Pete’s…
Haaay! Marami na din akong nagawa ngayong araw at halos malunod na ako sa sarili kong pawis. Bumawi kasi ako sa trabaho sa coffee shop nung vacant time ko since nawala akong halos tatlong araw. Pero sulit naman dahil sa mga nangyari kanina.
“Oh pete!...” ang pagkabigla ng isa sa mga katrabaho ko at halos lahat ng mga tingin nila ay napako sa akin nung pumasok ako ng hindi regular na oras. Makikita sa mga mata nila ang pagtataka at pag-aalala. Hindi ko alam kung bakit.
“Makatingin naman po kayo…hehe Ayos lang po ako at di ako nakatira ng iniisip nyong tinira ko” biro ko. Ang seryoso kasi.
“musta ka na pete?” ani manager na lumapit pa sa akin at wari’y ininspekyon pa ako ulo hanggang paa.
“Ayos naman po ako sir… bakit po?” ang weird nila.
“Ah wala naman pete… baka namiss ka lang namin… hehe” sabi nito sabay tapon ng isang nakakainlove na ngiti. Wafu wafu talaga nitong si Sir. Hihi. Napalitan ng tawanan ang kanina’y tahimik na shop nung magsimula na akong mangulit ulit. Lahat pinupuntahan ko sa mga station nila. Pero may isa ata dito na hindi ako pinapansin. Hmmmm?
“Uy, bryan honeybunch!...” yan yung tawag ko na ngayon sa kanya simula nung palagi ko na syang pinagtitripan. Haha. Uy! Napag-utusan lang kasi ako nitong mga malanditera kong mga katrabaho. Kaya ayan. Mana-mana lang kumbaga. “… kumusta ka naman at parang wala ka sa mood ngayon? Mas masungit ka pa sa tatlong babaeng may regla na may sago-sago ah!” tukso ko dito. Ngunit inirapan lamang ako nito. Aba aba! “…Naku, naku Bryan ah! Wag mo akong pairalan nyang pagtaas mo ng kilay”
“Naku baka nagtatampo lang yan si fafa bryan mo…” ang sigaw na singit ni Mommy Agnes na pinakamatanda sa grupo. Haha. Tampo naman saan? At sakin? Luh!
“Eh? Bakit naman daw?” ang pagtataka ko.
“Hmf…” ang matipid nyang turan. Sinusubukan ako ng lalaking to ah. Masubukan ngang kilitiin ito. Pero iba ang nangyari at pinagsisihan kong di ko na sana kinulit ito. Nung akmang kikilitiin ko na sana siya dito sa may bandang tiyan nya ay iba ang nahawakan ko. Kaming dalawa ay napa…
0_0 pareho. Haist! Haist! Haist! Ano ba yun? Bigla ko naman inalis ang dalawang daliri ko doon na tila tumagal pa ng limang segundo. Makasalanang kamay! Puputulin kita!
“Hahahaha nakita ko yun pete! Kayo ha…” ang panunukso ni Kuya emong na ngayon pala ay medyo malapit sa akin. Bigla ata ako namula kasi biglang uminit ang mukha ko. Dahil napahiya ako ay bumalik ang pagkatahimik ko. Nagtawanan naman silang lahat nung pinagkakalat na ni Kuya emong yung nangyari.
“Kuya naman eh!” napipikon kong sigaw. Pero mas lalo dumagundong ang tawanan nila.
BINABASA MO ANG
The Barrio Gay (Now Published under LLP)
HumorPaano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx