Hello Korea!

14.9K 525 21
                                    

                Alas singko palang ng umaga ay nakatulala na ako sa kisame na nakangiti. Gising na gising na ang diwa ko para sa mga mangyayari mamaya pagdating namin sa isa sa pinapangarap ko lang na mapuntahan. Kumusta kaya dun? Naku naman! Makakakita na ako napakaraming koreano! Whooot! Haha. Sa totoo lang po eh di naman naging maayos talaga ang tulog ko mula pa kagabi. Mas excited pa kasi yung katawan ko eh. Kaya yung kaluluwa ko nakikisabay.

                Kaya naman nag-inat na ako at naupo sa aking kama sabay titig sa mga bagahe ko. Naayos ko na rin ito kagabi. Nagawa ko na rin ang mga dapat gawin sa mga maiiwan kong trabaho kay Ma’am pati yung mga professor’s permit na pinaasikaso ko na rin sa kanya. Nagpaalam na rin ako kay boss doon sa coffee shop. Pinagkaisahan pa nga akong pagtripan nung mga kasamahan ko lalo si bryan. Magpepetisyon daw sila kay manager para hindi raw ako makaalis. Mga baliw!

                Mamayang alas diyes pa naman yung flight namin pero hindi naman siguro masama kung maghanda na ako nung susuotin at mga gamit ko. Wala tuloy akong gana kumain dahil sa sobrang nararamdamang excitement. Chos!

                Habang naghahanda nung almusal ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kumaripas ako ng takbo papuntang kama kung saan ito nakalagay dahil baka tumatawag na si Ms. Smith na hindi makakasama sa amin dahil sa mga bagay-bagay at sa trabaho niya. Pero nabigla ako na unknown number ang tumatawag. Sino naman kaya ito?

                “Hello? Sino po ito” pambungad ko. Medyo pacute ako. Kasi naman baka si fafa Gerald na itong tumatawag. Mahirap na. Haha. Landeee!!!

                [Tch! Arte! Don’t be late, susunduin kita kung nasaan ka man later… Hindi daw makakasama si coach, may emergency daw sa bahay nila kaya ako na muna yung guardian ng trip natin] sunod-sunod nyang sabi. Haist! Akala ko naman kung sino. Bakulaw lang palang may hikaw sa ilong! Pero joke lang!

                “O siya, sige po boss (*sarcasm)!, may sasabihin ka pa po?”

                [Tss… wala na!] mahina nyang tugon sabay putol nung tawag. Ambastos talaga nitong halimaw na ito! Meron ata. Tsk! Kaya naman pinagpatuloy ko na iyong pagluluto ko nung agahan ko. Inistorbo pa ako! Bwisit! Siya nga pala yung kasama ko lang… Medyo nawala yung pagka-excited ko. Kamusta naman kaya yung mga araw ko dun kasama sya? Ah basta! Magiging professional na lang ako sa pakikisama sa kanya. Hindi naman na sya katulad nung dati na parang palaging mananakit.

                Tumunog nanaman muli yung cellphone ko sa kalagitnaan nung pagkain ko. Sinagot ko agad. Hindi ko na tiningnan kung sino.

                “Ano naman ba ang kailangan  mo ha?” singhal ko. Alam ko nanaman kasi kung sino to.

                [Anong kinasasama ba ng loob mo mare’t naninigaw ka dyan!?]

                0_0 Hanla! Si BFF pala!

                “Ay sorry mare! Naku! Mainit lang ulo ko sa isang bakulaw na tumawag kanina… Sorry talaga!” paglambing ko sa kanya. Hindi naman ako matitiis niyan eh.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon