25

10.9K 336 9
                                    

[25:For My Wife]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

"My dear,it's good that you still remember me."

Lalapit sana sakin si Elijah pero agad akong lumayo.

May katanungan na nabubuo sa isipan ko.Bakit alam ni Elijah na dito ako babagsak?Imposibleng nagkataon lang dahil private property ang gubat na ito at hindi basta basta nakakapasok ang ibang tao.

"Paano mo nalamang mapapahamak ako?!Ikaw ba ang nagplano nitong lahat?!"pasigaw na tanong ko sakanya at nakangiti naman sya habang umiiling.

"Alam mong hinding-hindi ako gagawa ng ikakapahamak mo."wika nya at napakalma ako ng kunti

Sabihin na nating obsessive si Elijah.Pero nung mga bata pa kami hindi nya ako hinahayaang malagay sa panganib.Lagi nya rin ako prinoprotektahan.At ayaw nya sa lahat ay yung nasasaktan ako.Kaya sa tingin ko ay imposible nga na sya ang may gawa nun.

"Kung hindi ikaw,bakit mo nalaman na magkakaron ng landslides?"tanong ko ulit

"Someone buys a bomb in our organizations.Guess what,it's Anya the b*tch,your wicked stepsister.Nalaman ko na agad kung saan nya yan pwedeng gamitin kaya sinundan ko sya at napdpad ako dito"sagot nya

Si Anya?Nauubusan na ako ng pasensya ko sa babaeng yun!Muntik na ako mamatay!

Noon pa man,di talaga maganda ang pakikitungo ni Elijah sa pamilya ko dahil nakikita nya kung paano ako api-apihin.

"I wish i could stay longer but i have to go."wika nya habang nakatingin sa relo nya

Napabuntong-hininga muna ako bago magsalita...

"Ngayong alam mo ng may asawa na ko.Sana tigilan mo na ko.Makakahanap ka rin ng taong para sayo."seryosong wika ko at ngumiti naman sya

"My dear,i don't agree.Besides,you can always get a divorce.See you soon!"paalam nya

Pinanood ko lang sya hanggang sa tuluyan na syang mawala sa paningin ko.

Napatingala ako ng marinig ang malakas ng tunog na nangagaling sa helicopter.

"Alisha!"

Nakita ko si Aushi sakay sa helicopter.Namumutla ang mukha nito.He probably thought,i'm hurt or maybe dead.I mean,sobrang taas ng pagbagsakan ko,himala nalang na wala akong kagalos-galos.

Pagkababa na pagkababa pa lang ng helicopter ay nagmamadali nang tumakbo papunta sakin si Aushi.

"Aushi,paano m--"

Di na ako nakapagsalita ng yakapin nya ako ng mahigpit.

"Thank God,you're alive."bulong nya pa

"Aushi,i'm fine."wika ko at hinarap sya tsaka ngumiti

Napansin kung yung ibang sakay ng helicopter ay pulis at nagiimbestiga sila sa paligid.

"Are you hurt?Anong masakit sayo?"tanong ulit ni Aushi habang chinicheck ang kabuuan ko.

Umiling ako sakanya at pinakalma sya.

"Okay lang ako.Buti nalang nakakapit ako sa puno kaya di ako dumiretso sa lupa.Pero kung nagkataon na di ako nakakapit,baka nauubusan na ako ng dugo ngayon."wika ko

Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang tungkol kay Elijah.At lalong hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang tungkol kay Elijah.

"Ubos na ang pasensya ko.I won't be so kind with Anya.Kailangan nyang maturuan ng leksyon."seryosong wika ni Aushi

Alam nya na si Anya ang may gawa nito?

"Paano mo nalaman?"tanong ko sakanya

"Pinaimbestigahan ko sya kay Drake.Kaya nagmamadali akong pumunta dito pero nahuli na ako ng dating."paliwanag nya

He seems very guilty that he failed to save me.

"Pero anong gagawin mo kay Anya?"

"Wife,don't stress yourself.Let me handle this.Rest first,okay?"wika nya at hinalikan ako sa noo

Napatango nalang ako habang nakayakap sakanya.

-------

-𝐀𝐮𝐬𝐡𝐢'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Napatingin ako sa mga Arcena habang nakatayo lang sila sa harapan ko.

Pasalamat lang talaga sila dahil walang nangyaring masama kay Alisha.Dahil kung meron,sila mismo ang paghuhukayin ko ng libingan nila.

"President Han,wala po talaga akong alam sa sinasabi nyo!"wika ni Anya

Hindi nabago nun ang ekspresyon ko.

"Alam kong ikaw ang bumili ng bomba na dahilan ng pagguho ng lupa.May mga ebidensya ako kaya wag ka na tumanggi."sambit ko at nanlaki naman ang mata ni Anya

I already gave her two warnings yet she still choose to do dirty tricks.

"President Han,ako na ang humihingi ng pasensya sa nagawa ng anak ko.Paparusahan ko sya!"sabat naman ng tatay ni Alisha

Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

"Talaga?Anong parusa?"tanong ko

"One month grounded."sagot nya sakin at napatawa naman ako ng mahina

One month grounded?Isang buwan syang di pwede lumabas ng bawal at gumamit ng gadget?Yun lang?Ano yan teenager?

Malakas kung inihampas ang kamay ko sa lamesa.

"Muntik na mamatay ang asawa ko tapos sya grounded lang?!Ganun ka na ba talaga ka-walang pake kay Alisha?"pasigaw na tanong ko

"Ano bang gusto mong mangyari?"sambit nya

"Makulong sya for attempted murder."sagot ko at napaangat naman ang tingin nila sakin

Wala namang masama sa sinabi ko.Muntik na mamatay si Alisha.

I almost lost my wife.My son almost lost her Mom.This is not just a simple matter.

"Mom!Ayaw ko makulong!P-paano na yung career ko?!"sigaw ni Anya

Pinatahan naman sya ng stepmother ni Alisha at masama nya akong tiningnan.

"Sumusobra ka na!Baka nakakalimutan mong pamilya parin kami ng asawa mo!"sigaw sakin ng stepmother ni Alisha

Tama ba yung narinig ko...Pamilya?

"Pamilya?Walang matinong tatay na itatakwil ang anak nya.Wala ring matinong nanay na aapihin ang anak nya.At lalong walang matinong kapatid ang magbabalak patayi ang kapatid nya.Hindi kayo karapat-dapat maging kapamilya ni Alisha."wika ko

With such a toxic environment,i don't even know how did Alisha survive all of this.It must hard for her.

Inabot sakin ni Drake ang isang brown na envelope.Nakangisi akong tumingin sakanila.

"3 years ago,tinakas nyo ang perang inutang nyo sa Cortez Company at hindi nyo na binayaran pa.Kayo rin ng ngnakaw ng mga confidential data nila.Dahil gusto ko kayo mabigyan ng happy ending,magsama kayong tatlo sa kulungan."wika ko at tumayo na sa upuan ko.

"President Han,parang-awa mo na!"

"Wag mo kami ipakulong please!"

Hindi ko na lang sila pinansin at binigay uli kay Drake ang envelope.

"Make sure na hindi lang makukulong.Siguraduhin mong wala ring matitira kahit isang kusing sakanila."wika ko bago lumabas ng opisina ko at pinapasok ang mga pulis para kuhain ang tatlo

Patuloy silang nakikiusap pero di ko nalang sila pinakinggan.

'This revenge is for my wife...'

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now