A day at the Guild

15K 460 13
                                    

                Isang super init na umaga sa Guild University. Lahat ng estudyanteng nakikita ko ay nasa labas para magpahangin. Narito ako ngayon sa may tabi ng malaking fountain. Marami din ang tumatambay pero nandito ako actually para magbasa ng libro. Syempre good student at scholar pa. (chos!) Wala pa naman nangbubwisit ng araw ko kaya keri pa naman. Sana wala nang mag-attempt kasi sasakalin ko talaga.

                Maya-maya pa ay nakaramdam ako na parang may tumititig sa akin kaya nadako ang tingin ko dun sa may mga bench malapit sa mga malalaking puno. At yun nga’t nahagip ng mata ko si Miguel. Pero nakatingin naman sya sa malayo. Hmmm… Namamalikmata lang siguro ako kanina na ako yung tinitingnan nya. Hay! Gusto ko sana sya kausapin tungkol dun sa nakita ko sa hospital at kung siya nga iyon ay ano nanaman ang gagawin nya sa pinto ng kwarto. Tiningnan ko lamang siya nang diretso habang iniisip ito. Nagtama ang mga mata namin na ikinabigla namin pareho. Pero di pa rin ako nag-iwas ng tingin at kumaway sa kanya.

                Naglakad na ako papunta sa kanya. Ngumiti naman siya ng pilit. Nang marating ko kung nasaan sya ay napatid ako ng isang batong nakaharang sa dinaanan ko kaya muntik na akong matumba. Buti nalang kamo ay nasalo nya ako. Naging awkward nanaman ang moment. Ano ba to! Mapapahiya ako sa harap pa ng gwapo. Nakakawala ng poise.

                “Dahan-dahan kasi” anas niya.

                “S-sorry… di ko nakita…”

                “Hindi mo makikita kung hindi mo titingnan…” Eh? Ano daw?

                “H-ha?”

                “W-wala naman…” tapos ngumisi lamang sya. Naupo na kami pareho. Pero tahimik sya kaya nanibago ako. Nung unang kita kasi namin eh ang ingay-ingay naman nya.

                “Bakit nandito ka pala sa Arts Department? Wala ba kayong pasok?” tanong ko. Pero nagkaroon muna ng katahimikan bago siya sumagot ulit. Parang ang layo ng iniisip nya. Para ding naaasiwa sya sa akin kasi di sya makatingin. Problema ng lalaking ito? “H-hello? May kausap ba ako?”

                “h-huh? Ah, uhm, nothing… gusto ko lang dito palaging magtambay. Atsaka diba mainit kaya dito ko gusto pumunta sa mahangin…” anito. At tumango-tango naman ako. Ang tipid naman nya ngayon.

                “uhm, may gusto lang sana akong itanong saiyo Miguel” sabi ko pero bigla syang tumingin sa akin. Ewan pero parang ang tingin nya eh yung hindi makapaniwala. Luh! Ano naman kaya yun? naweweirduhan ako sa lalaking ito na talaga.

                “Wait, you know my name?” ay shemay! Kaya naman pala. Di ko pa pala nasabi sa kaniya ang tungkol dun. Hehe. Eh para lang kaming mga tungek kasi maging ako man ay di nya kilala. Nag-usap na kami nyan at nilibre nya pa ako noon pero di parin kami magkakilala. Kakaloka!

                “ah-eh oo naman… nasa ID mo kaya...” hay! Buti may suot sya ngayon. Lusot! Haha.

                “andaya naman…” ang sabi nya ng mahina. Hindi ko narinig. Pero tumawa sya bigla. Napansin kong nakatingin sya sa ID ko.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon