[6: 3 months]
-Alisha's Pov-
"President Han, baka nagkakamali lang po kayo. Bahay ko po kasi 'to e. At sigurado naman po akong wala po akong asawa!" wika ko
Baliw ka ba?! Papasok ka ng basta-basta sa bahay ng iba! Tapos may pa 'wife' ka pang nalalaman! Kung hindi ka lang presidente baka sinipa na kita palabas ng apartment ko!
At bakit naman kasi pinapasok 'to ni Alas? E kahit nga si Dustin hindi nya pinapapasok habang hindi ako dumadating e.
"Mommy, may gustong sabihin sayo si President Han! Punta lang muna ako sa kwarto ko!" sigaw ni Alas bago isinarado ang pinto ng kwarto niya
Jusko yung bata na yun. Iniwan pa ko dito! What if...ibinenta na ako ni Alas?! Whaa imposible mahal na mahal ako ng baby ko!
Umupo ako sa sofa at umupo naman sa tapat ko si President Han.
"Ano po bang gusto niyong pag-usapan?" magalang na tanong ko at pekeng ngumiti
He's a president, I can't offend him in any way. Siguro naman wala siyang masamang gagawin dahil mayaman naman siya at wala siyang mananakaw sa bahay namin.
Ngumiti siya sakin at may binigay saking ilang documents.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga nilalaman nun. Paternal test ni President Han at ni Alas?
Probability of Paternity:99.999998%
My heart dropped...
Dumating na yung kinakatakutan ko. Ang dumating ang tatay ni Alas at kuhain siya sakin. Anong namang laban ko sa isang presidente?
"That night...you're that man, right?" nakatungong tanong ko sakaniya
Pinipigilan ko ang sarili ko na punitin ang papel na inabot niya sakin.
Bakit? Bakit pa siya bumalik?!
The man that ruined everything for me. And now he's back to take Alas away from me.
"Yes...back then, I came back for you but you're already gone. I looked for you until now. Then our son showed up and told me everything."
Napangiti ako ng mapakla sa sinabi niya.
"Our son?! Limang taon simula nung nagpakita ka, nasira ang lahat dahil sayo! And now you still have the audacity to call him your 'son'?! Alam mo ba kung ano yung hirap na pinagdaanan ko nung pinagbubuntis ko siya? My family disowned me, I have nothing! Lalo na nung ipinanganak ko siya, I don't even have the time to recover from giving birth because I still need to work just to nuy MY son everything he needs. " singhal ko sakanya at napatayo ako sa upuan ko
Tiniis ko lahat ng sakit at hirap dahil wala akong ibang inaasahan. Tapos pupunta siya dito na parang wala lang tapos icclaim yung anak ko?!
Gusto ko siyang sigawan pero pinipigilan kong sumabog ang nararamdaman ko dahil ayaw kong marinig ako ni Alas.
"Saan ka nakakakuha ng lakas ng loob na magpakita pa dito? Kung kailan masaya na kaming dalawa. Just go home, President Han. As far as I know, your son is not here."
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.
"Kaya nga gustong bumawi sainyo, Alisha. I want to fulfill every responsibilities that I have left! Maniwala ka sakin, hinahanap kita! Di ako tumigil sa paghahanap sayo. If I only knew that you got pregnant, do you really think I will let you and our child live in such harsh conditions?" wika niya at binawi ko naman ang kamay ko
"You're too late. Kaya kong alagaan si Alas kahit mag-isa lang ko. Hindi na rin naman kailangan na bumawi ka pa samin." wika ko at napatayo na rin siya
His stare pierce through my soul.
"Marry me. Move in to my house with our son."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Papakasalan niya ako para ano?Para mas madali niyang makuha si Alas?!
"Nababaliw ka na ba? Hindi ako magpapakasal sayo. At lalong hindi kami sasama sayo ng anak ko. Hindi ko ibibigay sayo ang anak ko. Kaya pwede ba President Han, umalis ka na!" wika ko
Di ko rin alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para palayasin si Aushi. Kahit kayang-kaya niyang bawiin sakin si Alas sa isang kumpas ng kamay niya. Basta ang alam ko lang malaki ang galit ko sakaniya.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at biglang lumuhod sa harapan ko.
Anong ginagawa nya? Bakit siya lumuluhod?! Tsaka umiiyak ba sya?!
"Give me 3 months, Alisha."
What?!
"Marry me, move to my house with our son and give me 3 months to prove that we can have a happy life. 3 months to prove to you that I can be a good and responsible father to Alas. 3 months to prove to you that I can be a gentle and loving husband. If I can't prove you everything I said within 3 months, then divorce me." wika niya habang nakaluhod parin
Happy life. Father. Husband.
Tumingala ako para hindi tumulo ang mga luha ko.
I-I am too selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko man lamang inisip ang nararamdaman ni Alas.
Hindi niya naman kasi hahanapin si Aushi kung ayaw niya itong makita. Gusto niyang maramdaman kung paano magkaron ng tatay.
Kahit may pagkukulang si Aushi, ramdam ko naman na gusto niya talagang bumawi. Lumuhod pa siya sa harapan ko para lang makiusap sakin. Kumg tutuusin pwede niya nalang kaming dedmahin at wag kami pakialaman. But he goes all the way here, kneels in front of me and begs for a chance to prove himself.
Ito naman yung gusto ko dati pa para kay Alas e. Ang magkaroon ng masayang pamilya.
Napatingin ako kay Aushi na naghihintay sa sagot ko.
"Alright, I'll give you 3 months."
Maging maayos man ang kalabasan nito o hindi, masaya ako na mararanasan na ni Alas ang matagal niya nang hinihiling.
***
YOU ARE READING
President's Wife, Don't Run Away!
RomantizmDue to the influence of the aphrodisiac, Alisha had a one-night stand with Aushi Han. Now she's carrying the child of a President. Han Series #1