The Chase

12.6K 420 32
                                    

                The three ladies were talking something against someone in an expensive coffee shop. They’re now serious about this one at halos lahat ay tahimik na kumakain.

                “So, dear, are you really sure about this plan sa froglet na yun?” tanong ng maarteng babae na nasa harapan ngayon ni Liza Vermida. In her side naman ay isa pang sosyalerang babae. They’re one of the famous groups at school and no one dares to cross their ways dahil sa attitude nila. Palibahasa’y sanay ang tatlong ito sa karangyaan kaya nakakaya nilang i-bully lahat ng hindi nila gusto sa GU.

                “I’ll show him what a Liza Vermida can do, he’s crossing my way kaya he needs to get out of my sight!” ang matigas na saad ng dalaga na ngayon ay nakataas ang kilay na nakatitig lang sa cellphone niya. “…actually, I’m mailing my auntie to do something about this” napataas naman ang kilay ni Jyka Ruiz, isang member ng pixies na tawag sa kanila ng karamihan.

                “Sweetie… Are you doubting Liza’s connections?” saad ng kasama nilang kilala ring estudyante na si Louise Fernan. Sabay nilang tiningnan si Jyka na ngayon ay nagkibit-balikat nalang.

                They’re busy talking that they missed seeing Pete na naglalakad na papunta kung saan.

---

                Haaaaayyy! Nag-uumapoy naman ang init ng araw na ito. Parang konti nalang eh maluluto na ako ng buhay sa sobrang init. Pinapatunayan nga nito na ang bansang Pilipinas ay isang napakalaking oven. Saan ba ako papunta ngayon? Hindi ko din alam eh atsaka para kasing feel ko lang talaga magbilad. Chos! Gusto ko kasing magbakasakaling bumalik doon sa pinuntahan namin ni Miguel kahapon para man lang makita kung nandoon nanaman ang bakulaw na hindi talaga sa akin nagpapakita ng ilang araw na. Ano naman kaya kasing problema nun at bigla-bigla nalang di magpaparamdam. Naiinis ako sa sarili ko na naiinis ako sa kakaisip sa halimaw na yun. Ay ewan!

                Umabot na ako dito sa labas nung kainan pero wala akong natatanaw na Jason Don. Puro alien na mga estudyante lang ng GU yung mga nandito. Nakatingin pa nga sila sa akin. Nakilala siguro ako kaya naman bigla nalang akong yumuko at pinaharap yung sumbrero kong suot. Ito na nga ba ang problema sa marami nang nakakakilala sa akin. Hindi kasi ako sanay at mas okay pa siguro yung tulad nung dati na walang tumitingin sa akin. Mas mapayapa ang daigdig ko.

                Naglakad nalang tuloy ako paalis. Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad na pang-Ms. Universe ay napansin ko ang hugis ng isang bakulaw na mapepektusan ko na. May kausap siyang isang baklang iba ang titig sa kanya. May balabal pa sa leeg. Ang arte pa. Nagiging stalker na ata ako dito. Automatic kasing napatago ako sa may maliliit na halaman malapit sa akin para mas matingnan sila. Sino naman kaya iyon? At kailan ka pa naging iteresado sa mga nakapaligid sa kanya Pete?

                Maya-maya ay pumasok na sila sa parang maliit na opisina na may mga disenyo ng mga pangkasal na mga chuverlu. Basta yun na yun. Kaya naman napanganga na ako sabay taas kilay. Bigla naman nag-iba ang timpla ko at matamlay na lamang na naglakad palayo doon. Hinayaan ko na din kung may mga sumabit mang dahon sa buhok ko na marahil ay meron nga kasi lahat ng makakasalubong ko eh iba ang tingin sa akin. Bahala sila dyan, basta naiinis ako! NAIINIS AKOOOOO!

                Pagkabalik ko sa eskuwelahan ay sinasabayan ng ulan yung pagdadrama ko. Nakikisama talaga po ano? Yan tayo eh. Kinuha ko na ang payong ko at madamdaming tinahak ang napakalawak na lupain ng Guild University. Panay naman ang ngiti sa akin ng mga nakakasalubong ko. Hindi ba sila nangangawit sa ganyang kaplastikan? Naupo ako saglit sa may malapit sa fountain slash tambayan ng mga balaruhang estudyanteng kulang nalang eh gawin itong motel sa lahad na paglalandian. Maghuhulog na sana ako ng piso sabay magwiwish nung biglang tumunog yung cellphone ko na napakaeskandalosa sa ingay. Napatingin naman sakin yung mga nasa malapit sa akin. Si BFF ang tumatawag kaya naman sinagot ko agad. Namiss ko itong chakang ito.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon