CHAPTER 41:

30 0 0
                                    

#UL3HuliKaSalvador‼️
———

NAG-AAYOS ng mga folders si Salvador na kakailanganin para sa pag expand na naman ng kanilang wine industry. Nang may pumasok sa office niya habang siya ay abala sa pagbabasa ng mga reports nito nang hindi tinitingnan ang taong pumasok.

"Ali, di ba sabi ko kapag may ginagawa ako hindi muna pwedeng mag entertain ng mga tao?" Aniya habang nag aayos ng mga folders. "Kailangan kong matapos to dahil susunduin ko mamaya si Excel sa resto." Dagdag pang sabi niya saka tumingala at nakita ang dalagang si Edna. Naka mini shirt lang ito at kita ang dibdib sa suot nito habang siya ay nakatanga lang at nakatingin sa babae.

"Ohhh! Bakit gulat na gulat ka ata, Salvador. Wanna join me? Mag coffee break ka muna. Sasamahan kita." Anito ni Edna sa malanding boses saka ngumiti na nang aakit habang nakaupo sa visitors chair.

"Nope, thank you nalang edna. Marami pa ang gagawin ko at tataposin ko dahil susunduin ko pa si Excel." Nakangiting tungon ni Salvador habang nagpipirma ng mga documents na kailangan na niyang permahan.

Saka naman ay napadako ang tingin niya sa pumasok na si Ali. Na nag ala ala ang mukha. At natigil ang pag uusap nilang dalawa.

"Sorry po, Sir. Hindi ko po naawat si Miss Edna na pumasok sa office niyo kasi kilala niyo naman daw siya at may kailangan siya sa inyu." Anito ni Ali saka ngumiwi. At mataray naman ang tingin ni Edna rito.

"Okay lang, Ali. Sige pwede ka nang bumalik sa table mo. Tawagan mo nalang ako kapag may gusto kumausap sakin." Nakangiting sabi niya sa secretary at tumango naman ito bilang pagsang ayon saka lumapas na ito ng office niya. Dumako ang tingin niya sa dalagang si Edna.

"Anu ba ang ginagawa mo rito sa office ko, edna? Di ba sabi ko ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo?" Aniya sa dalaga na pagalit ang boses. Habang nakangiti lang ito sa kanya.

Nilapitan siya nito at hinawakan ang neck tie niya. Napasinghap siya sa paghimas ng kamay nito sa kanyang dibdib saka Malambing na nagsalita.
"Salvador, alam mo naman sa umpisa pa lang eh. May pagtingin na ako sayo. At alam ko ang galawan mo. Hindi ka pumapasok sa isang relasyon na wala kang makukuha." Makahulugang sabi nito sa kanya at ngumiti nang malapad.

"Anung ibig mong sabihin?" Nakakunot ang noong tanung niya sa dalaga habang nakatingin sa dalaga.

"Chill, Salvador. Hindi ko ikakalat na fake wife mo lang naman ang babaeng si Excel. Am I right?" Nakangiting sabi nito sa kanya habang himas himas nito ang kanyang mukha. "At hindi naman malalaman ni Excel kung walang makakaalam eh. Its between you and me." Malambing na sabi nito saka himas himas ang tainga niya.

"Diyan ka nagkakamali, Edna. Legal kaming kasal ni Excel. At para sabihin ko sayo. Hindi fake wife si Excel." Aniya sa dalaga at tinulak palayo ang dalaga para may distansiya siya ito. "Kung ako sayo, Umalis ka na edna. Bago ko pa tawagan ang security guard ko at kakaladkarin ka palabas." Dagdag pang sabi niya rito.

"Na ahhh... not that easy, honey. Kung naakala mong madadala ako sa sinasabi mo. Hindi ako takot salvador." Anito saka lumapit sa kanya at hinimas ang labi niya. "Wag ka nang magmatigas, Salvador. Dahil alam kong kanina ka pa takam takam sa akin at tikman ako. Ibibigay ko sayo lahat basta iwan mo lang ang babaeng haliparot na si Excel." Nang aakit na sabi nito saka akmang hahalikan siya nito saka naman ay umiwas siya para hindi magtagpo ang kanilang mga labi.

"Hindi mo ako madadala riyan, edna. Alam kong alam mo na hindi ako attracted sayo. At pwede ba marami pa ang kailangan kong gawin. Umalis ka na ngayun. Bago pa ako mapuno sayo." Aniya sa dalaga pero pilit pa ring lumalapit sa kanya si Edna.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon