[7:Marriage Contract]
-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-
"Hay naku, ito na ba si Young Master?! Aba, kamukhang-kamukha ni Master Aushi!" wika ng isang matandang babae habang nakatingin ito kay Alas na pakiramdam ko ay mayordoma sa bahay na ito.
Uhm mali pala...sa mansyon na ito. Nahiya yung malacañang sa garbo, lawak at ganda ng mansyon nila Aushi.
Sabagay, siya ang pinakamayamang businessman sa panahong ito at aaminin ko, siya rin ang pinakagwapo.
Sikat siya sa karamihan pero hindi ko naman inaakala na itong almost perfect na lalaking 'to ang naka one-night-stand ko at ang tatay ng anak ko.
"He's also a genius on using the computer, just like me!" pagyayabang pa ni Aushi
"Manang-mana ka kay Master Aushi!" wika naman nung isang matandang lalaki na butler siguro
Anak ko ba talaga si Alas? Bakit parang lahat nalang kay Aushi niya namana?! Tapos parang wala syang namana sakin? Samantalang ako ang nagdalang-tao sa batang yan. Tapos sa huli parang ako pa yung walang inambag?
Sayang,ang ganda ko pa naman din.
"Alisha, ito nga pala si Manang Liz, siya yung mayordoma dito. Si Mang Kiko naman yung nag-iisang butler namin." wika ni Aushi habang nakaturo sa matandang babae at dun sa matandang lalaki
Ngumiti ako sakanila.
"Hello po, ako po si Alisha. Nanay po ni Alas." pakilala ko sakanila at ngumiti naman sila sakin
"At asawa ko..."
Napatingin ako ng masama kay Aushi. Asawa mo mukha mo! Hindi pa nga tayo kasal tapos kung makatawag ka ng 'wife' sakin wagas!
Binigyan kami ng makahulugang tingin at ngiti ni Manang Liz at Manong Kiko.
"Ihahatid lang po namin muna si Young Master sa kwarto niya. Mukhang may pag-uusapan po kayo e." wika ni Manang Liz at umakyat na sila ng hagdan, naiwan kami ni Aushi sa baba.
Umupo si Aushi sa sofa habang inaayos ang ilang dokumento sa kamay. Nahihiya pa akong umupo dahil nahihiya yung pwet ko sa sobrang ganda ng upuan nila.
Parang lahat ng makikita mo gawa sa ginto. Galing rin naman ako sa mayamang pamilya pero hindi ganito kagarbo ang bahay namin.
"Ito ang marriage agreement natin. It will only last for three months because that's our deal. After its expiration you only have two choices, it's either you will divorce me or we will be remarried formally. Gumawa na rin ako ng rules ng marriage natin." wika niya at binigay sakin ang isang pirasong papel
Nakasaad dito ang tungkol sa 3 month marriage namin. Napatingin ako sa mga rules:
Rule 1:The husband has the right to spoil his wife.
Rule 2:The wife will handle the family budget.
Rule 3:The wife will have everything the husband has. (including the company,private property,cash etc.)
Rule 4:The husband should obey his wife.
Rule 5:The husband has to cook dinner for his family if he has free time.
Eh, ano daw? Bakit ganito yung rules?Ako lang yata ang magbebenefit dito ah.
Akala ko magiging asawa lang ako, magiging prinsesa pala, punyeta.
Lahat ng pag-aari nya pag-aari ko rin?Edi naging instant billionare ako?Hindi ba siya lugi dito? Paano kung itakbo ko yung mga pera niya, di ba sya natatakot? Ganun na ba kalaki agad ang tiwala niya sakin?
Umiling na lang ako at pinirmahan ang contract dahil yung pirma ko nalang ang kulang.
Ayan na, okay na siguro yan. Buti naman at medyo okay yung rules. Akala ko pa naman ay sobrang hihirap ng ilalagay niya.
------
-𝐀𝐮𝐬𝐡𝐢'𝐬 𝐏𝐨𝐯-
Napangiti ako ng pirmahan niya na ang kontrata. This means, we're married, right?
Inilabas ko ang isa pang dokumento na kadugtong ng marriage contract. Kanina ko pa ito tinatago na inipit ko lang sa pinakadulo ng documents.
"Ah, di mo pa pala nabasa yung kadugtong!" wika ko at binigay sakaniya ang kadugtong
Nakakunot niya yung binasa at sinamaan ako ng tingin pagkatapos.
HAHAHAHA My wife is so cute.
Napatingin rin ako sa documents at binasa ang nakalagay dito...
Rule 6: The wife should kiss her husband before she leaves the house to go to work.
Rule 7: The wife should always call her husband as 'Hubby'.
Rule 8:The husband and wife should sleep in a same bed.
HAHAHAHA! This is what we can an evil laugh.
My plan is succesful!
Hindi na siya pwedeng magreklamo, napirmahan niya na e.
"You purposely left this behind!" reklamo niya
Of course I did.
Ako ang gumawa ng marriage rules...hindi pwedeng siya lang ang magbebenefit. Dapat ako rin!
"Isa lang ang kondisyon ko, di dapat malaman ng iba kung ano ang relasyon natin." sambit niya
Huh?! Bakit?
Ikinahihiya niya ba ko?!Kung yung ibang babae gagawin ang lahat magkaron lang ng koneksyon sakin tapos sya ayaw ipaalam sa iba na asawa niya ko?
My wife is really heartless.
But maybe she have some reason. Yeah, that's right! I am an understanding husband!
Lumapit ako sakaniya at binuhat siya.
"Hoy, Aushi! Ibaba mo nga ako, saan mo ba ako dadalhin?!" pagpupumiglas ni Alisha
"May shooting ka bukas diba? Dapat matulog ka ng maaga kaya dadalhin kita sa kwarto...NATIN." wika ko at nanlaki naman ang mga mata niya kasabay ng pagpula ng mukha niya
Ang cute talaga ng reaction ng asawa ko!
"Kaya kong maglakad, okay? Ibaba mo nga ako!" reklamo niya pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko
"Mommy!"
Napatalon si Alisha pagtawag ni Alas sakaniya kaya ko siya nabitawan.
Agad niyang pinuntahan si Alas.
"Anong ginagawa mo dito?Akala ko tulog ka na?" tanong ni Alisha kay Alas
Oo nga. Nasisira yung moment namin dito oh.
"Nahihirapan po kasi ako sa pagsagot ng assignment ko e!" wika ni Alas at nagpacute pa sa Mommy niya
Anong nahihirapang magsagot? Sa talino mong yan nahihirapan ka magsagot?!
"Sige, tutulungan ka ni Mommy. Tara na sa kwarto mo." wika ni Alisha at kinarga si Alas
Umakyat na sila ng hagdan at nakita ko pa si Alas na dumila sakin.
Balak niya pa ata agawin yung asawa ko.
Ako lang ba o nautakan na naman ako ng anak ko?
***
YOU ARE READING
President's Wife, Don't Run Away!
RomanceDue to the influence of the aphrodisiac, Alisha had a one-night stand with Aushi Han. Now she's carrying the child of a President. Han Series #1