[17:Husband's Revenge]
-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-
After 3 days, nadischarge na ako sa ospital. Nakakahiya rin na hindi naman ako yung bida pero na-delay yung shooting dahil sakin. At luamabas na rin ang resulta ng imbestigasyon, si Kleo ang nagputol sa harness. Naisip ko na gusto niya akong gantihan dahil kay Dustin, pero di ko naisip na ganun kalala ang gagawin niya. I've been too careless...
Nakausap ko na rin si Lily na wag ipagkalat ang relasyon namin ni Aushi but it turns out...tauhan pala siya ni Aushi na ipinadala nya para mabantayan ako.
"Goodmorning, Ma'am Alisha!"
Napalingon ako sa grupo ng staff na nasalubong ko sa gate ng shooting area. Awkward ako na napangiti sa kanila.
Anong nangyayari? Bakit masyado silang naging magalang sakin? Dati naman si Lily, Dustin at Director Lee lang ang may pake sakin dito dati ah.
Pagpasok ko sa set ay nakita ko si Director Reyes, isa sa pinakasikat na direktor ngayong panahon. Anong ginagawa niya dito? Nandun rin ang buong cast, pero syempre wala si Kleo.
"Alisha, okay ka na ba talaga?" tanong ni Director Lee sakin
Ngumiti naman ako at tumango sakanya.
Nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Director Reyes.
"Ikaw pala si Alisha!Bagay na bagay ka maging bida sa bagong movie ko.Pero pwede mo ba itong ipa-view kay President Han?Kilala mo sya diba?Sya yung naghatid sayo sa ospital."wika nya habang inaabot sakin yung script
Ah,kaya pala ang bait nila sakin.Dahil pala kay Aushi.
"Nagkataon lang po na napadaan si President Han dito,di ko po talaga sya kilala."pagtanggi ko ay agad nya namang hinablot pabalik ang script
"Ano ba yan!Makaalis na nga!"galit na sambit
The difference on how they treat me.It depends on my status.
"Malamang hindi nya kilala si President Han.Tingnan nyo nga ang pagmumukha ng babaeng yan!Mukha bang mapapansin ni Presidet Han yan?"wika ni Anya at napaikot naman ang mata ko
"Pwede ba Anya,kung wala kang magandang sasabihin.Tumahimik ka nalang!"wika naman ni Dustin at napairap nalang si Anya
Kahit gaano kasikat si Anya ay mas angat parin si Dustin.Kaya ayaw nyang maoffend si Dustin.
"Alisha,wag mo nalang pansinin.Mag-start na tayo!"nakangiting wika ni Director Lee at ngumiti nalang rin ako
"Alisha!"
Napalingon kaming lahat ng makita si Kleo at kasama pa nito ang magulang nya.Shete,ano 'to?Pagtutulungan nila ako?
Nagulat ako ng bigla silang lumuhod sa harapan ko.
"Alisha,sorry sa lahat ng ginawa ko!Pinagsisisihan ko na talaga!Hinding-hindi ko na uulitin!Na-bankrupt na ang comapany ng magulang ko.Pakisabi naman kay President Han na wag nya na idamay ang kompanya ng magulang ko,please!Parang-awa mo na,Alisha!"humihikbi na wika nito
Na-bankrupt ang kompanya nila?Dahil kay Aushi?
"Paano nangyari yun e hindi nya naman kakilala si President Han?!"sabat naman ni Anya pero di ko nalang sya pinansin
Mukha naman sincere si Kleo sa mga sinabi nya.Tsaka pati magulang nya lumuhod sa harap ko.
"Tumayo na kayo.Papakiusapan ko si President Han,okay?"bulong ko sakanila
Tumayo naman sya habang tumatango.
"Thank you,Alisha!Salamat talaga!"wika nya habang hinahawakan pa ang kamay ko
"Director Lee,punta na muna ako sa dressing room ko."paalam ko kay Director Lee
Patakbo akong pumasok sa dressing room at idinial ang number ni Aushi.
"Hello,wife!Bakit ka napatawag?Miss mo na ko?"bati nya sa kabilang linya
Playing innocent?Sa tono ng pagsasalita nya mukhang alam nya na kung bakit ako tumawag.
"Ikaw ba yung may gawa kung bakit na-bankrupt sila Kleo?"tanong ko kay Aushi
"Yes."maikling sagot nya
"Bakit mo naman ginawa yun?!"sigaw ko
Kaya ko naman bigyan ng leksyon si Kleo pero bakit pati magulang nya idinamay ni Aushi.
"No one can bully my wife.Na-ospital ka dahil sa kanya.Anong gusto mong gawin ko?Tumunganga lang?"sagot nya naman
Problema sa mayayaman,pagnaghihiganti laging dinadamay ang kompanya.
"Nag-sorry na sila sakin.Wag mo na idamay ang kompanya nila okay?"wika ko
"Fine.If that's what you want."sagot nya sakin
"Bye,magshohooting pa kami."paalam ko at pinatay ko na ang tawag
I don't want to admit it but it feels good being protected.
"Are you calling your sugar daddy?"napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Anya
Ano na namang gusto ng babaeng 'to?
"Ano naman ngayon?"sagot ko sakanya
"Ano kayang magiging reaction ng sugar daddy mo kapag nalaman nya ang nangyari sayo sa wedding banquet ko?"mapang-asar na tanong nya
So what?They were the same person,duh!
"Di ko nga alam kung bakit ka nasali dito e.Binenta mo na naman ba yung katawan mo kay Director Lee?No wonder,itinakwil ka ni Dad---"
Bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay dumapo na agad ang palad ko sa pisngi nya.
"B*tch,you dare to slap me?!"sigaw nya
Babawi sana sya ng sampal pero pinigilan ko ang kamay nya at sinampal ko ulit sya sa kabilang pisngi.
Pinapantay ko lang.Ang pangit kase tingnan pag yung isang pisngi lang ang namumula.
"Patikim palang yan.Di pa ako nagsisimula,Anya."wika ko bago binitawan ang kamay nya
Anya is so sweet though.Pumunta pa talaga sya dito sa dressing room para lang magpasampal ng dalawang beses.
***
YOU ARE READING
President's Wife, Don't Run Away!
RomanceDue to the influence of the aphrodisiac, Alisha had a one-night stand with Aushi Han. Now she's carrying the child of a President. Han Series #1