CHAPTER 8:

95 2 3
                                    

#UL3MayBisita
———

NASA isang bar sina Salvador at ang mga kaibigan niya matapos ang pagtatalong usapan nila ng dalagang si Excel. Dahil nga nagkayayaan silang mag inuman. Saka Hindi niya malaman laman kung bakit pang mental ang mga ugali ng mga kaibigan niya.

"Sa tingin ko itong si Junbert nasapian na ng masamang elemento." Nakangising sabi ni Mark Stephen sa kanila. "Alam mong sabi niya sa akin sa telepono mga pre? Eh magbubukod na raw ito kasama si Maria Ila." Natatawang binalingan niya si Junbert ana umiinom ng alak. "Pre, Paanu ka bubukod eh hindi mo nga mahanap ang nawawala mong asawa?"

Tumitig ng masama si Junbert sa kaibigang si Mark Stephen. "Ewan ko sayo, Mark Stephen. Basta bubukod na ako with Maria Ila my soon to be Misis ko. Kapag ikaw na ang nakaramdaman nang nararamdaman ko, mababaliw kang gago ka." Anito ni Junbert sa kay Mark Stephen.

"Ha! May nararamdaman naman talaga ako, gonggong. Tao ako eh. Anu ba yan, Junbert. MAGNA CUM LAUDE ka tapos ganyan ka mag isip haist!" Anito ni Mark Stephen sa kay Junbert saka tinitigan ng masama ang kaibigan.

"Naku! May nararamdaman na yang si Mark Stephen, Hindi lang pinapahalata di ba, Pre?" Nakangising sabi ni JanLouie sa kay Mark Stephen. "Di ba? Diba pre?"

Tinitigan ng masama lang ni Mark Stephen si JanLouie. "Tigilan mo ako, JanLouie. Baka maibato ko tong bote ng alak sa pagmumukha mo, gago ka!" Anito ni Mark Stephen sa kaibigan si JanLouie.

Natawa si JanLouie na hindi man lang alintana ang madilim na pagmumukha ni Mark Stephen. "Kalma lang, Pre. Wala naman akong sinasabi ahh."

Bago pa man makapagsalita ang isa sa kanila ay pumasok ang isa pa nilang kaibigan na si Razel sa kinaroroonan nilang apat.

"Mga pre! Kamusta? Papensiya late ako, maraming inatupag na papers sa office eh." Anito ni Razel saka kumuha ng isang beer na nasa mesa at umupo sa tabi ni Stephen. "Parang kutang kuta na si Mark Stephen sa inyu ahh." Nakangising sabi ni Razel sa kay Mark Stephen. "Cheers para sa mga nararamdaman nating lahat!"

"Cheers para sa dalawang kaibigan nating may nararamdamang kakaiba." Dagdag pang sabi ni JanLouie saka ngumisi sa kay Mark Stephen.

"Hoy! Tigil tigilan niyo ako ah, wala akong may nararamdamang kakaiba." Nakatirik na mata na sabi ni Mark Stephen sa kanilang lahat.

"Eh cheers mo nalang yan pre." Anito ni Junbert.

"Naku po! In denial king si Mark Stephen." Nakangiting sabi ni JanLouie sa kay Mark Stephen.

Sa halip na magkumento si Mark Stephen, inubos na niya ang kanyang ang beer saka tumayo. "Alis na ako. May kailangan pa akong puntahan." Anito ni Mark Stephen sa mga kaibigan palabas sa Bar na pinasukan nila.

"Pre, minsan lang tayo magsama hayaan mo muna yon." Nakangising sabi naman ni Razel.

"Sa susunod nalang, susunduin ko pa si Mae." Anito ni Mark stephen ska itinaas ang kanang kamay.

Natawa si JanLouie sa inasta ni Mark Stephen. "Naku po! Mark Stephen is in a big trouble."

Tumayo si Salvador bilamg pagsang ayon sa kay JanLouie. At nakita niya kung gaanu ito kapikon sa mga kaibigan. "Pabayaan na muna natin si Mark Stephen. Baka iniisip pa niya kung anu talaga ang nararamdaman niya para kay Mae."

Inubos na ni Salvador ang natitirang beer at tumayo. "Mauna na ako sa inyu mga pre, Gabi na oh!"

Sabay na itinaas nina Junbert, Razel at JanLouie ang hawak na beer.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon