#UL3HoneyMoonNaBa?🤷♂️
———NATAPOS ang mahabang araw ng kanilang kasal ni Salvador na parang wala lang nangyaring kasal. Hindi makapaniwala si Excel na kasal na nga sila ni Salvador.
At Ngayun, habang nasa sasakyan siya at si Salvador naman ang nagmamaneho nito patungo sa kanilang Honeymoon. Wala silang imik pareho sa mga nangyari sa kanilang buhay.
Anu na? Anu ang mangyayari sa aming dalawa ng mokong na to pagkatapos ang kasal? Aniya sa kanyang isipan saka bumuntong hininga. Saan naman kaya ako dalhin nitong mokong na to pagkatapos ng pagkatapos ng reception abay Kinaladkad ako papunta sa sasakyan na to! Dagdag pang pag iisip ni Excel habang nakatingin sa kanyang asawa na si Salvador.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. "Saan tayo pupunta?" Tanung niya sa asawa niya.
"Sa penthouse ko tayo tutuloy, my loves." Anito sa kanyang saka napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito.
Napatingin siya sa gawi ng kanyang asawa. Anu daw? Sa penthouse niya? God bakit? Aniya sa kanyang isipan saka hinawakan ang puso niya nang may hindi maipaliwanag na naramdaman dito.
"B-bakit n-naman sa P-penthouse mo tayo t-tutuloy?" Nauutal na sabi ni Excel habang hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Salvador.
"Ngayung asawa na kita, lahat ng mga gamit mo sa bahay niyo ay ipapakuha ko na at dito ka na mananatili. Walang ibang maghahatid at magsusundo sayo sa restaurant niyo kundi ako. Wala nang iba. Araw araw, kuha mo my Loves?" Nakangiting sabi nito sa kanya saka nagfocus sa pagmamaneho ng sasakyan.
Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. "God! Salvador anung sabi mo? Ihahatid at susunduin mo ako?" Aniya sa asawa niya. "At bakit mo naman ako ihahatid at susunduin aber?" FYI, Salvador. Hindi mo naman yun kailangan gawin dahil KAYA KO NAMAN." Dagdag pang sabi niya sa kanyang asawa.
"My loves naman, asawa na kita kaya dapat lang na ihahatid at susunduin kita sa restaurant mo." Puno ng paglalambing na sabi nito sa kanyang saka may ngiti sa mga labi. "Remember what i say to you? Walang ibang lalaking aaligid aligid sayo kundi ako lang wala nang iba." Dagdag pang sabi nito sa kanyang saka ngumiti.
"Wow! Ang lakas ng apog mo ahh! Kakatapos pa lang ng kasal at ganyan kana agad mag demand. Loko ka ahh!" Aniya sa kanyang asawa saka bumuntong hininga.
"Yun na nga eh. Hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito, my loves pagdatingin sayo. Hanggat asawa kita. Walang ibang lalaking lalapit sayo, maliban sakin." Madilim ang mukha na sabi nito sa kanya. "We have a fucking deal, okay!" Dagdag pang sabi nito sa kanya.
"Anung hangin ba ang pumasok sa ulo mo at ganito ka ngayun? Okay naman tayo kanina ahh?" Aniya saka pinukol ng masamang tingin ang asawa. "Saka wag mo nga akong masigawan diyan!" Dagdag pang sabi niya sa asawa saka bumuntong hininga.
Natigilan ito saka lumambot ang mukha sa mga sinabi niya. "I'm sorry. Hindi ko lang nakontrol ang sarili ko."
"Wag mo akong idamay diyan sa saltik mong ulo, Salvador. Alam kong may usapan tayo kaya pwede ba bawas bawasan mo yang pagka abnormal mo ahh." Aniya pa sa asawa saka bumuntong hininga.
"I'm really sorry, my loves. Hindi ko rin alam kung bakit pagdating sayo nagkakaganito ako. Nawawala sa tamang huwesyo ang utak ko. Kaya kung may sisihin man dito ikaw yun dahil nababaliw ako pagdating sayo." Anito ng asawa niya sa kanya saka napaawang ang labi niya sa nga sinabi nito.
Natigilan siya sa mga sinabi nito. Anung ibig sabihin ng mokong na to at sa akin pa talaga na bunton ang kabaliwan niya. Haist! Ewan ko sayong mokong ka. Ipamental kita riyan eh. Aniya pa sa sarili saka tumingin sa gawi ng bintana nang sasakyan. Hoy puso hinay hinay sa pag tibok ahh. Baka hindi na kita makayanan. Please wag naman mabilis. Huhuhu. Dagdag pang pag iisip niya saka bumuntong hininga at sumandal sa upuan ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3
Romance(COMPLETED) The story will tell you about SALVADOR LLYOD GACITA- a straight forward man, he do everything to get what he want. And one woman who get his attention is EXCEL AMETHYST BALICAS, a simple dedicated young lady. She also do everything what...