The Practice

15.2K 461 23
                                    

                Unang araw ng practice. Unang nakakabwisit na araw kasama ang pinaka-nakakasulasok sa mata na bakulaw na allergic sa kagandahan ko. Araw-araw ko din pati siyang kasama dun sa office, hanggang dito ba naman? Haist na malupet! Maaga akong lumabas sa klase ko dahil tapos na akong sumagot sa essay activity namin sa Human Philosophy. Tulog na din kasi sa table niya ang isa pa naming wrangler na Professor na si Mr. Sy. Palagi ko naman tinatakasan yun eh. Haha. Ang hilig matulog eh!

                Nagdudrawing ako nung kung ano nung dumating ang nakapormang si coach Jerome. Gwapo din itong si kuya Jerome. Medyo mongoloid lang din kung makatawa. Di katulad nung tawa ni fafa Gerald. Hay! Kamusta na kaya ang prinsipe ko? Chos! Haha.

                “I guess, Mr. Don’s late again!?” tanong niya sakin sabay abot ng nakafolder na mga papel. Ano kaya to? Mabasa nga mabilis. Naupo naman siya sa mesa malapit sa may blackboard.

                “Asa ka naman dun coach, magtaka ka kung maaga siya dito ngayon” ani ko habang ini-isa-isa itong pages. Napatawa ng mahina si coach at nagsimulang magsulat ng kung anu-ano sa board. Ako naman sige ang basa.

                Maya-maya pa ay may biglang umagaw ng binabasa ko. Epal! Isang malaking hampaslupang Epal!

                “Ang galang mo din masyado ano!? Bwisit!” singhal ko sa bakulaw na ngayon ay seryoso na sa pagbasa. Sinisimulan ako nitong halimaw na ito. Naku talaga! Tumayo ako at padabog na kinuha ang isa pang kopya na para sana sa kanya. Ako na lang ang iintindi dahil alam kong special child sya! Hindi lang may pagka… yun na talaga sya!

                “Oh, hello there Jason!” nabiglang sabi ni coach nung mapansin na nya sa likod nya yung bakulaw. Hindi siya nito pinansin. Nakakatuwa talaga ang ugali ng bwisit na to! *sarcasm. “…well, then, let’s start”

                Nagsimula nang maglecture si coach nung mga tungkol sa pagdirect ng clips. Yung strategy, yung paggamit ng anggulo, yung mga ibig sabihin niyon at kung anu-ano pa. Ako daw dapat ang mag-focus sa ganitong mga bagay dahil ako talaga daw ang magdadala ng competition at ang partner ko (na hari ng mga halimaw!) ay nakatuon naman sa videography at quality ng video. Wapakels! Baka mag-away pa kami niyan pag nandoon na’t baka ikatalo pa namin. Sa lahat naman kasi ng magiging kasama ko bakit siya pa? Grrr talaga! Ayan pa nga oh at parang walang pakialam basta nagbabasa lang siya at hindi umiimik.

Nung matapos ang 45-minutes na lecture na medyo nakakaantok din ng konti, ay may pinakitang mga clip ng iba’t-ibang patok na music videos si coach. Observe daw namin kung paano daw gawin ng mga hollywood directors yung bawat eksena dahil iyon daw dapat ang standards namin. Naku ha! Kaya naman kaya namin pantayan ang mga yan? Grabe ha! Bahala na! Magdadasal talaga ako ng bongga kay Nuestra Señora dela Medalla para sa gabay. Laslas pulso ata paggawa nito.

“Hoy bakulaw! Ikaw ba eh gusto mong isabotahe ang contest? O nananadya ka lang na di makinig kay coach?” inis kong bulong sa bakulaw dahil di na ako nakatiis.

“Pssshh… Hinay-hinay ka sa mga sinasabi mo baklang palaka! Baka nga ikaw pa magpaturo sa akin pagkatapos nito” Huwaaaawww!!! Biglang umihip yung malakas na hangin dito.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon