The Shoot

13K 432 18
                                    

Pete discussed the storyline to Carmela while the other crew members prepare the lights and the cameras. They started to shoot some of the video parts with having the unfixed and rustic flocks of rides as background for scenes of the couple character running together happily. Pete wanted them to act as if they were having the most joyous time of their lives together in an abandoned and lone carnival that looks very sad and miserable. He wanted to show the audience the irony that the specific scene would convey. He wanted it to look weird and unusual. The gay man is serious from the time they started at walang nangangahas na kausapin siya while on the set, even Jason na busy naman guiding his cameramen with the angles and the shots to be taken. He demanded the staff to be emotionally inclined to the project. They even started with a reflection session that is rare before any shooting. Kinunan nila iyon ng medyo hapon na kaya naman halata sa face ng beki ang stress. Pero talagang pursigido siyang matapos ang kailangan maishoot this time of the day.

A bit later, he instructed everyone to have a semi wrap-up. Now, he told the crew to look for a ‘manhole’ near the area to shoot the frames for the intro part of the music video. Si Jason ay nagtitimpi nalang sa mga utos ni Pete kaya sumunod na lamang siya.

“We don’t have much time so we have to take advantage of this night to shoot the first scene. Who knows? It might rain tomorrow or on the next days. Just freshen up Carmela and Nick’s make-up…” Pete said to everyone and they hid a silent but heavy sigh. They all followed and helped each one to prepare the set and the artists. When it all ended, Pete called it a day. Lahat naman sila ay nakahinga na. Nagmadali pang umuwi ang iba since maaga nanaman sila bukas.

“Baka naman nagbibiro ka lang at gusto mo na talagang tapusin lahat ngayong araw?” pabirong sabi ni Jason nung makalapit na ito sa naglalakad na si Pete na malalim ang iniisip. Tumigil ito at tumingin sa kanya. Kumurap-kurap naman ang binata na hinihintay ang susunod na gagawin at sasabihin ng beki na tila galit na. Pero nabigla siya nung huminga lang ito ng malalim at naglakad nang muli. Hindi na ito nagsalita. Maybe a sign of tiredness. He walked lazily to the shuttle.

Narating na nila ang kanilang resort-hotel at dumiretso ito sa banyo para magbihis. Si Jason naman sumalampak agad-agad sa kama. Nung makalabas na ang beki na nakashorts at simple v-neck shirt ay dumiretso naman ito sa pinto at lumabas.

“Saan nanaman pupunta yun?” tanong ni Jason sa sarili. Hindi man lang kasi ito nagsabi sa kanya o di man lang siya pinansin nito.

The very reason why Pete left the hotel ay yung pagpunta niya sa malapit na beach dito. Songdo Beach is famous in Busan pero para kay Pete ay dagat din ito na maalat ang tubig. Napakahilig niya sa Dagat. Dahil na rin siguro sa dito siya nanggaling. Kasalukuyan siyang naglalakad sa dalampasigan habang mahinang hinahampas ng maliliit na alon sa tabing-dagat ang kanyang paa. May mga pumasok sa isip niya. ‘Paano kaya ako dinala ng tubig dagat papunta sa mahal kong pamilya?’, ‘hinahanap kaya nila ako?’, ‘sino kaya sila?’, ‘buhay pa kaya sila ngayon?’. Bigla na lamang pumatak ang luha niya ng di nya namamalayan.

“Ayos na ako eh, wala naman talaga akong pakialam diba dahil may isang pamilya na mahal na mahal ako...pero bakit ganito?” malungkot niyang sabi sa kawalan. Kabaligtaran ito sa saya ng mga taong nagsasayawan sa tabing dagat na natatanaw niya sa dulong bahagi ng beach. Tuluyan na siyang nilamon ng lungkot sa dibdib kaya napaluhod na lamang siya sa buhanginan at pumakawala ng mabigat na pag-iyak. Nais nyang mailabas lahat ng dinadala niya sa kanyang dibdib. Maya-maya pa may narinig siyang naglalakad patungo sa kanya. Tumigil siya at agad na pinunasan ang luha at lumingon sa likod niya kung saan naroon at nakatayo ang gwapong partner niya na nakapamulsa. Pete tried to sound fine.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon