1

18.7K 499 43
                                    

[1:Family Reunion]

-5 years later-

"Alisha, aalis na ko!" wika ni Kristy, bestfriend ko.

"Sige, salamat sa pag-aalaga kay Alas!" wika ko at hinatid siya sa may pinto

Napatingin ako sa anak ko na halos hindi na mabitawan ang laptop. Si Kristy ang nag-aalaga sakaniya tuwing may shooting ako.

Nabuntis ako dahil sa nangyari limang taon na ang nakakalipas kaya di na ako nakatapos ng college. Binalak ko nalang mag-artista at nakapasok naman ako. Pero hindi pa ako sikat, minsan commercial actress lang.

"Alas, magpaalam ka na kay Tita Kristy!" wika ko at kumaway naman si Alas pero sa laptop parin ito nakatingin

Hay naku, ito talagang bata na 'to.

"Malaki pakinabang mo dyan kay Alas. Aba, mas magaling pa sakin kung gumamit ng laptop e! Baka genius sa computer yan!" usisa ni Kristy at tumawa naman ako

"Ewan ko ba dyan kay Alas. Mas gusto pa kutingtingin yung computer kaysa makipaglaro sa mga kaedad niya. Akala mo hindi limang-taon kung umarte e." natatawang wika ko naman

"Sige na, baka ma-late na ako sa trabaho ko. Bye!" paalam niya at lumabas na ng apartment namin

Dahil nga hindi pa naman ako gaanong sikat, mura lang ang talent fee ko at kailangan ko pang umupa ng apartment. Di naman ako nagrereklamo dahil sakto lang naman samin ng anak ko ang apartment na 'to.

Tumabi ako kay Alas at tiningnan kong ano ang ginagawa nya sa laptop.

Jusko,puro codes at number!Hacker ba 'tong bata na 'to?

"Alas, bakit di ko naman maintindihan yan?" tanong ko sakaniya

"Mommy, only computer geniuses can understand and decode these computer codes." sagot niya sakin at napataas naman ang kilay ko

Computer geniuses? Sinasabi ba ng anak ko na bobo ako? Saan ka ba nagmana ng kayabangan mo, Alas?

"Malay ko ba. Di naman ako magaling sa computer na yan. Ewan ko kung saan mo yan namana!" sagot ko sakaniya

"Kung hindi sayo, malamang sa Daddy ko." sagot naman niya sakin at ibinaba na ang laptop niya

Talaga naman! Bata pa e, sumasagot na! Genius rin ako dati sa computer pero tinago ko lang, ngayon di ko na alam kung saan ko naitago.

"Tara na Mommy, kain na tayo!Nagluto ako kanina habang wala ka, nagpatulong ako kay Tita Kristy." wika niya at hinila ako sa kusina

Naglagay siya ng plato at nilagyan ng pagkain ang plato ko. Di mawala ang ngiti sa labi ko habang pinapanood si Alas. Sobrang advanced niya na talaga mag-isip at gumalaw compare sa kaedad niya. Maraming nagsasabi sakin na ipacheck ko daw si Alas dahil baka genius talaga ang anak ko. Pero sa ngayon, hahayaan ko muna mag-enjoy ang anak ko sa gusto niyang gawin.

Minsan naaawa narin ako kay Alas. Lagi ko kasi siyang naiiwanan mag-isa kaya natututo na siya gumawa ng gawaing bahay sa murang edad. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako nagluto ng pagkain para sakanya.

"Wow, adobo!"

"Sabi po kase ni Tita Kristy paborito niyo daw po yan!" wika ni Alas at niyakap ko naman siya

"Ang galing galing talaga ng Alas ko!" wika ko habang yakap yakap siya

Kung gaano ako minalas sa pamilya ko, ganun naman ako sinuwerte sa anak ko.

Aaminin ko, mahirap nung pinagbubuntis ko palang siya kasi wala akong pera. Itinakwil ako ng mga Arcena. Pero nung nakahanap ako ng trabaho naging stable naman.

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now