“I said, I’m not going home! I need to be alone and please stop calling me you b*stards!!!” ang nanggagalaiting sigaw ni Jason na may kausap sa cellphone niya. Nakapameywang itong nakatanaw sa may bintana ng kanyang kusina dito sa condo unit nya.
[Piru ser… pinapauwi ka na pu ni Mommy mu… Si Ser Won din baka pu mapatay aku kung de po kayo umuwi] ani nang nahihintakutang katulong na inutusang kumausap dito. Ngunit bigla nang naputol ang tawag dahil naibato na ng galit na binata ang kanyang pang isang libong cellphone.
He prepared his breakfast in his sexy boxers nang may pagdadabog. Nabwibwisit siya. Kagabi ay nanggaling siya sa isang bar malapit sa lugar niya at may nakita siyang hindi nya inasahan na nandoon. Umuwi na din naman siya agad nang mapansin nitong hindi lang pala ito nag-iisa. Dito na sya tumuloy muna dahil ayaw nyang umuwi ng bahay. Masama pa din ang loob niya sa mga tao doon. Naguguluhan na sya sa ngayon at hindi niya alam ang gagawin para matakasan kahit saglit ang hindi nawawalang nyang mga problema. The man just pressed his now aching head and ate his bacon, french toast, and egg.
A bit later, he heard a beep from his telephone. [Hey Jason! Where are you? The h*ll! Our wedding is getting nearer! I’ll just pick you up sa mansion later coz we have to go to our coordinator…] At muling nag beep ito. Nakatingin sa kawalan si Jason habang ngumunguya. Napahilamos na lamang siya ng mukha at itinigil na ang pagkain. Mabuti na lamang at hindi alam ng ‘fiance’ nya kung nasaan siya ngayon. Nagkulong siya sa kwarto at natulog nang muli.
---
Sumapit ang hapon at ang magulo ko nanamang araw dito sa Guild University ay natapos din. Hindi talaga tumitigil sa pambubwisit yung mga ulupong ng mga bully. Napalaban tuloy ako ng tarayan nanaman kanina. Pinag-iinitan kasi nila ang pagpunta ko sa Korea. Tsk!
Ngayon ay patungo na ako sa nagmamagandang office ni Mam Cruz. Sana ay nandoon siya para naman maibalita ko na ang tungkol doon at para makapagpaalam na din. Nasa ulap pa rin talaga ang pakiramdam ko sa tuwing iniisip ko ang isang bagay na pwedeng makapagbago ng aking kinabukasan. Chos! Haha. Excited na talaga ako! Naibalita ko na rin pala kay bff at as usual eh nagtititili ang bruha. Papagawa daw sya ng tarpaulin dun sa dati kong eskwelahan. Speaking of bff, hindi ko ata nakikita pa hanggang ngayon yung bago kong bff na si Carla. Hmmm…
“Good Afternoon po Ms. Cruz! Magandang buhay!” masigla kong bati sabay ngiti kay Mam pagkapasok ko sa office nya. Buti wala dito yung bakulaw para payapa ang daigdig.
“What’s with the interesting greetings Pete?” nakangiti ding tugon sa akin ni Ms. Cruz na napatigil sa ginagawa nya. Umupo ako sa may malapit sa table niya matapos kong mailapag ang mga dala kong gamit. Sa medyo tagal ko na din dito ay naging kumportable na ako kay Ms. Cruz.
“Uhm, Ma’am napili po pala ako ng Arts Department na mag-represent ng school sa Busan Music Fest sa susunod na buwan” ang agaran kong sagot sa kanya. Napabuka ng malaki ang mga mata ni Ms. Cruz na parang na-amaze sa sinabi ko. Hindi ata makapaniwala. At yun nga’t pinagchika nya ako nang buo daw dapat ang detalye dahil parang mas naexcite pa sya kesa sa akin. Hehe.
Ilang minuto din na nag-uusap kami ni Ms. Samantha nung biglang bumukas ang pinto. Nandito nanaman siya! Wag nya lang sisirain nang tuluyan ang araw ko. Hindi naman siya umimik at saglit lang na tumingin sa amin ni Ms. Cruz. Dumiretso siya dun sa naiwan nya atang tinatrabaho kahapon at nagpatuloy na.
BINABASA MO ANG
The Barrio Gay (Now Published under LLP)
HumorPaano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx