Lumipas ang dalawang araw pa ng nakakawindang na shooting na ito. Paiba-iba din ng lokasyon kaya laslas pulso talaga. Haggardo Versoza kung susumahin at laylay na ang dila ko sa mga kabaliwan kong pinaggagagawa sa mga eksena. Ba’t ba? Eh alam ko naman yung ginagawa ko eh.
Idagdag mo pa sa kastressan ang araw-araw na pang-aasar sa akin ng bakulaw. Bwisit! Hindi ko alam kung ano yung nainom o natira nya kung bakit parang nag-eenjoy siyang pagtripan ako ng paulit-ulit. Sinasadya pa nyang makipagladian sa haliparot na Koreanang yun sa harap ko.
Ngayon ay kinukunan namin sa isang studio ang eksena. Medyo nangailangan na kasi kami ng tulong ng teknolohiya dahil hindi na kaya ng natural na produksyon yung scene na magpapakita ng kabuuan ng Wonderland na nakabase sa konsepto ko. Oh diba! Ang arte lang! Sarap ko bang sabunutan? Hihi. Alam kong masyado ko na silang pinapahirapan pero sa tingin ko naman ay minsan lang ito mangyari kaya bonggang buhos ng pagod at pawis ang ibinibigay ko dito! Chos! Nahahalata ko pang grabe na ang pagod ni Carmela kaya mas lalo akong nag-eenjoy. Bwahahaha! Sadista?
“Okay! That’s a wrap! Thank you guys!” masigla kong sabi sa lahat matapos makunan ang eksenang yaon. Napakislot naman sa excitement at hinga ang karamihan dahil natapos na yung mga nakakahilong araw ng shooting namin. Nakipag-usap ako sa kanila at nagpasalamat din sa lahat-lahat ng naitulong nila. Personal ko din namang pinasalamatan si Carmela kahit medyo napaplastikan ako. At lalo naman kay fafa Nickhun ko na feeling ko na gusto na akong pakasalan. Chos!
“I really appreciate your cooperation… you are an excellent artist Nick! Goodluck to us!” nakangiti kong bati sa kanya nung nag-aayos na ang lahat at handa silang umalis kasabay ng manager niya.
“Oh, I am pleased to be working with you Pete… I can feel that we’re going to kill this!” tugon niya rin sa akin sabay balandra ng nakakahuramentado niyang ngiti. Emeged Telege! Halos hindi ko na siya mabitawan kasi ito na ata yung last day namin na magkasama. Pero bukas daw eh nandun siya sa awards. Napahaba pa yung pag-uusap namin.
“Hey! Hurry up! Mag-eedit pa tayo mamaya! Tsss” alam niyo na po kung sino yang walang galang na yan. Pambihira talaga ang ugali ng halimaw na ito. Nakakawasak ng ugat. Badtrip siya? Ba? Mas badtrip ako!
Muli kaming nagkapaalamanan at kinuha din namin ang mga numero ng isa’t-isa dahil inanyayahan niya akong sumama sa ‘Party’ daw ng manager niya. Hindi naman ako makakaayaw. Alams na! Mahirap tumanggi sa gwapo. Chos!
At eto nanaman at kasabay kong naglalakad papunta sa kotse niya ang parang may reglang bakulaw. Sobra pa sa simangot yung ekspresyon ng mukha niya na hindi ko maistima. Ano nanaman kayang ikinapuputok ng popcorn nito? Bigla-bigla eh nababadtrip. Ilang porsyento na ba ang topak nito’t mapadala na nga sa loob.
Nagdadabog pa nga pero nakarelax lang ako’t baka ako ang mabulyawan. Parang nakakatakot pa naman siya ngayon. Papunta na kami ngayon sa hotel para makapananghalian dahil mamayang hapon ay gagawin na namin ang madugong final edting ng music video. Pero nasimulan nanaman na namin yung pag-edit kahapon pa. Yung natitirang scenes nalang yung mamaya. Sa byahe ay nakatulog ako pero naputol ito nung hindi magakandaugaga sa kakatunog ang cellphone. Tiningnan ko at umiba ang ekpresyon ng mukha ni Jason habang nakatingin lang sa daan. Seryosong tsismoso din ang isang ito.
BINABASA MO ANG
The Barrio Gay (Now Published under LLP)
HumorPaano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx