"Hoy mare! Kako eh baka magising ka nalang mamaya dito eh wala nang tao! Kaloka! Bigla-bigla ka nalang talaga natutulala diyan? Malala na yan ah..." paggising ng diwa ko ng aking ever mahaderang bff. Sinimangutan ko lamang siya na abalang kumakain ng french fries na lasang burger. Kaloka din itong canteen namin dito sa SFCC.
"Ano na nga ulit yung sinasabi mong chika mo sa akin kanina?" anas ko dahil sa pambibitin niya kanina. Andaming alam na pa-suspense. Pero nagulat ako sa pagkakilig niya na super OA. "...Oy ah! Naku! Naku ka! Umayos ka!"
"Iiiiiihhhhh! Kase! Hihihi..." Luh! Kaloka talaga ang topak nito minsan kaya binato ko ng tissue. Talande eh! "...aray naman friend! Hmmmm kinikilig kese eke... anyways, may nagtext kasi kanina sa akin na number lang... Tinanong ko kung sino siya, tapos... tapos.... Iiihhhhh! Aray!" ayun at binato ko na nung bote ng mineral water na hawak ko. Medyo sadista lang kaso kasi itong higad na to eh. Aba eh! Makate!
"My gad ka talaga! Ngayon ka pa talaga tumin-edyer ah! Maka PBB teens ka dyan akala mo naman bagay sayo... oh tapos?..." usisa ko din naman sa kanya.
"iiihhhh... tepes sebe niye, ara-ouch naman!..." binato ko ulit ng tissue.
"Ayusin mo kase!"
"hmmm... tapos, sabi niya 'August here, I'm still captivated by you so I searched for your number' and then may smiley pa... Iiiiihhhhhh!!!" (-_-) whew!
"yun lang eh halos mangisay ka na riyan? Naku ateng, wag kang padadala sa mga bira ng mga chicboy na ganyan! Sa una lang yan ganyan!" sabi ko naman na ikinasimangot niya. Hindi nalang din siya nagsalita pa at kinuha ang cellphone nya at nagtetext nanaman. Maya't maya eh bigla na lang siyang napapahiyaw sa kilig. Baliw eh! Sensya na kayo.
Maya-maya din eh yung cellphone ko naman yung tumunog. Napalingon kami pareho ni mareng coring sa screen nito. Tumatawag si Ms. Cruz? Bakit kaya? So sinagot ko na agad.
"Hello Ms. Cruz?"
[Pete! I'm so much excited to tell you this!]
"Po? Ano po yun?"
Ibinalita niya sa akin ang resulta ng pag-iimbestiga niya sa nangyari sa Korea. Nakakatuwa lang na tinotoo niya talaga ang pangako niyang alamin ang lahat. Pumunta pa talaga siya ng Korea at nakipagpulong sa board ng Busan Music Fest. Napag-alaman daw ng board na isang frame up sa amin ang nangyari.
Yung dahilan daw ng pagkadaya namin sa Team USA ay iyong notebook na nakita sa location shoot namin. Ipinangalandakan ng team US na sila ang nagmamay-ari nung notebook na iyon at matagal na daw nilang na-draft yung screenplay ng music video para sa song na na-assign sa amin at 'kinopya' lang daw namin ito. Kaya naman naging curious si Ms. Cruz sa 'notebook' na iyon. Kaya nagrequest siya na I-counter check iyon at sa kanyang pagkasurpresa ay nakilala niya ang sulat kamay ko.
Kaya naman kumuha siya ng sample ng handwriting ko at maswerte naman niyang nahanap ang aking isa pang notebook na ginagamit ko sa pagtatrabaho sa opisina niya. Inimbita niya ang lahat ng miyembro ng Team USA para macheck ang mga sulat kamay nito. Idinulog niya itong muli sa board at nagsagawa silang muli ng reinvestigation sa anomaly na ginawa daw ng Team Philippines.
Nang matapos ang hearing ay napag-alaman ng lahat na ang lahat ay isang malaking frame up. Dahil daw doon ay naitanghal kaming ulit na official winner ng kumpetisyon. Nakakatawa nga eh.
Halos hindi ko na matanggal ang cellphone ko sa aking tenga matapos ang balitang iyon. Hindi na rin ako nakapagsalita pa kaya naman takang-taka si Cory. Naging tahimik lamang ako hanggang makarating sa bahay. Ewan lang pero iba kasi ang naramdaman ko sa balita ni Ms. Cruz. Ayokong magalit pero hindi maiwasan ng puso ko. Kaya naman pinili ko nalang munang mapag-isa. Hindi na rin nagtanong pa sa akin sina inay nung nagkulong ako sa kwarto pagkauwi ko.
BINABASA MO ANG
The Barrio Gay (Now Published under LLP)
HumorPaano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx