12

12.5K 359 14
                                    

[12: Unknown Number]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Napatingin ako sa sa repleksyon ko sa salamin. Todo parin ang pagsusuklay ko sa huhok ko at iniiwasan na magulo ito.

Mukha naman akong disenteng tao, diba?

Dadalaw kasi yung nanay at tatay ni Aushi. At masyado akong kinakabahan dahil sa mga nababasa ko sa libro ang mga mamayaman na magulang, mga matapobre.

"Mommy, lutang ka na naman!" napatingin ako kay Alas na nasa tabi ko na pala

Masyado na yata akong nagspace-out. Kasi naman e!

Paano nalang kung di nila ako magustuhan? Paano kung si Alas ang di nila magustuhan? Paano kung paghiwalayin nila kami ng anak ko?

"Mommy, wag ka na mag-alala. Pag inapi ka nila, ipagtatanggol kita!" wika ni Alas habang nakataas pa ang kamao

Jusko itong bata na 'to kung ano-ano nalang natutunan..Umupo ako tabi ni Alas habang inaayos ang buhok niya.

"Maging magalang ka sa lolo at lola mo ha. Pag may sinabi silang masama sakin, wag mo nalang pansinin, okay?Kasi lolo at lola mo parin sila. Tsaka kayang-kaya naman ni Mommy ipagtanggol ang sarili niya, hindi ba?" wika ko at napatingin naman siya sakin

"Opo Mommy! Sabi nga po ni Daddy excited na daw yung lolo at lola ko na makita ako e. Yung isang lolo at lola ko po ba excited rin kaya na makita ako?"

Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi niya. He is talking about my mom and dad. How am I going to explain this to him?

"Si Lola mo? Kung naabutan ka lang niya malamang lagi ka niya aalagaan. Si Lolo naman...ayaw niya na kay Mommy e. Di niya na ako kinikilalang anak."

"Mommy, kung ayaw nila sayo. Ayaw ko rin sakanila!" sagot niya naman sakin

Waaaaahhh ang cute ng anak ko.

"Lady Alisha, Young Master...nasa dining table na po ang mga magulang ni President Han." tawag ni Manang Liz at napatango nalang ako

Inakay ko na si Alas papunta sa dining room, nakita ko agad si Aushi at ang isang mag-asawa na pirming nakaupo.

They both look sophisticated. The jewelries that they wore is not too much but you know that it's expensive. Sobrang elegant pa ng postura nila.

Ito yung magulang ni Aushi?! Ang babata pa nila tingnan! Kung hindi sinabi ni Manang Liz pagkakamalan kong magkakapatid lang sila.

Napatayo agad yung nanay ni Aushi at tumakbo ito palapit kay Alas.

"You're Alas, right?" tanong nito at tumango naman si Alas

Agad itong napayakap kay Alas at kinarga pa ito. Although Alas hates it, he lets her do what she wants.

"Sa wakas, may nagawa na ring tama ang daddy mo. Binigyan niya ako ng napakagwapong apo." wika niya pa at napalapit na rin ang asawa niya

"Naku, kamukhang-kamukha ko nung bata pa ako!" wika naman nung tatay ni Aushi

Kamukha lang rin ni Aushi ang tatay nito, parang pinagbiyak na bunga.

Mukha naman silang mabait kay Alas e. It's a good sign.

Ah sandali! Hindi pa pala ako nakapagpakilala.

"Ako po si Alisha! Nanay po ni Alas!" nakangiting pagpapakilala ko at napatingin naman sakin ang lolo at lola ni Alas.

Nagsimula na akong pagpawisan dahil pakiramdam ko ay hindi nila ako papansinin.

Nagulat ako ng bigla akong hawakan ng lola ni Alas sa braso.

"I'm Zia and my husband is called Kiyo. You can call us 'Mom' and 'Dad'!Napakagandang babae mo, di na ako magdududang nagustuhan ka ng anak ko! Pasensiya ka na di agad kita nabati, sobrang naexcite kasi ako nung nakita ko si Alas." masiglang sagot niya sakin habang nakakapit sa braso ko

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot niya. I thought I'll be having a hard time.

Hinawakan niya ang kamay ko at may inabot na kwintas. Maganda at ito at halatang mamahalin.

"Regalo ko yan sayo. Mahirap magpalaki ng anak lalo na't mag-isa ka lang. I really admire you. Next day, I will send you some vitamins, okay?" wika niya

Regalo? Itong mamahaling kwintas?Tsaka bakit gusto niya akong padalhan ng vitamins?

"Hindi ko po 'to matatanggap!" pagtanggi ko at ibinalik sakanya ang kwintas pero pinilit niya itong ilagay sa kamay ko

"Tanggapin mo na, kung hindi magtatampo ako." sambit nito at napatahimik naman ako

Wala akong choice!

Napalingon ako ng may maramdaman akong kamay na nakakapit sa balikat ko at nakita si Aushi.

"Mom, don't scare my wife. Go play with Alas." wika ni Aushi at napanguso naman ang nanay niya

"This selfish brat! You just want your wife for yourself! You even got jealous with your own Mom?! You're just like your dad!" wika ng nanay ni Aushi at tumakbo na papunta sa direksyon ni Alas

Napatingin ako kay Aushi na nakangiting tinatanaw si Alas at ang magulang niya.

"Mukhang gusto ka nila..." wika niya at napakibit-balikat nalang ako

"Teka, ano bang sinabi mo sa magulang mo kanina? Bakit gusto nila akong padalhan ng vitamins?" tanong ko at napangiti naman ng nakakaloko si Aushi.

Oh no, anong kalokohan na naman ang pinagsasabi ni Aushi?!

"I told them that you were pregnant with Alas' little sister." proud na sagot niya

Napanganga ako sa sinabi niya.

"Bakit mo naman sinabi yun?! Paano kung maniwala sila?" tanong ko at napangisi naman siya

"Problema ba yun? Edi totohanin natin!" sagot niya sakin at namula naman ang mukha ko

Shameless!!!

Sasagot na sana ako ng narinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Napahawak ako sa bulsa ko pero wala akong nahawakan. Naiwan ko yata sa kwarto.

Tumakbo ako papunta sa kwarto at kinuha ang cellphone ko na nagriring parin.

'Unknown Number is calling...'

Hindi pamilyar sakin ang number na 'to ah.

Sinagot ko ito dahil baka nagbago lang ng number si Director Lee o kaya naman si Kristy.

"Hello?"

Walang sumasagot sa kabilang linya at tanging pag-ihip lang ng hangin ang naririnig ko.

Hm, baka na-wrong number lang.
Ibababa ko na sana ang tawag ng magsalita ito.

"I'm finally back after 8 years.Are you still waiting for me?"

Natigilan ako ng marinig ko ang boses niya.

No way! This voice is...

"Why aren't you answering? Don't you miss me, my dear Alisha?"

Naestatwa ako sa sinabi nya dahilan para mabitawan ko ang cellphone ko.

It's really him...

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now