[32:Promise Me]
-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-
Malungkot ako habang nakaharap sa bintana at pinapanood ang mga tuyong dahon na nalalaglag sa damuhan.
Pinili talaga ni Elijah ang bahay na malayo sa mga tao para di ako makahingi ng tulong.
Kamusta na kaya si Alas?Ano na kayang ginagawa ni Aushi?Galit ba sya sakin?Hinahanap nya ba ko?
Napagala ang tingin ko sa madilim na paligid ng kwarto.
Hindi pwedeng magmuni-muni lang ako dito.Kailangan kung gunawa ng paraan kung paano makatakas o kahit makahingi lang ng tulong.
Ang alam ko kase may computer sa office ni Elijah.Tsaka kahit siguro gamitin ko yun di nya ako pagdududahan dahil ang pagkakaalam nya ay wala akong naaalala.Kailangan ko lang masaktuhan na wala sya dun.
Naglakad ko papunta sa pinto at idinikit ang tenga ko dun.Pinakikinggan ko kung may tao sa labas.Mukhang wala naman.
Bubuksan ko na sana ang pinto kaso lang ay may nagbukas na nito mula sa labas.
Mapapasigaw sana ako sa gulat ng takpan nya agad ang bibig ko.
"Ate Alisha,ako 'to!"
Kumalma ako ng mamukhaan kung sino yun.
Lily?
Nakasuot sya ng isang damit ng maid.Nagdisguise ba sya para makapasok dito?Sinarado nya muna yung pinto bago nya tanggalin ang kamay nya na nakatakip sa bibig ko.
"Paano ka nakapunta dito?Paano nyo nalamang nandito ako?"tanong ko agad sakanya
Ngumiti lang sya sakin at hinila ako papunta sa malaking bintana.
"Si President Han ang nagpadala sakin dito.Mamaya ko nalang ipaliliwanag dahil kailangan natin magmadali."sagot nya sakin
Nagulat ako ng binasag nya ang malaking bintana gamit ang braso nya.
Nauna syang lumabas sa bintana pagkatapos ay tinulungan rin akong lumabas.
Mabuti nalang talaga ay hindi sa ikalawang palapag ang kwarto ko.
Paglabas ko ay hinila ako ni Lily papunta sa malawak na parte ng bakuran.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang naghihintay sakin.
"Aushi!"
Patakbo akong lumapit sakanya at mahigpit syang niyakap.
Niyakap nya ako pabalik na halos di na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nya.
"Are you okay?Did he hurt you?"tanong nya sakin
Humarap ako sakanya at umiling.
Napatingin ako sa paligid at yung mga guwardiya ni Elijah ay tumba na.Habang halos benteng sundalo yata yung kasama ni Aushi.
"President Han,mag-iikot po muna kami para tanggalin yung mga cctv camera sa paligid."wika ng mukhang leader ng mga sundalo at tumango naman si Aushi
Naghiwa-hiwalay na sila at naiwan kaming apat.Ako,si Aushi,Drake at Lily.
"Ah,you found us too soon."
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Elijah.Agad akong tinago ni Aushi sa likod nya.
"And Alisha,i thought you lose your memories?"dagdag pa ni Elijah
"Your playtime is over.I'll take Alisha back with me.Alam kong malaki ang naitulong mo kay Alisha nung mga bata pa kayo.This is the last warning,next time we will see you in court."wika ni Aushi
Aushi is right.Kahit ganito ang ginagawa ni Elijah,utang ko parin ang buhay ko sakanya.Nung mga panahong ginugutom at minamaltrato ako dati ay sya lang ang tumutulong sakin.Kung wala sya malamang namatay na ako dahil sa gutom.
Napangiti lang si Elijah.
"Shut up.Ano bang alam mo?!"malakas na sigaw ni Elijah kay Aushi
Magsasalita pa sana si Aushi pero pinigilan ko sya.Humakbang ako papalapit kay Elijah.
"Alisha,you promise me right?You say you'll marry me..."wika ni Elijah
This is my fault.I keep his hopes up with that promise.
"Pero nangako ka rin na kung ano mang mangyari sa hinaharap,magiging masaya nalang tayo para sa isa't isa diba?Nakalimutan mo na ba?"tanong ko sakanya at natigilan naman sya
Nakatungo syang nakahawak sa ulo nya.
"The Elijah that i know,never force me to do anything i don't want to do.The Elijah that i know just want me to be happy."dagdag ko pa
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko.Lumapit ako sakanya at hinawakan ang balikat nya.Napaharap naman sya sakin ng ginawa ko yun.
"Promise me,you'll find your own happiness too.Kase ako nahanap ko na yung mga taong nagpapasaya sakin."naluluhang sambit ko
Nilamon lang sya ng pagiging makasarili pero alam ko na mabait si Elijah.Siya lang ang nag-iisang kasama ko nung panahong wala akong kakampi.
Alam ko balang araw,mahahanap nya rin ang babaeng gugustuhin nyang makasama balang araw.
Nagsimula na ring tumulo ang luha nya pero ngumiti sya sakin at pinunasan ang luha ko.
"Don't cry.Okay,i promise you.And i'm sorry for ruining your happiness.Kaligayahan lang ang gusto kong makita sa mukha mo,Alisha.Promise me that you'll live a happy life.Because that is what you deserve."
***
YOU ARE READING
President's Wife, Don't Run Away!
RomanceDue to the influence of the aphrodisiac, Alisha had a one-night stand with Aushi Han. Now she's carrying the child of a President. Han Series #1