The Suspension

14K 441 7
                                    

                Nasa office kami ngayon ni Ms. Cruz at abala syang nakikipag-usap sa kabilang linya. Alam ko na tungkol ito sa kaso ko at ng bakulaw na iyon. Hindi daw kasi dapat palampasin ang ginawa nito sa akin dahil nga isa itong seryosong asulto. Sinabi nya sa akin kanina na kagabi pa daw pagkatapos namin mag-usap tungkol sa bagay na ito ay pinag-aralan na nya ang school rules sa student’s handbook at kinausap ang kanyang legal counsel. Hindi ko inasahan na ganito sya kaseryoso dito dahil away estudyante lang naman ito para sa akin. At wala pa din talaga akong matandaan sa nangyari kaya kahit ngayon wala akong ideya kung paano ba maapektuhan.

                Matapos ang pakikipag-usap ay napaupo na lamang si Ms. Cruz at tumungo naman sa malalim na pag-iisip. “There should be an assurance na hindi na makakabalik pa ang share ng mga Dons sa university na ito to stop the cruelty of that mad predecessor… nakakaumay na masyado ang mga meanness ng binatang iyon…tsk!” ang pagkausap niya sa kanyang sarili. Parang na out-of-place tuloy ako kahit kami lang dito. Di kasi ako makarelate dun sa sinabi nyang tungkol sa share at sa mga Don. Anong kinalaman naman kaya noon.

                Nagulat naman kami pareho dahil bigla na lamang bumukas ang pinto. Malakas pa man din ang pagkabalibag nito. Isang lalaki na parang empleyado din ng unibersidad dahil sa uniform nya. Halatang nahiya sya sa panggugulat na ginawa kaya napatawa na lamang siya at napakamot ng batok.

                “Oh, I’m sorry po Ms. Samantha, akala ko po kasi matigas yung pinto kaya nabuksan ko ng malakas…hehe”

                “Sa susunod kasi kumatok ka muna…” ang seryosong sabi ni Ms. Cruz na hawak pa din ang dibdib dahil sa pagkagulat. Binigay ng lalaki ang isang folder ng mga papel sa kanya at umalis din naman ito. Nang makalabas na sya na sinundan ko pa ng tingin ay binasa na ni Ms. Cruz ang natanggap nito sa kanyag table. Binasa nya ng masusi ang bawat nakasulat dito. Tinitingnan ko lang ang reaksyon niya. Ngunit walang nangyaring pagbabago. Seryoso pa din. Nakakakaba tuloy.

                Hindi pa lumalampas ang kaunting minuto ay tumayo na siya at inaya nya akong samahan siya patungo sa top floor ng Administrative building kung saan nandoon ang mga opisina ng mga malalaking pamunuan ng aming malaking paaralan. Tila kinakabahan ako sa mga mangyayari. Bakit naman kasi aabot pa sa ganito? Haist! Yung bakulaw na yun kasi eh.

                Narating namin ang isang malaking pinto na may nakasulat na ‘University Administrator’. Eh eto yung isa sa pinakamatataas na posisyon dito sa eskwelahan. Anong ginagawa namin dito? Naku baka mapatalsik na ako sa scholarship. Hindi pwede ito.

                Nang makapasok kami ay nanlamig ako hindi lamang dahil sa aircon kundi dahil na rin sa nararamdaman kong kaba na halos matae na. Diyuskupo! Seryoso namang nagbabasa ng kung ano ang Administrator at ang nakalagay sa nameplate nya ay MR. CARLOS P. DONOWAY. Nagtaka ako kasi parang hindi naman ito ang pangalan ng UA namin dito. Hmmm? Siguro bago. At ang apelyido nya – Donoway. Kaanu-ano kaya niya si Carla? Nang mapansin niya kami ni Mam Cruz ay nag-ayos sya ng upo.

                “Good morning, have a seat Ms..?” ang pag-anyaya nito sa kasama ko.

                “Oh, I’m sorry Mr. Donoway… I’m Ms. Samantha Cruz, Co-dean of the Arts Department, I’m actually the one who emailed you earlier” at naupo na si Ms. Cruz.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon