"So Dave? What are we going to do today?" Pete asked the person on the other line.
[Hmmm... we'll see... Uhm, a couple of scenes on your series and a scene on your Kpop MV for Miss A]
"O-kay, so what's the sched for my Philippine Visit?"
[Wait... Hmm... That's next week by the way]
"Gotcha! Thanks! See you later"
[No prob... hehe... See yah!]
Pete's been busy for this month since projects were coming like storm. Parang hindi na siya maabala sa lahat ng ginagawa niya. Kaliwa't kanan kasi ang mga shoots and interviews nya. But he could not miss his comeback to his homeland for a short vacation. It has been 6 years and it's been like hell, so unrestful. Everything's changed except his being Barriotic in any way. He is now living with his inay and ate in Singapore. Si mang Wilfredo naman ang naiwang namamahala sa kanilang mas malawak nang bukirin sa Sta. Fe. Paminsan-minsan naman eh pumupunta itong Singapore para bumisita.
Just two blocks away lang din ang condo ni Cory, bff niya, na nagtatrabaho sa kanya bilang manager at assistant sa GAZE Production na ngayon ay mas sumikat pa sa buong mundo. Sila na ang naging major agency na naghohold ng mga big events and productions in different countries.
"Inay! Nalabhan nyo po ba yung favorite scarf ko kahapon?" Sigaw ni Pete sa ina na nag-aayos ng mga gamit sa sala ng condo unit nila.
"Ah-eh parang hindi eh... bakit gagamitin mo ba nak?"
"Ah, sige, yung isang scarf nalang po yung gagamitin ko... Atsaka inay, sa susunod na linggo na po pala yung bakasyon natin sa Pilipinas"
"Ay ganun ba? Hmmm..."
"Bakit po inay?" ngayon ay magkalapit na sila since nakalabas na ng kwarto si Pete at handa na sa lakad niya.
"Ah wala naman anak... Iniisip ko lang kasi na baka hindi ka pa handa ulit"
"Naku naman si inay! Ang OA niyo ah! Hehe... Ano ka ba inay? Anim na taon na po at gusto ko rin naman na mabisita ang Pilipinas lalo na yung bukirin natin" anito at hindi na lamang din kumibo si Aling Amy.
After that ay nilisan na niya ang condominium and headed towards Sentosa for their shoot. As he arrived ay nandoon na din si Cory at ibang staff na naghihintay na sa kanya. Nang makita siya ng bestfriend ay inabot nito ang isang cup of coffee.
"So, next week's the week... baka naman gusto mo munang I-postpone" Cory welcomed Pete.
"Alam niyo... pare-pareho kayo nina inay! Ang OA lang ah... tsaka ano naman ba kung umuwi tayo ng ilang weeks dun?" he sarcastically answered while reviewing the screenplay for the shoot.
"Hmmm... Wala lang naman mare... Kami ayos lang, eh ikaw?" saad nito. Nilingon siyang bigla ng nakaupong beki at binigyan ng 'yung-totoo' look.
"Duh! Ano naman aber ang magiging problema ko doon? Diba wala naman?"
"Hmmm.... Oo nalang" at sabay walkout. Kaya napailing na lamang si Pete sa sinabing iyon ng kanyang bff. Bigla siyang natigil sa pagbabasa. Ano nga ba ang mangyayari sa pag-uwi niya sa bansa? May magbabalik ba? May magiging problema ba siya pagdating doon? Umiling nalang siyang muli at kinalimutan na kung ano man ang bumabagabag sa kanya sa ngayon. Nag-focus na lamang siya sa taping until the usual day ends.
BINABASA MO ANG
The Barrio Gay (Now Published under LLP)
HumorPaano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx