The Engagement

11.7K 410 19
                                    

                Ms. Cruz’s condominium unit was huge with spoonful of aesthetic designs and miniscule sculptures. A little bit sorrowful because of gothic hue, the scene fits the unstopping gushing of tears of Pete. Wala siyang reaksyon pero patuloy pa rin sa pamamasa ang kanyang pisngi. He stared directly at the window pane while sitting comfortably at Prof Samantha’s big sofa. It was late in the evening pero hindi pa rin siya binibisita ng antok. A while later, Ms. Cruz’s was seen stepping down from the condo’s second floor. Naawa siya bigla nang makita ang ating bida na nakatulala lamang at hindi pa rin natutulog. Bigla niyang naalala ang katulad na pagkaawa sa aksidenteng pagkahagip ng paningin niya kay Pete habang mahimbing na natutulog sa gilid ng daan. Hindi man malaman ang tunay na nangyari ay napagtanto niya na hindi ito naging maganda para sa katulad ni Pete. Aniya sa kanyang sarili ay tama lamang na napaaga ang uwi niya galing london.

               

                Hindi siya napansin ni Pete kaya tumuloy siya sa kusina para kumuha ng isang basong gatas sa kanyang fridge. Napitlag naman ng bahagya ang naglalakbay na diwa ni Pete nang marinig niya ang paglapag ng baso sa mesa malapit sa kanya. Kasunod niyon ang pag-upo ng tila nag-aalalang si Ms. Cruz. Naging tahimik muna ng saglit ang buong salas kung saan muna pinatulog ni Ms. Cruz ang ating bida.

                “I know it’s still inappropriate to ask if what really happened my dear… kaya I’ll give you time to think before-“

                “Okay lang po iyon Ms. Samantha…” pinutol niya ang sabi nito sabay pagpapakawala ng mabigat na hininga. Isang hingang tila pinigilan ng napakatagal. “H-hindi po nila ako pinaniwalaan na wala akong alam sa mga nangyari” tahimik lamang siyang pinanood ni Ms. Cruz.

                Maya-maya pa ay dire-diretsong inilahad ni Pete ang lahat-lahat nang nangyari sa mga panahong wala si Ms. Cruz maliban sa naging pag-uusap nila ni Jason. Matapos iyon ay hindi halos makapagsalita si Ms. Cruz.

                “I-I’m sorry Pete”

                “Okay lang po iyon Mam… wala po kayong kasalanan” Pete ironically said while playing his fingers to divert his attention. Muling naging tahimik ang professor.

                “Don’t worry Pete… we’ll find out what really happened in the contest… I believe you and I really can smell nasty things about this” Ms. Cruz assured Pete.

               

                Tumungo lamang ng kanyang ulo si Pete. Pinilit siya ni Ms. Cruz na magpahinga na. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin siya. Dahil marahil sa sobrang pagod.

---

                After what happened at the park at matapos makaalis na nang tuluyan ang sasakyan ni Ms. Cruz ay tsaka lamang bumalik sa ulirat si Jason. Huli nang humabol siya dahil marahil ay nakalayo na ito. Bigla niya kasing naisip na sundan kung saan idadala ni Ms. Cruz si Pete. Nais niya din kasing makipag-usap sa beki. Halos iritable siya nung hindi niya mahanap ng kanyang mata ang sasakyan ng professor at halos hambalusin na niya ang manibela.

                But he never stopped until the sun breaks. Pero bigo siyang mahanap ito. Napag-isipan na lamang niyang maglagi na lamang sa dating boarding house ni Pete sakali mang bumalik ito. Mga ilang oras din siya doon bago niya matanaw ang pamilyar na sasakyan. Bumaba doon si Miguel na seryosong naglalakad na tila problemado. Nagkibit-balikat na lamang siya sa nakita at patuloy na naghintay.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon