Under his confusion, still, Jason just followed the aptly gay who is now running towards a big wooden closed door after getting off the car. Nabahala kasi ito sapagkat bigla-bigla nalang bumababa. He observed that Pete is looking for something when he got to touch that huge door of a somewhat big enclosed or walled outdoor area na luma na din. Para itong bakanteng lote sa loob at halatang di na pinupuntahan dahil abandonado talaga. Sinilip-silip pa ng beki yung loob nito. Napailing nalang si Jason na tila naguguluhan pa din sa ating bidang beki.
“Sino kayang bantay dito? Hmmm…” bigla nitong sabi while holding the giant padlock securing the door or gate.
“Hey, alis na tayo dito! Ano bang gagawin mo dyan?” pagtataka ng binata.
“Pakialam mo ba? Eh gusto kong makapasok eh… Tumahimik ka nalang dyan at tulungan mo akong maghanap ng paran para mabuksan to…. Um um ump!” pagtataray ni Peter sabay pukpok doon sa padlock na para namang posibleng maalis.
“Tch… can’t you see the sign in front of that door? It says ‘Private! Do not open!’… kaya wag ka nang magpumilit pa”
“Paano ko maiintindihan yan eh hindi naman ako Koreano! Care ko ba? Basta gusto ko makita yung loob!” pag-iinarte nito na umaastang bata. Napasama nanaman tuloy yung tingin sa kanya ni Jason. Pero may nakita itong dumaan na korean na parang matanda na.
“Uy Jason, kausapin mo na si manong kalbo kung paano tayo makakapasok dyan!” pag-uutos nito habang sinisiko yung gilid ni Jason after he pointed towards the walking old man on the street na nakatingins sa kanila. Desperada na talaga si Pete na pasukin iyong nakasarang lugar na iyon. Nairita man ay sinunod nalang ng binata ang utos nito. Para namang kuminang bigla yung mata ni Pete.
Matapos kausapin ni Jason ang lalaki ay sinabi nito kay Pete na wala naman na daw nagmamay-ari nung lugar na iyon kaya pwede nang pasukin. Yun nga lang eh mahirap mabuksan dahil naka-padlock nga. Kaya nag-isip agad ng paraan ang dalawa kung paano naman nila masisira iyon.
“Kunin mo na yung malaking bato! Dali na! Tapos pukpukin mo hanggang sa masira”
“Ayoko! Ikaw nalang…”
“Eeeehhhh… dali na! Para to sa video natin! Pleaaaassseee!!!” anito na parang bata na hinihila pa yung shirt ni Jason.
“Tch! Kung di lang—“ ani Jason naman. Tapos binuhat na yung malaking bato na gagamitin nilang panira dun sa lock ng pinto.
“Ano yung sinabi mo? Hindi ko narinig!” pangungulit nito dahil hindi na nya narinig talaga yung huling sinabi ni Jason. Pero ini-snob na lang siya ng binata. “…tse! Bahala ka nga dyan! Basta buksan mo na! Bilis na!”
Nahirapan ang lalaking kasama niya na magbuhat nung bato para masira yung padlock pero natagalan bago nito mabuksan. Samantalang busy naman sa pagsilip sa loob at sa pagtingin-tingin nito sa paligid. Nung tuluyan na ngang masira ang padlock at nung akmang aalisin na ni Jason yung pagkakatali ng chains na nakapulupot doon ay saktong bumukas naman yung pintuan na nahanap at hawak na ni Pete. Nanlaki ang mata ng binata at napahilamos ng kanyang mukhang dahil sa napansin niya. Natawa naman na parang nakakaloko ang beki nang madiskubre niya na may maliit naman palang pintuan doon sa may bandang gilid nung gate. Inis na inis tuloy si Jason to know na mayroon naman palang madaling paraan para makapasok. Naghirap pa siya tuloy kakabuhat nung malaking bato. Sinundan nya ang beki dahil nanahimik ito nung nakapasok na sa loob. Nag-alala tuloy siya.
BINABASA MO ANG
The Barrio Gay (Now Published under LLP)
HumorPaano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx