10

12.8K 382 12
                                    

[10: Handsome Driver]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Inalis ko na ang make-up sa mukha ko dahil tapos na ang shooting namin.

"Ate Ali! Pumasok na si Kleo. Feeling ko gusto niyang mabalik bilang second lead!" hinihingal na sambit ni Lily

She attended after I got the role.Of course, she wants the role back.

Ngumiti ako kay Lily habang tinatali ko ang buhok ko. Sanay na ako sa mga pangyayaring ganito. Doesn't affect me that much pero sayang parin yung role.

"Tara na sa labas baka sabihin nila bitter ako kaya hindi ako lumabas para batiin siya." nakangiting wika ko, kahit nagtataka ay tumango si Lily at binuksan ang pinto ng dressing room

Paglabas namin ay nakita ko na agad si Kleo Garcia, kasama ang manager niya. Mas maganda siya sa personal kaysa sa telebisyon, ngayon ko lang kasi siya nakita.

"Director Lee, sorry! Naging busy lang talaga ako pero nandito na ako para ishoot yung mga scenes ko!" wika ni Kleo

"Mabuti naman. Sa national television 'to ipapalabas kaya di natin pwedeng ipagpaliban ang shooting!" sagot ni Director Lee at tumango naman si Kleo

Mukha namang mabait si Kleo. Balik na naman ako sa pagiging supporting role. Napaayos ako sa tayo ko ng lumapit sakin si Director Lee.

"Pasensya ka na ha. Malakas kase ang sumusuporta kay Kleo kaya we didn't dare to offend her." bulong sakin ni Director Lee

"Pero may i-ooffer ako sayo na mas maganda kaysa sa supporting role."

Nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Anong role naman yun?

"Ano pong role?" tanong ko sakaniya

"Kontrabida."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na agad ako ni Director Lee. Never pa ako gumanap na kontrabida. It's actually my dream role dahil gusto ko ang mga daring characters.

Sa teleserye kasi na 'to,yung kontrabidang babae ay nainlove sa bidang lalaki na gagampanan ni Dustin. Napakamalas ko naman akala ko makakatakas na ako sa pabigat na yun. Pero hindi ko pwedeng sayangin ang opportunity na 'to. Kailangan ko galingan!

"Hi! Alisha, right? I'm Kleo Garcia!Thank you for taking my place while I'm gone." nakangiting wika ni Kleo na biglang lumitaw sa tabi ko.

Di ko lang alam pero parang may pagka-sarkastiko yung tono niya.

"You're welcome." naiilang na sagot ko sakaniya

"Kleo, ano ka ba? wag ka nga nakikipag-usap sa hindi mo kauri. Stop talking to low level." napatingin kami parehas sa manager niya at tumawa naman si Kleo

"Don't be too harsh, Manager. Baka sabihin ng iba masyado tayong mayabang." tugon ni Kleo bago ako tinapunan ulit ng tingin at umirap

After all it was all an act. Another angel-faced b*tch.

Napaikot nalang ang mata ko at lumayo sakanila. Bakit lahat nalang may galit sakin? Ang bait ko kaya!

"Waaaah Ali! Naabutan rin kita!" muntik na akong mawalan ng balanse ng bigla akong inakbayan ni Dustin

Katulad ng sinabi ko main role kasi siya kaya mas late siyang umuuwi kaysa sakin.

"Bakit nandito ka? Tapos ka na rin sa shooting?" tanong ko sakaniya at tumango naman siya.

"Sabay na tayo umuwi. Hatid kita sa apartment mo." aya niya sakin at binitbit ang bag ko

Di pa nga ako pumapayag. Wala ba akong karapatan humindi? Sabagay masakit na rin yung paa ko.

Sumakay na kami sa kotse niya at nagdrive na siya.

Wait a minute...

Hindi niya alam na lumipat na kami ni Alas! At hindi niya dapat malaman na lumipat kami sa mansyon nila Aushi!

"Ah Dustin, pwedeng pakihatid ako sa Rose Street, Han Mansion? May group study kasi dun sila Alas, susunduin ko pa siya." palusot ko at tumango naman siya

Nang makadating na kami sa mansyon ay bumaba na ako ng sasakyan niya. Nakita ko pa siyang pasilip-silip sa mansyon.

"Di ko alam na ganito pala kayaman ang mga kaklase ni Alas. Tsaka di ko nabalitaan na may anak na pala yung may-ari ng Han Company." usal niya

Oh no, he is getting the wrong idea.

"W-walang anak yung may-ari ng Han Company! Ano lang, pinahiram niya lang yung bahay nila bilang study group area sa mga bata. Parang charity act kumbaga!" paggawa ko agad ng palusot

Kahit naguguluhan ay napatango nalang siya.

"Hihintayin ko pa ba kayo ni Alas?" tanong niya sakin at umiling naman ako

Kailangan niyang makaalis na agad dito.

"Hindi na, mukhang magtatagal pa si Alas e. Magtataxi nalang kami pauwi para safe." sagot ko sakaniya

"Okay. Let's have dinner sometime, with Alas! Ingat kayo ha." paalala niya bago pinaharurot ang kotse niya.

Hays, buti nalang wala na siya. Napabuntong-hininga ako bago pumasok. Maaga pa kaya baka maabutan ko pang gising si Alas. Medyo naging busy kasi kaya di ko na siya masyadong nakakabonding.

Tuwing dadating ako ng bahay, madalas e tulog na siya. Tapos pag umaga naman siya ang aalis para pumasok sa school.

"Sino yung naghatid sayo?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa likuran ko. Lumingon ako at nakita si Aushi kasama yung secretary niya.

"Uhm...katrabaho ko. He offered me a ride." sagot ko sakaniya

Isang nakakabinging katahimikan ang namuo samin bago siya magsalita.

"Drake, buy a car for Alisha." utos niya sa secretary niya

"Yes, President!"

Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko.

"Teka! Wag mong ituloy! Hindi ko naman kailangan ng sasakyan." pagpigil ko kay Drake

Napatigil naman ito sa pagpindot sa cellphone niya.

"Drake, buy it." utos muli ni Aushi

Dun na muling pumindot si Drake sa cellphone niya.

"Done, Sir."

Naglakad papalapit sakin si Aushi habang matalim ang tingin sakin. There's a dark aura surrounding him.

"Never accept a ride from him again. You now have your own car and a more handsome driver." wika niya habang nakaturo sa sarili niya

Eh?! Plano niya ba akong ihatid at sunduin sa trabaho?!

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now