya siya papasok sa hotel ng resorts.
Napakaganda ng resorts na pagmamay ari ng Binata. Lahat nandito na kung gusto mong lumayo sa problema. Nandiyan ang hotels, restaurants, Bars, Casino at syempre maligo? Nandiyan rin ang beach at ang pinakamalaki at mahabang Swimming pools.
Nang makapasok sila sa loob ng inaakopahang room. Tanaw na tanaw ang ganda ng buong resorts.
Ang ganda naman subra! Iba talaga ang lalaking to. Siguro kung may nubya na itong lalaking to sweet na sweet ito. Pinili niya pa talaga itong napakalaking room na nakatapat sa buong resorts sa akin. Aniya sa kanyang isipan saka tumingin at ngumiti sa binata.
"Bakit ganyan ang ngiti mo sa akin? Hmmm? At nakatingin ka pa talaga sa akin ha." Anito sa kanya ng binata at napatawa siya sa sinabi nito.
"Wala naman, masaya lang ako kasi naging kaibigan kita. Napakaswerte ko dahil nakilala kita at naging kaibigan." Aniya kay Aron saka tumingin sa labas ng bintana.
"Hindi ka ba napagod sa byahe natin? At parang may lakas ka pang mambola ha?" Nakangiting sabi sa kanya ni Aron.
Napangiti siya sa sinabi ni Aron. "Naku hindi ah, hindi kita binobula totoo ang mga sinabi ko sayo. Walang halong biro kasi swerte naman talaga ako sayo dahil naging kaibigan kita." Aniya sa binata saka lumabas sa terresa ng rooms kung nasaan sila at sinundan naman siya ng binata.
Umupo sila ni Aron sa isang mahabang Sofa na nakatapat sa dagat at humilig siya sa balikat ng binata. Komportableng nakaupo si Excel kasama ang kaibigang si Aron.
Sarap sa pakiramdam na kahit ang gusto kong makasama ay ang mokong na Kevin na yun at pag usapan ang kasal namin. Heto ako at katabi ang matalik kong kaibigan. Ewan ko ba, kahit na lalaki siya at babae ako eh makasama sa iisang kwarto. Walang malisya ha, magkaibigan lang kami nitong lalaking to. Kulang nalang ata ay label saming dalawa pero mananatili siyang kaibigan ko. Aniya sa kanyang isipan habang nakahilig ang ulo niya sa balikat nito at dinama ang magandang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Maswerte ako kay Aron na alam kong may pisikal na pangangailangan siya eh hindi niya ako tinitake advantage. Dagdag pang pag iisip nito sa kaibigang kasama.
Nagkakilala sina Excel at Aron sa isang unibersidad na pinasokan nila pareho at naging magkaklase ang dalawa nang parehong kurso ang kinuha nila culinary arts pero napunta sa Seaman ang loko kaya siya lang ang nakatapos bilang isang chef. Nang magkakilanlan at maging kaibigan silang dalawa ni Excel, nagsimulang manligaw sa kanya ang binata pero walang epekto sa kanya kahit na may taglay itong kagwapohan at mahuhumaling talaga ang mga kababaehan sa kanya ngunit magpahanggang ngayun ay matalik pa rin niyang kaibigan ang binata dahil lahat ata ng secreto, problema at mga challenges sa buhay niya ay ibinahagi niya sa binata.
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3
Romance(COMPLETED) The story will tell you about SALVADOR LLYOD GACITA- a straight forward man, he do everything to get what he want. And one woman who get his attention is EXCEL AMETHYST BALICAS, a simple dedicated young lady. She also do everything what...