The Gay + The Guy = WAR

13.9K 490 15
                                    

                Tulad kanina, di ko rin ulit nahanap agad itong room namin na nasa Engineering building pala. Nebeyenemen! Kaya ang lola nyo ay pawisan na. Ang laki naman kasi talaga ng school na ito. Nahiya tuloy yung mga bukirin sa bayan namin. Buti may 10 minutes pa ako bago dumating ang prof dito.

                0_0

                Anu ba to? Ba’t parang, isa, dalawa, tatlo at pang-apat ako, lang ang babae dito? (Assumera!) Puro boys ang tao sa room. Don’t tell me ganito ang magiging ayos palagi ng Math Classes ko? Haist ulit! Ba’t di ko naisip na pag ganito ang subject ay mas marami talaga ang Engineering students na kalahatan eh mga lalaki ang kumukuha? Lahat sila nakatingin sa akin ngayon pagkapasok na pagkapasok ko. Yung iba nakanganga. Napalunok ako ng laway sa sandaling iyon. Ah ewan! Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila. Naghanap ako ng bakanteng upuan sa may dulo kasi parang wala silang plano magpatabi. Pagkaupo ko may mga nagtawanan. Hay! Andyan nanaman ang mga bully na hindi mawala-mawala sa normalidad ng mundo! Inasahan ko na ang mga ganoong reaksyon mula sa kanila.

                “Naku…lagot yan mamaya kay pareng Jason pagdating dito sa room… manggagalaiti yun panigurado at may bago tayong prinsesa dito…hahaha”

 

                Narinig ko yan sa may bandang likuran ko. So ibig sabihin pala, kaklase ko ang halimaw na yun. Biglang gumana ang pagkadem*nyo ko dahil sa galit at gigil! Siguro kasing pangit ng ugali nya ang mukha nya. Andaming alam na sama ng loob sa mga beki. Nagmana nga siguro sa sama ng loob. Hmmmm… Makapag-isip na nga lang ng pambungad na pasada bago pa ako maunahan. At dahil kahit na hindi ako pasaway talaga pero marunong naman akong tapatan ang pantitrip ng mga bully, gagamitin ko ang natitira kong pitong minuto para maghanda. Hindi yata ako ang tulad nilang mga beki na basta-basta nalang titiklop.

                Maya-maya pa umayos na ulit ako ng upo. At nagbasa ng libro. Pumasok na din ang professor naming lalaki na medyo matanda na. Bakit parang lahat ata ng prof dito eh istrikto kahit matanda na? Haist! Baka mamaya ako nanaman ang…

                “Hey, you Ms. Brown hair!” sabi na nga ba! Sinabi ko na kasi sayo Pedro Santos de Jesus eh! Tungunu! Atsaka napasin naman agad ni tanda yung napakaganda kong buhok.

                “Yes sir?” ang nakangiti kong tugon.

                “On the next meeting, I would not want to see your brown hair and your contact lenses” 0_0 yung totoo?

                “Ah..sir, th-this is natural po…” ang medyo may pag-aalangan kong sagot dito pero lahat sila tumawa lang. (-_-) Ang hirap naman nito. Alam ko na dapat na ganito ka-OA ang mga magiging reaksyon nila. Kaya naman kinuha ko ang CERTIFICATION OF DISTINGUISHING FEATURES mula sa bag ko dahil na rin handa ako sa mga ganitong sitwasyon. Pinagawa ko pa to kay Ms. Cruz at may pirma ng Admin. Kaya naman pinakita ko ito kay Professor Dimakula (ambantot ng namesung! haha) na kinatahimik naman nya. Maya-maya may bulung-bulungan na naman sa room. Yung totoo? Mga lalaki ba talaga sila? Ba’t ang tsitsismoso?

                Naupo nalang ako ulit at nagsimula na nga ang aming lesson. Nagpasalamat naman ako dahil hindi na ako inabala pa ni ‘Dimakula’ (kaya mabantot dahil ‘di makula’ ang mga damit! Haha! Charot! Boom!) na yun nga magpa…

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon