13

12.3K 354 4
                                    

[13:Sweetheart]

"Ate Alisha, tulala ka na naman! Uwian na po!"

Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang sumigaw si Lily.

Di ko namalayang tinanggal na nila ang make-up ko..Lutang na lutang ba talaga ako kanina?

Hindi maganda 'to. Simula nung tumawag siya di na ako nakapag-focus. Napansin yun ni Aushi at Alas. Kung magpapatuloy paniguradong macucurious sila at iimbestigahan kung anong nangyari. At sa talino ng dalawang yun hindi na mahirap para malaman nila ang dahilan kung bakit ako natutulala nalang ng walang dahilan!

Ang lalaking tumawag sakin, si Elijah Soriano. Bukod kay Anya, isa rin siya sa dahilan kung bakit ayaw ko ilabas sa publiko na anak ko si Alas. At kung bakit ayaw ko rin malaman na may koneksyon kami ni Aushi.

Si Elijah ang taong pinakakinakatakutan ko sa lahat.

We're childhood sweethearts.We promise to marry each other when we grow up. And he can be pretty possessive. But we're not just childhood sweethearts...

Siya rin ang 'Boss' namin sa isang organization na sinasalihan ko dati. Akala ko simpleng gang lang ang sinalihan ko pero nakita mismo ng mga mata ko na pumatay sila ng tao. That organization is not just a simple organization so I quit.

Elijah is capable of killing people. There was one time when Brian was still my boyfriend, Elijah stabbed him using his swiss knife.

Siguradong pag nalaman niyang may anak ako o nagpakasal ako kay Aushi, baka saktan niya rin si Aushi at Alas.

Elijah is rich and powerful, it's not impposible for him to kill people and get away with it without criminal records. He is crazy. Mad crazy.

Natatandaan ko pa ang huli niyang sinabi bago siya umalis 8 years ago.

'When I come back you can only marry me. Just like what you promised me when we were kids. If someone gets on our way, I'll kill them. So, wait for me my dear Alisha!'

It was a silly promise when we were just kids. Hindi ko alam na seseryusuhin niya yun hanggang ngayon. Tsaka nakalimutan ko na nga yung pangakong yun. Hindi ko alam kung bakit hindi niya parin yun nakalimutan. At kung paano niya nahanap yung number ko.

Alam kong magsusunod-sunod na 'to, paniguradong gagawa siya ng paraan para makita ako. Pero anong gagawin ko pag nakita niya ko kasama si Alas at Aushi?

Nakaramdam ako ng pagtayo ng balahibo tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya.

If I only knew he was a psychopath, hindi ko na sana siya pinangakuan na pakasalan noong mga bata pa kami.

Napailing nalang ako habang pilit kong tinatanggal sa isipan ko si Elijah.

"Ate Alisha, mauuna na akong umuwi ha!" paalam ni Lily habang kumakaway pa sakin

Kumaway ako pabalik at sinarado niya na ang pinto.

Susunduin ako ni Aushi ngayon, baka naghihintay na yun.

Tumakbo na ako palabas ng pinto ng dressing room.

"Alisha!"

Napahinto ako sa pagtakbo at lumingon sa pinanggalingan ng boses.

Brian? Anong ginagawa ng taksil na 'to dito?

"May kailangan ka ba?" walang emosyong tanong ko sakaniya at napahawak naman siya sa batok niya

"Pwede ba tayo mag-usap?" nahihiya pa na tanong nya

Ngayon ka pa nahiya? Dapat noon pa late ka na ng limang taon.

"Hindi. Wala tayong dapat pag-usapan." sagot ko sakaniya at akmang aalis na pero bigla niyang hinawakan ang braso ko

Argh! Ano bang trip ng isang 'to?!Gawa-gawa ba 'to ni Anya para bwisitin ako?

"Makinig ka lang muna please, lasing lang talaga ako nun. Hindi ko gusto lokoh--"

"Hindi ko kailangan ng explanation mo. Tsaka baka makita pa tayo ng bruha mong asawa, kung ano pa ang isipin niya sakin."pagputol ko sa sasabihin niya

Gusto mo pa magpaawa. Lasing o hindi, nagloko ka parin. I don't deserve a man like you, cheater!

"Wife?"

Nanlaki ng ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Aushi. Lumingon ako at nakita siyang nakatingin sa braso ko na hawak-hawak ni Brian.

From shocked face he changed his face to serious face.

"I'll wait for you in the car." huling sabi niya bago ako tinalikuran

Oh no! He will misunderstand the situation!

"Tinawag ka niyang 'wife'? Asawa mo siya?!" tanong ni Brian habang hinihigpitan ang kapit sa braso ko

"Ano bang pakialam mo? May asawa ka na kaya pwede ba, tigilan mo na ko! And yes, he's my husband so don't cause trouble for us again!" madiin na wika ko bago ko sapilitang binawi sakaniya ang braso ko

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kotse. Pagpasok ko ay nadatnan ko si Aushi na nakapalumbaba habang nakatingin sa bintana.

He doesn't look very well.

"Aushi, galit ka ba?" tanong ko sakaniya

Tumingin siya sakin at pinilit ngumiti. Mas nakakatakot siya tingnan pag peke yung ngiti niya WAAAAAAHHHH!

"Hindi ako galit. Nakita ko yung asawa ko kasama ang ex-boyfriend niya. Nag-uusap habang nakahawak pa sa braso. Simpleng usap lang naman yun ng dalawang tao na parehas ng may asawa. Sobrang babaw ko naman kung iba agad yung iisipin ko diba? Kaya bakit ako magagalit?"lintanya niya habang may madilim na aurang nakapaligid sakanya

Help, he will eat me alive! Call 911!

Madilim ang aura. Nanlilisik ang mata. Nakakuyom ang kamay. Alright, hindi nga siya galit.

He's jealous.

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now