“Pare, baka naman pwedeng sumama sa iyo… It’s a fact na mas maraming chic sa province… Innocent pa! Exciting! Haha” ani August who’s enjoying his beer. The Crayons were at a bar just near Jason’s condo unit. They’ve been invited by their boss maybe to celebrate something. Or to celebrate liberation from his father.
“Tsk! Drunk bastard! Maghahasik ka pa ng lagim mo dun men…” pagkontra naman ni Duke na nilalagok din ang kaniyang drink. Hindi naman sila pinapansin ng kanilang ever supladong boss. Umiinom lang ito while texting or reading something from his phone.
“Kanina ka pa nagbabasa dyan boss ah… ano naman ba yan?” usisa ni August na sinisilip-silip pa ang phone ng boss.
“Tsss… None of your business!” tugon naman nito sa tila sobra na ang tama na Casanova ng grupo. “…And you can’t come with me… you too!” baling din nito kay Duke matapos kay August.
“Awww men!” both’s disappointment. Napangisi nalang sabay iling si Jason.
---
Mahaba ang pila kanina dun sa may school cashier pero nakasingit ako dahil sa nagmamaganda kong bestfriend. Namiss ko itong dati kong eskwelahan. Maliit, simple pero matitino ang mga nag-aaral. Walang alien, sa madaling sabi. Nandito kasi ako para mag-enrol na muli. Napakiusapan ko na din ang aming school administrator pati na si Mr. President kaya naging madali lang ang lahat. Ang kesyo lang eh magiging irregular na ang kagandahan ko. Pero keri lang basta makapagtapos ng college diba.
“Uy, Pete? Ikaw na ba yan?... Oh my Gee! Ay teka? Ba’t…?” biglang sulpot ng isang estudyante na hindi ko naman knows. Hay! Andami na palang nakakakilala sa akin pati dito. Nagets ko naman yung huli niyang tanong. Nagtataka siguro kung bakit ako nandito sa school.
“Uh, nagtransfer na kasi ako… for a change? Hehe” panloloko ko sa kanya. Nakakairita kasi balikan pa yung mga nangyari.
“Ah okay… uhm, kamusta naman si fafa Jason Don? Oh my golly! Ang hot niya talaga and ang swerte mo bakla!” hindi na nga niya napigilan yung sarili niyang kiligin. Parang baliw lang kaya natawa ako pero nahiya din dahil nabaling sa amin ang atensyon ng mga nakapila. The worst thing na nangyari ay dinumog na ako ng ibang nandun para magtanong ng kung anu-ano pati kulay ng underwear ng bakulaw hindi pinalampas. Mga gagi. Nakakaloka! Dinaig pa nila yung media.
Buti naman eh nakatakas ako dahil dumating nang muli si bestfriend na bumili lang ng makakakain sa labas. Ang siste lang eh kailangan niya akong hablutin mula doon at kaladkarin palabas ng eskwelahan papunta sa hilera ng mga tindahan sa tapat ng school.
“Grabe, konting minuto lang ako nawala tapos ganun na yung nangyari sayo dun” aniya habang kumakain.
“Kaya nga eh! Para naman tuloy akong artista bigla dito… Hindi ako sanay” sabi ko naman. Tapos nagkuwentuhan kami at nag-usap tungkol sa muli kong pagpasok dito sa SFCC.
Sana naman eh wala nang maging problema ang nagmamaganda niyong dyosa sa pag-aaral ko dito. Baka kalabasan eh abutin ako ng sampung taon sa college.
BINABASA MO ANG
The Barrio Gay (Now Published under LLP)
HumorPaano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx