9

12.7K 366 4
                                    

[9:Second Lead Role]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

"Absent na naman siya?! Tama na, papalitan ko nalang si Kleo!" sigaw ni Director Lee sa manager ni Kleo

Si Kleo? yung second female lead namin?

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Lily at napatingin naman siya sakin

"Never kasi umattend si Kleo sa shooting. Kaya pati kami napagalitan kahit wala kaming ginagawang masama." nakasimangot na sagot niya

Grabe naman, ayaw niya ba maging second lead? O baka naman sobrang dami rin ng schedule niya kaya di niya na magawang umattend?

"Director Lee, busy lang talaga schedule ni Kleo!" katwiran ng manager ni Kleo pero hindi nito napakalma si Director Lee.

"ALISHA! LUMAPIT KA NGA DITO!"

A-ako?! Waaaah, ang malas ko naman. Ako pa ang mapagbabalingan ng galit ni Director Lee.

"Kabisado mo ang script diba?" tanong niya sakin at napatango naman ako

Syempre naman, ang talino ko kaya.

"Then go and replace Kleo!" utos niya sakin at tinuro ang dressing room

Ha? Magiging second lead ako?!

"Ako po?" tanong ko ulit at tumango naman siya

Nagulat ako ng tinulak na ako ni Lily papunta sa dressing room. Binigyan niya sakin ang damit na susuotin at nilagyan ako ng make-up.

Napupuno ng kaba ang dibdib ko habang nilalagyan ako ng makeup. Sure ba sila? Okay lang ba talaga na palitan nalang si Kleo ng basta basta?

Paglabas ko ay nakahanda na ang set at kumalma na rin si Director Lee.

"Ready...Action!"

Umarte na ako katulad na lamang ng nakalagay sa script. Pinagbutihan ko ang pag-arte ko hanggang sa makatapos na kami sa pagshooting ng isang scene. This is the second lead role after all, hindi pwedeng puchu puchu lang ang actingan.

Shete, nakakapagod pala pag maraming lines at ganap sa eksena. Nagustuhan kaya ni Diretor Lee yung pag-arte ko?!

"Alisha!" napalingon ako kay Director Lee ng tawagin niya ako.

Mukhang galit ito nung tinawag niya ako kaya naman bumalik na naman yung kaba ko.

"Director Lee, bakit po?" tanong ko sakaniya habang pinagpapawisan

Pagagalitan niya ba ko?

Mula sa seryosong mukha ay bigla itong ngumiti.

"Ang galing mo palang umarte e!" masayang wika niya

Para akong nabunutan ng tinik nung marinig ko yun at di ko na napigilan ang ngiti ko.

"Thank you po!"

"Aayusin ko pa yung next set, maiwan muna kita." wika niya at tumango naman ako

Waaaahhhh, di ko talaga akalaing mabibigay sakin itong role na 'to. Naeexcite na tuloy ako umuwi para ibalita 'to kay Alas. Sigurado akong matutuwa yun.

"Magpakasaya ka ngayon, Alisha. Hindi mo ba kilala si Kleo? Ang lakas ng loob mong agawin yung role niya!" napaikot agad ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Anya

Humarap ako sakanya at pekeng ngumiti. Kailan ba titigil ang katawan nito sa pagrerelease ng katangahan?

"Inagaw? Si Director Lee kasi ang nagsuggest na palitan ko si Kleo kaya hindi ko inagaw ang role niya. Hindi naman kasi ako katulad mo." I said with a mocking tone

Namula agad ang mukha niya sa galit habang ako ay pinipilit na wag matawa.

"How dare you?! Kahit dati kang parte ng Arcena wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan. I'm an A-lister while you are just a nobody, C-lister actress!" sigaw niya

Ayan na si OA.

This girl really loves drama. Siya nangunguna tapos siya ang mapipikon.

"I'm a nobody? How can you tell?" tanong ko naman sakaniya at natigilan naman siya

"Bakit ang lakas ng loob mo? May sugar daddy ka ba? May backer ka ba kaya ka napili dito?" tanong niya at natawa naman ako

"Kung sabihin kung oo, aagawin mo rin ba siya?" mapang-asar na tanong ko at napakuyom na ang kamay niya sa galit

Salita ko palang galit ka na...paano pa kaya pag naghiganti na ko? Lumapit ako sakaniya at may binulong sa tenga niya...

"Balita ko nasa kulungan na yung assistant mo? Sana nasabihan mo siya na wag aminin na ikaw ang may naglagay ng chemical sa makeup. Baka kasi masira yung mga plano mo e."

Tumawa pa ako ng mahina bago siya nilagpasan habang naiwan siyang natigilan sa mga sinabi ko.

Mabilis na natapos ang araw namin dahil mabilis ko lang ring natapos ang scenes ko. Kaya naman nagmamadali na akong nag-impake para makauwi na ko.

Pagbalik ko sa mansion ng mga Han ay sinalubong  ako ng katahimikan. Parang walang tao sa sobrang tahimik. Dumiretso agad ko sa kwarto ni Alas para kamustahin siya.

Napailing ako ng makita si Alas na natutulog na. Nakabukas pa kasi ang laptop nito, siguro ay nakatulugan niya.

Isinara ko ang laptop ni Alas at itinabi iyon sa study table niya. Nilagyan ko siya ng kumot at pinatay ko na ang ilaw.

Tahimik kong isinara ang pintuan ng kwarto niya.

Siguro naman tulog na rin si Aushi? Di na ako awkward kung ganun.

Marahan kung binuksan ang pintuan ng kwarto namin at namula ang mukha ko dahil sa nadatnan ko.

Topless si Aushi, bagong ligo at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan nya. Sheteeeee!

"Wala akong nakita!" wika ko habang nakatakip ang shoulder bag ko sa aking mukha.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa reaksyon ko.

"Dumating ka na pala. How's your work?" kaswal na tanong niya

"O-okay lang. Nabigay sakin yung second lead role." sagot ko sakaniya habang nakatakip parin ang bag sa mukha ko.

Narinig ko ang papalapit niyang yabag at naaamoy ko ang mabangong amoy niya. Waahhh bakit sya lumalapit?!

Napaatras nalang ako para lumayo sakanya pero lalo pa yata akong nacorner dahil dun pa ako sa sulok napapunta.

Ibinaba niya ang bag na nakatakip sa mukha ko habang ang isang kamay niya ay nakatuon sa pader.

"What is there anything to be shy about? Nakita mo na naman lahat ng 'to dati." nakangising wika niya at lalong namula ang mukha ko

Ramdam ko ang mainit na hininga niya dahil sa sobrang lapit namin.

Waaahh, how can he bring up that topic?! Shameless!

"Ewan ko sayo. Matutulog na ko!" singhal ko at tinulak siya tsaka dali-dali akong tumakbo sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Pwede ko naman ipakita ulit sayo yung abs ko kung nakalimutan mo na, pwede mo rin hawakan. Hindi naman kita pipigilan."

"Argh! Shut up Aushi!"

Stop teasing me!

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now