Victorious

11.8K 426 15
                                    

“The next big thing will be Best Director for this year’s Music Video Creations… who are the nominees? Let’s find out” sabay turo nila sa malaking screen.

                Na Gyeon Heul / The Heart Wants What It Wants – SOUTH KOREA

                Selena Chase / Boom Clap – USA

                Marjorie Fritz / Jealous – CANADA…

 

                Naku hindi na siguro ako matatawag. Wala nang pag-asa ito. Huhu.

                Pedro de Jesus / Wonderland – PHILIPPINES

 

                0_0

                Haaaannnnuuuddddaaaawww????

                Kyahhhhh!!!

                Waaaaahhhhh!!!

                Yes! Yes! Yieeeehhhh!!! Kinikilig ako sa saya… Napasobra ata yung pagsisisigaw ko sa isip ko kaya nakagat ko ang sarili kong labi. Ang sakit tuloy! Haist! Pero ayos lang at least nominated. Napatingin naman ako kay Jason na nakangising aso lang sa akin na parang gusto akong pagtawanan ng malakas. Bwisit siya!

                “Best director is…” andaming gumagalaw na mga paru-paro sa dibdib ko. Hindi na ako makahinga at malakas na ang kalabog ng puso ko. Diyaske! Mahihimatay ata ako.

                “Best director is Pedro de Jesus of the Philippines for ‘Wonderland’! Congratulations!

                Para akong natulala ng mga isang minuto bago tuluyang makatayo. Wala na akong marinig at parang ako lang ang tao sa buong paligid. Dinaig ko pa ang nahirang na Miss Universe dahil napahawak ako sa aking mga bibig sabay kaway sa lahat ng mga manonood. Chos!

                Ninamnam kong mabuti ang moment ng paglalakad papunta sa hagdanan ng stage hanggang sa matapilok ako’t mahulog dito at mamatay. Pero siyempre joke lang yun. Slow motion ang drama ng lola niyo at pumapailanlang ang tugtog na ‘Wonderland’ ni Taylor Swift. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan at baka mapatid ng gown ko at mahaba kong buhok na puno ng swarovski crystals. Chos! Haha. Sinalubong ako ng presenter na gwapo pala sa malapitan sabay abot sa kamay ko ng nagmamagandag trophy. Tinanggap ko ito ng may ngiti sa labi at munting luha sa mata. Halos masilaw ako sa dami ng nagpipicture. Hindi ko tuloy matanaw ang bakulaw.

                Nasa harap ko na ang microphone sa ngayon.

                “I don’t know what to say… Thanks God! Uhm, I-I would like to take this home as a thank you gift for all who supported me… To our coach, who is not here…” sabay singhot sa ilong “…to our adviser, to Mr. Nickhun and Carmela for being excellent artists for this video and the staff and crew… and of course, my partner, Mr. Jason Don… Thank you! Thank you!” bumaba na ako ng stage dala-dala ang trophy.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon