Broken

12K 441 40
                                    

                Ako ang beki galing sa baryo na napunta sa city na ngayon ay tulala sa mga nangyayari’t nalaman. Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ng abno na Miguel na iyon sa likod ng puno kung saan ako nakatambay kanina. Akalain mong ang isang normal kong hapon ay mawiwindang sa mga narinig ko. Pambihira nemen! Nadagdagan tuloy yung mga iniisip ko sa ngayon. Nahihiya na tuloy ako sa kanya. Anu ba naman ito? Bakit kelangan may mga ganun pa? Kelan pa ba nya naramdaman yun? Bakit naman ako pa?

                Haist! Kung sabagay may mga hindi din naman ako naiintindihan sa nararamdaman ng sariling puso ko sa ngayon. Palagi ko kasing hanap ang bakulaw na iyon kahit wala namang mabigat na dahilan. Eh dati hindi ko naman kailangan na makita siya kahit na anino pa niya eh. Ano bang kulam ang ginamit niya sa akin? Lumingon-lingon ako sa paligid. Marami palang nakatingin sa akin. Nandito ako’t nagmemeryenda sa school cafeteria. Konti kasi ang tao dito kumpara sa mga restaurant dito sa GU. Haaay! Lilipas din ito alam ko. Sa ngayon lang eh hindi ko na muna kakausapin si Miguel. Kailangan ko ng oras para makapag-isip ng malinaw.

                Nang matapos ko ang sandwich tsaka juice ay naglakad na ako papuntang sunod na subject. Pero muntik na akong mapatid, madapa, at mamatay nung marinig ko nanaman ang aking maingay na telepono. Nanggugulat eh! Tapon ko na kaya ito? Pero joke lang.

                Isang hindi nakasave na number ang tumatawag na ikinataas ng kilay ko. Sinagot ko naman agad pero hindi ako umimik.

                [Hello! Good afternoon.. Is this Peter de Jesus of Guild University?] anito sa masayahing boses.

                “Ako nga po, bakit po? Anong kelangan nila?” tugon ko naman na ikinalingon ng mga estudyanteng nadaanan ko.

                [Uhm, I can’t understand what you are you’re saying… But, if you are Mr. de Jesus, I really would like to talk to you right now] ang masiglang sagot nito. Sino naman kaya ito? Wala naman akong natatandaang utang na di ko pa nababayaran. O baka naman magtitinda lang ng produkto kasi napakasaya ng tono niya. Pero wag ka! Spokening dollar si koyang.

                “I’m actually the person you’re looking for… What can I do for you?” sabi ko. Pang call center ang peg.

                [Hi Pete, sorry to interrupt what you’re doing right now, but I would like to offer you something… Uhm, I am Ricardo Winnick of GAZE Production, a partner of the biggest Recording Company in the world… we’re are based in Singapore] naplakda ako sa mga sinabi niya. Hindi ko kinaya!

                “Eh?” tangi kong sagot. Pasensya naman kasi, uso ang biglaan dito sa kwento eh.

                [I am offering you series of projects for different Foreign Artists. We have been looking for someone like you, actually, and when we attended the Busan Music Fest, we are really amazed by your work… that’s why my boss wants me to contact you immediately]

                Hanudawwwww? Parang hindi ko na talaga kinakaya ito! Tubig! Tubig po!

                “Uh-uhm… Hmmmmm” yun lang yung mga nailabas ng bibig ko sa sobrang shock sa mga narinig ko. Hindi naman po kasi ako prepared koyang!

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon