2

15.8K 452 21
                                    

[2:Plano ni Alas]

-Alisha's Pov-

"Hoy, ikaw ba ang daddy ko?!"

Jusko, lagot na!

Agad akong lumapit kay Alas at kinarga siya. Narinig ko kasi sa balita, strict at suplado daw 'tong si President Han.

"Sorry! At thank you na rin!" wika ko at nag-bow na rin

Baka magalit 'to tapos ipabitay kami ni Alas whaaaa.

Napatitig lang siya sakin kaya napangiti ako ng awkward. Sh*t, sabi ko na nga ba ipapabitay niya kami e!

"You look familiar, have we met somewhere before?" tanong niya sakin

Yun rin yung naiisip ko e. Pakiramdam ko nakita ko na siya dati. Pero hindi ko maalala kung saan.

His eyes gives me a sense of familiarity.

"No, Sir. This is our first meeting, I believe." sagot ko naman at napatango siya

"President, malalate na po kayo sa meeting niyo sa Russia." wika ng isang lalaki na feeling ko ay secretary niya.

He smiled at Alas and patted his head.

Shete, ang pogi nya pag ngumingiti!Kalma lang,Alisha.
Pero akala ko talaga magagalit siya kay Alas.

"You got a smart kid." wika niya bago ako nilagpasan

Tumingin ako kay Alas at inilapag siya. Masasanay 'tong bata na 'to pag di ko pinagsabihan.

"Alas, wag mong pagkamalan na daddy mo lahat ng lalaking kamukha mo ha? Baka kasi mapahamak tayo tapos parusahan nila yung maganda mong Mommy! Gusto mo ba yun?" tanong ko sakaniya at umiling naman siya

Good, marunong naman makuha sa isang sabi 'tong baby ko eh.

Everytime na inayaya ako ni Kristy na kumilala ng bago, lagi akong tumatanggi dahil wala naman akong interes. Masaya ako kahit kaming dalawa lang ni Alas. Pero si Alas...kahit hindi niya sabihin alam ko na nangungulila siya sa kalinga ng ama. Lahat ng makita o makasalubong niya na kamukha niya, pinagkakamalan niya na agad na daddy niya.

"Ali!"

Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng sombrero at mask.

"Dustin, leche ka! Kanina pa kita hinahanap!" pabulong na sigaw ko

Bakit ba kasi umuwi-uwi pa 'to. Pabigat lang rin naman sakin.

"Sorry nahirapan kasi ako makatakas sa ibang fans. Maski naka-disguise ako ay nakikilala nila ako." katwiran niya

Kumapit pa siya sa braso ko at parang patago-tago pa sa likod ko. Probably hiding from any potential die hard fan.

Lumakad na kami palabas ng airport at tagumpay na nakapasok sa taxi ng walang nakakakilala sakaniya.

Tinanggal niya na ang sombrero at mask niya ng makasakay na kami sa taxi.

"Whaaaa Alas, namiss ka ni Tito Dustin!" masayang wika ni Dustin at yayakapin sana si Alas pero umilag agad ito.

"Di kita namiss." malamig na sagot sakanya ni Alas at kinutingting na naman ang computer nito

Agad napasimangot si Dustin dahil sa sagot ni Alas.

"Bakit ka ba ganiyan sakin, Alas? Akala ko ba ako ang favorote Tito mo?" hirit pa ni Dustin pero dinedma na siya ni Alas

Hay naku, laging ganito ang dalawang 'to. Bukod kay Kristy at Dustin...walang nakakaalam na mayroon akong anak.

Di naman sa gusto ko siyang itago pero baka mapahamak si Alas pagnalaman ni Anya na anak ko siya. Siguradong di niya parin kami titigilan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa anak ko.

Pagdating namin sa bahay ay inayos ko muna ang tutulugan ni Dustin. Ganito siya tuwing bumabalik sa bansa. Lagi siya dito nag-stay sa apartment ng isang araw at bukas ay pupunta na siya sa Entertainment Building nila.

Pinatulog ko muna si Alas bago pumunta sa kwarto ko.

Susubukan ko na sanang matulog pero biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha ang tiningnan kung tungkol saan ito. Isang notification about sa press conference ng bagong ilalabas na teleserye.

Natigilan ako ng makita ko ang mga kasaling artista sa lineup dahil sa isang pamilyar na mukha. Kasama si Anya...

Napakuyom ang kamao ko nung makita ko kung gaano siya kasaya habang nagkukwento tungkol sa married life, career at business niya.

Mga bagay na kinuha niya sakin.

Just why? Why is she experiencing all this good things? Did she even deserve it?

Pinagsawalang bahala ko na ang lahat ng nangyari dati dahil malakas ang kumpiyansa ko na may karma. Balang araw ay babagsak at malulugmok rin ang mga taong iniwan at tinalikuran ako. Pero bakit parang baliktad yata ang tadhana? Bakit ang masasamang tao pa ang naaambunan ng magagandang bagay?

Napailing nalang ako dahil sa naiisip ko. Ipinatong ko na ang cellphone ko side table. Naiwan tuloy akong nakatitig sa kisame.

Dapat hindi nalang ako mag-isip ng kung ano man. Nangyari na ang nangyari. Ang dapat ko nalang isipin ngayon ay kung paano ko masisigurado na mabibigyan ko ng magandang buhay si Alas.

----

-Alas' Pov-

Pagkasarado ni Mommy ng pinto ay agad kong iminulat ang mga mata ko. Kinuha ko ang laptop ko at buksan ito.

Yung lalaki kanina sa airport. Sigurado ako na siya ang daddy ko.

Malakas ang pakiramdam ko na siya nga ang daddy ko.

Pero ang ipinagtataka ko lang...bakit hindi siya kilala ni Mommy? Kung sya nga ang daddy ko bakit di kilala nila ang isa't isa?

May kinuwento kasi sakin si Tita Kristy. Sabi nya may kapatid daw si Mommy na galit na galit kay Mommy. There is a high possibility that she will drugged my beloved Mommy so she can get rid of her.

Trinack ko ang location ng Han Company at at hinack ang computer system nila.

Kada laptop na bubuksan nila ay ito ang nakalagay.

"Aushi Han, magkita tayo sa Genoa Restaurant. Bukas ng umaga, 8:00 am sharp!"

Siguro naman makikita 'to ni Aushi diba? Paniguradong maaalarma siya at mapipilitan na makipagkita sakin.

Bukas ko malalaman kung siya nga ba ang daddy ko o sadyang magkamukha nga lang talaga kami.

At kung siya nga ba talaga ang daddy ko...bakit niya hinayaan mag-isa lang si Mommy? Sinaktan niya rin kaya si Mommy katulad ng stepsister ni Mommy?

Dahil kung 'oo', hindi ko palalagpasin lahat ng taong nanakit sa Mommy ko.

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now