Nagising ako sa isang tulo ng likido mula sa puno papunta sa may pisngi ko. Diba nga kasi nakatulog ako dito sa bench kanina. Naistorbo ang napakaganda kong tulog. Kainis! Hinaplos ko ang mukha ko para alamin kung ano yung bumasa sa akin galing sa puno. At sana pala ay di ko nalang ginawa dahil nainis lang ako lalo! Hmmp! Mga buwisit na butiki! Ginawa pang inidoro tong napakaganda kong mukha. Ambaho pa naman!
Bumangon na ako at tiningnan ang relo ko. Hala! 5 minutes nalang pala at time na. Pasalamat din pala ako sa mga butiking iyon. Nanakbo na ako papunta dun sa building kung saan ako scheduled ngayong hapon. Habang naglalakad ng mabilis at paminsan-minsang takbo ay may nahagip ang mata ko sa may covered ramp. Si Miguel pala. Ang gwapo rin naman pala ng isang ito lalo pag maliwanag. Naku! Ayan ka nanaman Pete sa landi mo. Nakapagtransfer ka lang eh humaharot ka na.
Pero parang mainit ang ulo niya ngayon at tila seryoso at galit na naglalakad na kahit sino pang mabunggo niya ay wala siyang pakialam. Sinundan ko lang ng tingin ang dinadaanan nya nang bigla syang mapalingon sa may banda sa akin. Agad naman akong tumago dito sa may katabi kong puno. Ayoko kasi na makita nya ako’t mapagbuntungan ng galit nya sa ngayon. Atsaka hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya.
Nang alam kong nakaalis na sya ay tumakbo na ulit ako papunta sa susunod kong subject. Narating ko din sa wakas itong room namin. Buti at medyo madali syang mahanap. Dalawang subjects nalang at matatapos na itong pamamalagi ko sa nakakasuffocate na paligid.
Pagkatapos ng dalawang klase ko ay papunta na ako ngayon sa Professors’ Hall dun sa Administrative compound para puntahan si Prof. Cruz na alam kong naghihintay na sa akin doon sa office nya. Oras na kasi ng duty ko. Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas ay medyo makakaalis na ako sa mundo ng mga abnormal na mga mayayamang nilalang. Pahinga muna sa mga bully. Mas okay nga siguro na palaging oras na lamang ng duty ko palagi. Pero hindi naman pwede iyon. Hehe.
Nang marating ko ang sarili nyang office ay napahanga ako sa itsura nito mula sa labas at sa loob. Artistic person talaga si Ms. Cruz dahil napakataas ng taste nya sa style and design. Intricate at detalyado ang mga magaganda nyang displays. Naabutan ko siya na abala sa may computer nya. Napansin naman niya ako nung nakaupo na ako sa isang maliit na sofa set dito sa loob. Napakakomportable at malamig dahil sa aircon. Dapat pala dinala ko yung jacket ko at baka di ko kayanin yung lamig dito. Si Ms. Cruz naman ay tila sanay na sa lamig kasi nakasleeveless pa siya sa lagay ng temperatura dito.
“Buti di ka nahirapan hanapin itong Hall…” ang agad niyang tanong habang abala pa rin sa pagpindot.
“Ah… Opo, may mapa po kasi ako ng school…” at ipinakita ko ito sa kanya. “…ngumisi naman siya ng matipid”
“Anyways, how was your first day? Well? Good? Worst?” ang tuluy-tuloy nyang tanong at tumayo na nga siya para pumunta sa may mesa na may mga nakalagay na muebles ata. Kumuha siya ng tila lalagyan ng kape at naglagay sa dalawang tasa. Dinala niya ito sa mesa ng sofa kung saan ako nauupo at ibinigay nya sa akin ang isa tsaka sya humigop.
“Salamat Ms. Samantha… Uhm, medyo okay naman po ang first day ko dito. Medyo nanibago lang po talaga ako.” Ang nahihiya kong sagot sa tanong niya kanina. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya talaga ako sa kanya kasi parang ang behave nya masyado at halatang mataas ang katungkulan dito sa school. Buti na lamang talaga at ubod ng bait itong si Ms. Cruz. Hindi katulad ng ibang instructors na parang bitter sa kung anu man ang kinapapaitan nila.
“Oh…Just call me sam, Pete kasi masyadong oldie ang Samantha. Anyways, It’s okay to feel that way especially when you are in a new environment… Nakakapagtaka naman ata if agad-agad eh nakapag-adjust diba…” nahiya nanaman ulit ako dun. Tama nga naman siya. Napakamot naman ako ng ulo na tila kanina pa kinukuto. “…Just tell me about the bullies… well kasi naman mostly yung students dito eh natural na bullies…” Hay naku mam! Sinabi mo pa!
BINABASA MO ANG
The Barrio Gay (Now Published under LLP)
HumorPaano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx