The Barrio and his life

32.4K 676 31
                                    

***

                “The view of the scape is fascinating with a literal concrete jungle embracing man-made forestry and colourful landscapes. There are little restaurants along the big hallways of Guild University that serves as the pleasure hub of students against the pressure of academic life. Technology in this school is a common thing whereas almost 90% of the collegiate body is just carrying handy electronic notebooks in their back---”

 

                “PEDROOOOOOO!!!!”                                                                                    

                “Waaah! Hala! Hala nalaglag!” Nagmamadali akong bumaba sa matubig na palayan. Wala na akong choice kundi magtampisaw sa putik makuha ko lang yung…

“Waaah! Nasan na ba yun?” Hinalukay ko lang ang kulay chocolate na putik para hanapin yung kanina ko pang hawak na cellphone ng kaibigan ko. Haist! Pano na to? Wala akong pambayad nun kung masira. Si inay kasi eh. Nabigla ako sa boses nyang pang asia’s songbird sa tinis.

“PEDROOOOOO NASAN KA NA BAAA?!?” Haist! Ayan nanaman sya. Natataranta na tuloy ako.

“ANDITO LANG PO AKO INAY! HINTAY LANG PO!” Pasensya na kayo ah. Sanay lang kasi kami sa ganitong sigawan. Masyado kasing malawak ang bukirin kaya hindi kami magkakarinigan ng kung sino ang tao sa dulo. Haist! Asan na ba yun? Kinapa-kapa ko pa yung kaputikan. Natanaw ko naman ang parating na si inay. Hindi pwede ito! Diyusko!

Natuwa ako nung may nakapa ako. Nakangiti na sana ako nang…

0_0

Nahagis ko yung palaka na nasa kamay ko. Haist! Nasan ka na ba?

“Pedro, anu ba yang hinahanap mo dyan at hanggang ngayon eh nandito ka pang bata ka? Diyaske! Kanina ka pa naming hinahanap ng kapatid mo! Ang itay mo nag-aaalala na” Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala ang nakapameywang na si inay. Pero nakayuko parin ako. Kailangan ko kasi mahanap yung cellphone ng kaibigan ko’t mananagot ako kung di ko na maibalik. Baka nga nasira ko pa yun.

“Nahulog ko po kasi inay yung cellphone ni Cory eh.” Ang maluha-luha ko pang sagot habang kinakapa ko pa rin kung nasaan ito.

“HA? Hay diyuskupu kang bata ka! Ano nanaman kasing pinapanood mo’t hiram ka nanaman nang hiram ng selpon sa kaibigan mo??” Nakisali na rin si inay sa pagkapa sa putikan at natataranta na rin. Naiinitindihan ko na nag-aalala syang masira ko ito dahil sa wala naman kaming pambayad.

“Waaaaaahhh!! Yes!” (with matching tears of joy) Bigla kong nahalikan nang maiahon ko ang cellphone ni Cory at  tuwang tuwa na lumundag-lundag kami ni inay na parang nakakuha ng isang milyon sa lotto. At…

 “Pweh! Pweh!”

-_-

Bigla ko ring narealize na galing pala to sa putikan. Bwisit!

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon